MICHAEL’S POV.
“oi! putangina naman! natutulog yung tao eh!” napasigaw ako kahit kakagising ko lang. leche naman eh! natutulog yung tao tapos aalug-alugin ba naman ako? feeling ko linilindol yung buhong katawan ko eh!
biglang tumigil ang kakaalog sakin. thank you lord.
“hay buti naman. natutulog pa kami ni hayley babes ko eh.” sabi ko sabay kapkap sa tabi ko. hayely. hayley? hayley!!! “hayley?? ampota hayley!!” puta wala sya sa tabi ko wala sya sa kama ko wala s---aray! puteks! pinektusan ba naman ako?!
“hoy gago! tumigil ka nga kakapraning mo dyan!” boses ni hayley yun ah?
tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si hayley na nakatayo, ang mga kamay nasa baywang tapos nakataas kilay pa. mataray! “bae, andyan ka lang pala! jusko aatakihin na yata ako sa pusod eh!”
“gagu! ang o.a. mo eh!” nilapitan nya ko at puteks kinurot yung ilong ko.
“oi hindi ako si calum ha? stahp.”
“o.a. mo eh! at kelan pa ba inaatake ang pusod ha? shunga lang?”
“hindi mo alam? hindi mo alam kung paano inaatake ang pusod?” huehuehue
“hindi. panu ba?”
hehe. “eto.” ayun! kiniliti ko sa pusod tsaka sa tiyan! para di naman sya yung palaging nakakunot lang ang noo.
“michael!” sigaw nya. “michael pochaks tigilan mo ko! aaahhhh!!!” ang sarap pakinggan ng tawa nya. di nakakasawa. pwede na ngang i-record at pakinggan paulit-ulit eh.
“eh eto gusto mo eh. panu atakihin yung pusod? oh eto!” hahahahaha ansaya namin diba? geh mainggit na kayo bwahahaha
“michael! tumigil ka na plessss!” sigaw nya sabay tawa. multitasking lang ba? hahaha “michael di ako makahinga puta!”
tinigilan ko na! mukhang bruha na kasi eh. pero kahit mukhang bruha pa yan, labs na labs ko yan!
bigla syang tumayo at lumayo sakin. yung mga daliri nya nakaporma ng krus. “lumayo ka sakin!” lumayo raw ako pero tumatawa naman! hay ewan talaga!
“bakit ako lalayo? eh kwarto ko to eh. teka? ikaw ba yung umaalug-alog sakin kanina?” eh sya lang naman yung tao dito paggising ko eh.
“bakit? may problema? ayaw mong gumising eh!”
“ah ganun pala ha!”
“aaaahhhhhh!!!!” tumakbo sya palabas ng kwarto pero hinabol at naabutan ko sya. binuhat ko sya pabalik ng kwarto.
“oi! ibaba mo ko gordon!” ay naku! ang likot likot naman nito eh! “ibaba mo ko plesss!!!”
di ko sya binaba hanggang nasa kama na kami at niyakap ko sya ng mahigpit. “dito ka lang.” sabi ko sabay tawa.
“bitawan mo ko oh juice colored!!!” malikot talaga hay naku
“ayoko! ginising mo ko kaya samahan mo kong matulog ulit.” di ko sya binitawan.
“okay okay. tatabihan kita dito basta bitawan mo lang ako. di na ako makahinga eh.”
“pramis? di ka tatakbo?” eh baka nagjo-joke lang to eh.
“pramis!”
“pag tatakbo ka, magtatampo ako okay?” naninigurado lang ako.
“di nga sabi eh kaya bitiwan mo na ako. di ako makahinga.” di raw makahinga pero tumatawa pa! balimbing talaga utak nito!
BINABASA MO ANG
gitarista ng banda || m.c. filipino fanfic
Fanfictionang makasaysayan na love story ni michael clifford at hayley mendez i thank you bow michael ( /◕ ヮ ◕)/*:・゚**:・゚**:・゚*\(◕ ヮ ◕ \ ) hayley ((warning: may ka-cheesy-han na pwede pampalaman)) - p.s. this is a fanfic in flipino language so if ure not from...