MICHAEL’S POV.
Haaayyyy. Di pa rin ako kinakausap ni Hayley. Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nag-usap kami sa park at nagtatampo pa rin sya. Simula nga nun, palagi na akong tumatambay sa gate ng bahay, nakaupo lang. Andito nga ako ngayon eh. Hinihintay ko kasi si Hayley na lumabas ng bahay nila. Dalawang araw siyang di lumabas ng bahay nila. Alam ko yun kasi sabi ko nga, dito lang ako sa gate, di umaalis sa puwesto, at naghihintay hanggang gabi except pag lunch at dinner duh! Iniisip nga ni mama na baliw na raw ako pero puta mababaliw na talaga ako pag di pa ako kinausap ni Hayley. Di ako OA! As in hanggang 8:00pm talaga ako naghihintay! Di naman kasi lumalabas si Hayley ng bahay nila kapag pasado alas otso na kasi natatakot yun. Minsan lang siguro, kung kinakailangan at kasama ako. Haaaayyy naku juice colored! Iilang araw na lang nga ang natitira sakin, di pa ako kakausapin. Kelan pa ba nito ako kakausapin? The day before ng flight ko? Kung yun lang pala, magbibigti na ako!!! Djks lang! Sayang naman ang buhay ko! Gwapo ko pa naman! Phew BAWAL ANG ANGAL! Hahahahaha! Che! Nakuha ko pang tumawa sa lagay na to! Well, sabi nga nila, laughter is the best medicine. Oh kita nyo? My english is showing! Psh! Whatever. Geh! Maghihintay lang ako dito. Ilang oras na ba ako naghihintay dito? Ewan. Basta alas tres na at di ko pa rin syang nakitang lumabas. Pasulyap-sulyap nga ako sa bintana ng kwarto nya eh. Baka sakaling buksan man lang ang bintana at makita ko man lang sya. Na-miss ko na yun. Di nga nagrereply sa mga text ko eh. Ang sad ng buhay ko ngayon. :( Geh! Emote pa, Michael! Kaya mo yan! Hindi! Hindi mo yan kaya! Pwe! Kaya mo yan! Kakayanin! Kainis ko lang talaga! Kasalanan ko to eh!
“Manong!” Sigaw ko sa nagbebenta ng kwek-kwek na napadaan sa tapat ng bahay. Nataranta ba naman? Hala? Ginulat ko siguro! Gago nerbyoso to oh! “Manong, isang stick ng kwek-kwek nga.” Sabi ko kay manong kwek squared.
Kukuha na sana ako ng pera sa bulsa ng shorts ko ng biglang….SI HAYLEY!!! Lumabas sya ng bahay nila!!! Mygad! Finally! Nakita ko rin after 224789375974 years!!! Humaygas papalapit sya!!! Gusto kong ngumiti ng sobra sa saya pero baka iisipin ng mga tao, baliw na ako. Pumunta sya kay manong kwek squared.
“Manong, kwek-kwek nga. Limang stick.” Sabi nya. Napasulyap sya sakin ng sandali.
“Hayley.” Imik ko. Di nya ako pinansin. Di rin nga tumingin eh. “Hayley.” Tinawag ko sya ulit pero wala talaga! Wala! Nilapitan ko sya at pumunta sa tabi nya pero wala talaga! Parang wala lang ako! “Hayley.” Pangatlo na yan. Wala pa rin! No progress! Eto na. Uulitin ko for the 4th time. Kapag wala pa talaga, ibubunggo ko na ang ulo ko sa pader!!!!!!!!! Joke masakit yun. “Hayley.” For the 4th time sabay hawak sa kamay nya.
Umirap sya at kinuha nya ang kamay nya. “Ano yun, Michael?” Kalmado nyang sinabi pero poker face sabay tingin sakin. Buti na lang di ako sinapak!
“Yay! Kinausap mo ko! Finally!” Masaya ako okay?
Umirap sya ulit. “Edi clap clap.” Sagot nya at umiwas sya ng tingin. -________-
“Nagtatampo ka pa ba?” Tanong ko sa kanya.
“Oo.” Simple nyang sinagot. Ano ba yan??!!! :(((
“Hayley…“
“Sir, eto na po ang kwek-kwek nyo.” Si manong naman eh! Panira ng usapan! Di man lang ako pinatapos! Bastusan?! Psh.
BINABASA MO ANG
gitarista ng banda || m.c. filipino fanfic
Fanfictionang makasaysayan na love story ni michael clifford at hayley mendez i thank you bow michael ( /◕ ヮ ◕)/*:・゚**:・゚**:・゚*\(◕ ヮ ◕ \ ) hayley ((warning: may ka-cheesy-han na pwede pampalaman)) - p.s. this is a fanfic in flipino language so if ure not from...