thirty-eight

103 8 8
                                    

an: humaygasss ok double update kasi gusto kong bumawi sinyong mga minamahal kong readers! thank you pala sa patuloy nyong pagsubaybay sa story na to! means a lot to me! labyu guyssxzsxxsz! sige magbasa na kayo. if may typos, pasensya po! ehe

 


MICHAEL'S POV.


pagkatapos ng mahigit 14 hours na biyahe, nakarating na ako sa london. puteks na jetlag! napakasakit sa puwet at likod! pati rin yung leeg ko parang nagna-numb. masakit na nga tong puso ko, masakit pa pati buong katawan ko. habang sumasakay ng eroplano, pinilit kong matulog para kahit sandali lang, makalimutan ko muna si hayley. syempre, di pa rin ako maka move on na iniwan ko sya dun sa pilipinas at mapapalayo ako sa kanya ng 4 years. pero leche, kahit sa pautal-utal kong tulog, napanaginipan ko si hayley. kung pwede lang sanang bumalik na lang ako. :'(

pagkatapos ko ng makuha ang mga bagahe ko, hinanap ko kaagad si tito paglabas ko ng airport. nakita ko naman sya kaagad dahil sa sign board nya na "MICHAEL CLIFFORD". grabe! naka-expose talaga pangalan ko? wew. matagal-tagal din ng di ko nakita si tito carl. last  ko sya nakita, nung 12 years old pa yata ako. pero natatandaan ko pa naman mukha nya kaya medyo di rin ako nahirapan na hanapin sya.

"uy hijo, kamusta ka na? malaki ka na! mas matangkad ka pa sakin oh!" sabi ni tito carl nung paglapit ko sa kanya.

"okay lang po ako. kayo po? kamusta? si tita ho tsaka si sky?" si sky, sya yung anak ni tito. kumbaga pinsan ko. playmates kami nun pagdating sa video games nung bata pa kami. pero ng umalis na sya papunta dito sa london, si hayley na naging playmate ko. YAN NAMAN EH! SI HAYLEY NAMAN NAALALA KO! -_____-

"okay naman sila. excited nga silang makita ka eh, lalo na si sky. grabe talaga, ang taas mo na. osya sige, tulungan na kita sa baggage mo. dun tayo sa kotse." mabuti lang may kotse si tito kaso medyo malayo-layo pa yung bahay nya mula sa airport eh. mayaman talaga tong si tito carl.

"salamat po." sagot ko naman.

-

habang nagba-biyahe pauwi ng bahay ni tito carl, kuwinentuhan nya ako ng buhay dito sa london.

"alam mo dito, di pwedeng pabagal-bagal ka. lahat ng tao dito, busy, lalo na yung mga employed. pero kunsabagay, studyante ka pa lang naman eh kaya di ka rin masyadong mahihirapan. isa pa, makakapag-adjust ka rin balang araw. tsaka malapit rin yung papasukan mong school sa bahay kaya wag kang mag-aalala. magkasama rin naman kayo ni sky." narinig ko naman lahat ng sinabi ni tito at naintindihan ko rin kahit paano pero medyo lutang talaga ako. si hayley pa rin ang naiisip ko. di talaga maiwasan eh. parang kahit anong makita ko, sya kaagad naalala ko o di kaya naiko-connect ko talaga sa kanya.

"hijo, okay ka lang? kanina ka pa parang tulala. pagod ka siguro sa biyahe noh? di bale, normal lang yang jetlag. pagdating mo sa bahay, pwede ka ng makapagpahinga. ready rin naman yung kwarto mo dun eh." sabi ni tito sakin at napatango na lang ako sabay ngiti. "pero sigurado, okay ka lang?"

napayuko na lang ako. "to be honest lang tito, hindi eh." sabi ko sabay iling.

"bakit naman?" nag-aalalang tanong ni tito carl.

"yung girlfriend ko, nami-miss ko na sya eh." pinilit kong di mapaluha.

"hmmm kaya naman pala." napangiti na lang si tito. "magkikita pa rin naman kayo balang araw. natural lang yan. mahal na mahal siguro noh?"

napatango ako. "sobra po. bestfriend ko yun simula pa nung pagkabata eh. si hayley po ba, yung kapitbahay namin? yung sa harap ng bahay?"

"ay sus! si hayley! sya ba yun yung tinapunan mo ng icing sa mukha nung 7th birthday mo?" tanong ni tito sabay tawa.

gitarista ng banda || m.c. filipino fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon