nine

219 8 2
                                    

AN: DOUBLE UPDATE IN ONE DAY! WOOHOO! MASAYA DIBA? HUEHUEHUE AHSYEMPRE LALALAB KO MGA READERS KO! ETO NA! PLS VOTE PO! THANK YOU BERRY MUCHO! xoxoxoxo

 

MICHAEL’S POV.

 

*Uwian…

On our way home… WOW ENGLISH ULIT! K! On our way home, parang tahimik ulit si Hayley. Nagtataka talaga ako. Kaninang umaga before recess, walang imik. Nung lunch time, okay na sya ulit. Ngayon, di na ulit umiimik. Anyareh dito? May dalaw? Hmmm.

“Hayley?” Imik ko sa kanya habang nagda-drive.

“Po?” WOW. “PO”. Big word yun.

“Tahimik ka na naman. Himala.” HIMALA TALAGA! Di sya napasagot. Nakarating na kami ng bahay. Di ko muna sya pinalabas ng kotse. “Uy! Okay ka lang?”

“Uhm, oo.”

“Eh bakit ang tahimik mo? Dahil ba sa kanina? Yung akbay? Yung sinabi ko sa tropa na nililigawan kita? Alin dun?”

“Wala yun. Okay lang nga yun sabi ko diba?” Sagot nya.

“Eh ano?” Curious talaga ako.

Humingi sya ng malalim. “Michael, nagkita kami kanina ni Jack.” At nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Nganga si Manong Klepord nyo!

“Haaaa??!!!” Ang dramatic ko! “Ano?! Kelan?! Saan?!”

“Kanina nung lunch time.” Sagot nya. Lunch time? Wait akala ko….WHAT WHAT WHAT NO NO NO

 

HAYLEY’S POV.

 

“Lunch time? Eh diba magkasama kayo ni Jelly?” Tanong ni Michael na parang napapanic attack. Kalma lang pre. Kung anu-ano naman siguro iniisip nito eh.

“It’s not what you think.” At napa-english naman si ateng nyo! “Ganito kasi yun. Naglalakad ako kanina palabas ng school. Sinalubong nya ako. Gusto nya raw akong kausapin. Ayaw ko sana eh mapilit. Hinaharangan nya yung dinadaanan ko. Muntik ko na nga sana syang sapakin kasi nakakainis yung pagmumukha nya! Pero bigla syang nag sorry.”

“Nag sorry?! Lakas ng loob nya ah?! Oh pagkatapos?! Tinanggap mo ba sorry nya?!” High blood naman tong si Michael eh! Blood sugar mo pre!

“Syempre hindi!” Tiningnan ko si Michael sa mga mata nya. “Michael ewan ko ba kung good idea na sasabihin ko to sayo kasi alam ko puputok ang bulkan mo pag nalaman mo to eh.”

“Ano ba yan? Sabihin mo na.”

“Pagkatapos kong tinanggihan yung sorry nya, bigla nya akong niyakap tsaka…” Biglang sumama ang tingin ni Michael at napakunot sya ng noo sabay buo ng kamao sa kanang kamay nya. Lord wag naman sana akong suntukin ni klepord waaahhhh!!! Tinuloy ko ang bad story telling. “Tsaka sinabihan nya ako ng ‘I Love You. Sorry.’ Yuck gago talaga tangina! Sarap patayin! Lakas ng loob!”

At parang puputok na ang buche ni Michael. Para syang mapapatayo sa inis pero again, nasa loob kami ng kotse nya so malabong tatayo sya. Duh? Edi mabubunggo ulo nun! K!

“Putanginang Jack yan! Magpakita sya sakin gago nya! Gusto ko na talagang patayin ang putagris na ipis na yan! Eh anong ginawa mo?!” Kalma lang nga eh!

“Edi tinulak ko! Kadiri kaya! Manyak ang gagong yun eh!” KADIRI NGA TALAGA! EW! Super turn-off na talaga ako sa kanya! Sana di ko na naging crush ang kumag na yun!

“Mabuti naman kong ganun! Naku! Sana sabay na lang tayong umalis ng school para maipagpatuloy ko ang pag sabotahe sa mukha ng gagong yun!” SANA NGA! “Bakit ngayon mo lang sinabi yan?”

gitarista ng banda || m.c. filipino fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon