fourteen

199 8 1
                                    

HAYLEY’S POV.

Araw ng sabado at syempre walang pasok, wala kaming magawa. Ginawa na rin namin ni Michael yung dalawang assignments namin kagabi. Ang sipag noh?! Ahsyempre di lang kasi kami tinatamad hahahaha! At least wala na kaming poproblemahin masyado. Andito kami ngayon ni Michael sa kwarto nya nakahiga lang sa kama at nakatingin sa kisame.

“Hayley, laro tayo ng basketball.” Sabi nya sakin.

“Tanghaling tapat, maglalaro ka? Mainit kaya. Kaya nga dito tayo eh. Nagpapa-aircon.” Ayoko kayang masira yung skin ko duh hohoho

“Edi wag. Sige.” At napatahimik na lang sya. Di rin ako nagsalita. Moment of silence na naman. Biglang kinuha ni Michael yung isang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko. Di ko alam na masahista pala tong boypren ko wahahaha.

“Anong ginagawa mo?” Tanong ko.

“Wala lang.” Yan lang sinagot nya at tinuloy nya pa rin ang kakalaro ng mga daliri ko. Walang ng ibang pwedeng paglaruan? Daliri ko na lang? K. Hinayaan ko na rin. Sarap ng feeling. Parang minamasahe yung kamay ko. Hahaha! Siguro magpi-PT to pagdating ng college. HA! College. Tsk. Konting panahon na lang college na kami. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang na 1st year high school kami. Ngayon, iilang araw lang, ga-graduate na kami ng high school at magka-college na.

“Hayley.” He interrupted my thoughts. CHOS! Hirap i-translate.

“Op?” Sagot ko.

“Di ka siguro gumagawa ng gawaing-bahay sa inyo noh?” Anong tanong yan?

“Bakit mo naman nasabi yan?” Nagtataka kong tinanong.

“Ang lambot kasi ng kamay mo. Halatang di ka naglalaba at humuhugas ng pinggan.” Tumawa pa. Gago to.

“Hoy! Ginagawa ko rin ang mga yan noh! Nagluluto rin ako! Pero syempre pa minsan-minsan lang. Ano ba naman silbi ng maid sa bahay? Shunga ka rin eh.”

Tumawa lang sya. Niyakap nya ako bigla, hawak-hawak pa rin ang kamay ko, at binaon yung mukha nya sa leeg ko. Puters! Hinayupak na mga paru-paro at gamu-gamo sa tiyan ko, nagpaparty naman para akong binabarang tongue-inuh!

“Oi. Matutulog ka na naman?” Sabi ko sa kanya.

“Oo.” Ungol nya sa leeg. Putangina! Nakikiliti ako shet!

“10:00AM ka na nagising pagkatapos matutulog ka na naman? Para kang pusa.” Hamak ko sa kanya.

“Bahala ka. Matutulog ako.” Leche talaga! Nakakakiliti talaga yung nagsasalita sa sa leeg ko puntanginers this! Di na ko nagsalita para di na rin sya magsalita futeks!

Ilang minuto ang nakalipas ng nakatulog na si Michael. Sarap ng tulog baka malawayan ako nito sa leeg eh putagris wag naman yak ew! Ilang minuto na rin akong naglalaro ng games dito sa phone ko. Dalawa lang naman yung games sa phone ko eh. Yung Flick Kick Soccer tsaka yung Silent Hill. Kanina pa ako naglalaro ng soccer. Silent Hill naman. Puteks! Horror game naman. Psh!

gitarista ng banda || m.c. filipino fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon