twenty-eight

121 4 3
                                    

AN: hi guys! actually meron pa akong gagawin pero feel ko ng mag update so yay! by the way NEW BOOK COVER!!! and new cast rin ((official cast na this time so paki-check lang if you want hehe)) okbye pwede na kayong magbasa :3

~~~

 

MICHAEL’S POV.

Linteks to! Di ko na alam kung anong gagawin ko! Di ako makapag decide ng mabuti. Ano ba? Sasabihin ko ba o hindi? Eh pag sasabihin ko, masasaktan yun. Pag hindi ko naman sasabihin, masasaktan pa rin. GRRRR!!!! Di ko kakayanin mga pre!

“Oi Michael! Bakit andito ka sa labas?” Tanong ni Jack. Andito kasi kami sa bahay nya. Despedida party eh ya know.

“Ah wala. Nagpapahangin lang.” Sagot ko.

“Hinahanap ka kasi ni Hayley sa loob.” HA? WHAT? AKO? HINAHANAP NYA?

[ay hende! si totoy brown!]

TENGENEH??? Pero bakit nya ako hinahanap? Wot wot wot

“Bakit daw?” Tanong ko kay Jack.

“Ewan. Basta sabi nya pag nakita kita, sasabihin ko raw sayo na hinahanap ka nya.” Tsss panu naman kasi mansion ang bahay ng rich kid na australyanong to! Ang laki! Yan tuloy! Di ako madaling mahanap ni bebelabs!

“Asan sya?”

“Dun yata sa likuran sa may garden.”

“Okay. Salamat.” Sabi ko at agad2x akong pumunta sa backyard (WOW BACKYARD) ng mansion ni Jack. Nakita ko si Hayley na mag-isang nakaupo sa bench. Asan ba ang mga tropa? Tsss nvm. Nilapitan ko sya. “Ehem!” Igham ko. “Hinahanap mo raw ako, miss?” Kaechosan!

[ang bakla ng language mo bh3]

CHE!!!

Lumingon siya at biglang tumayo. “Uhm, oo.”

“Na-miss mo ko?” Ehehehe.

“Gago.” Umirap sya pero hinawakan nya kaagad ang mga kamay ko tapos tinitigan nya ako sa mga mata. “Pero oo, na miss kita.” Shet nanginginig si intestines!

“Ako rin nga eh.” Malungkot kong sinabi. Eh 2 weeks kayang walang imikan, walang pag-uusap! Meron actually pero konti lang at pag kinakailangan lang. Nag-uusap rin nga kami sa text pero di ganun karami at kadalas. Ang cold nya sakin that time eh. Nagtatampo. Dalawang masasaklap na linggo ng buhay ko waaahhhh!!! Ok ang OA ko pero eto na kinausap na nya ako ulit kaya yaaayyy!!

“Pasensya ka na sakin nung mga nakaraang araw. Eh ikaw kais eh!” Tinapik nya muna ako sa braso. “Pero napag-isip2x ko rin na okay rin naman na sa La Salle ka mag-aaral kung yan talaga gusto ng parents mo. Kasi dapat mas piliin mong sundin ang parents mo diba? So okay na rin ako dun. Magkapitbahay pa rin tayo kaya magkikita pa rin tayo kahit papano diba?” Ngumiti sya. Shet! Yang ngiting yan. Ayoko yang mawala sa mukha nya pag sinabi kong aalis ako papuntang London. “Uy Michael! Diba?” Tumango ako na parang tanga.

gitarista ng banda || m.c. filipino fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon