thirteen

206 7 0
                                    

AN: HI! CHAPTER THIRTEEN! OK MEDYO LAME SORRY. BABAWI NA LANG AKO NEXT TIME :3

HAYLEY’S POV.

Monday na. Yiiieeessshhhh!!! Back to normal naman! May klase na naman grrrr! Hay kelan ba matatapos ang kalbaryong to?! Waaaahhhh!!! Bakit di  na lang ako naging matalino kaagad para di ko na kailangang mag-aral tsk! Wew. Asa pa ako.

“Oi.” Bulong ko kay Michael. Physics class kasi namin so bawal maingay.

“Hm?” Napaungol sya. Mukha kasi syang pagod.

“Bakit ang tamlay-tamlay mo? Anong ginawa mo kagabi ha?” Napayuko lang sya sa arm chair nya at di sumagot. “Oi! Anong nangyayari sayo? May sakit ka ba?”

“Wala.” Walang gana nyang sinagot.

“Oi! Nagpuyat ka na naman sa kakalaro ng video games noh?” Tanong ko. Tumingin lang sya sakin at nag peace sign tapos ngumisi pa. Sinasabi ko na nga ba eh! Kaya yun! Pak! Pinektusan ko!

“Aray.” Di nya pa rin maisigaw eh nasa klase kami eh. “Bakit mo ginawa yun? Kung di lang kita gurlpren…” AY! Boypren ko na pala to noh? Huehuehue

“Ano? Kung di mo lang ako gurlpren, ano? Gagantihan mo ko? Okay lang. Magrambulan na tayo dito.”

“Eto naman eh. Wag mo na kasi akong pektusan. Masakit rin kaya.”

“Eh ang kulit mo kasi. Alam mo namang may pasok eh! Bakit ka nagpuyat?”

“Sorry. Nalibang lang ako siguro. Di na mauulit.” Nag-ishmayl pa! Oi Michael tumigil ka na sa kakangiti-ngiti mo dyan! Mahihimatay ako ng wala sa oras!

“Kindly bring tomorrow all the materials written on the board.” Sabi ni Ma’am. Laboratory exercises naman. Psh. “Okay. Class dismiss.”

*Lunch break…

Andito lang kami ni Michael sa loob ng classroom namin for chinese class. Tapos na rin kasi kaming kumain. Puyat na puyat talaga tong si Michael eh. Napatulog lang sa arm chair. Yan kasi! Video games ng video games kahit abutin ng alas cuatro ng umaga! In fairness, ang cute nyang matulog hahahaha whut. Ngayon ko lang natitigan si Michael na natutulog ng ganito ka tagal. Ang himbing masyado ng tulog nya. Ikaw ba naman matulog ng pasado 4:00AM pagkatapos gumising ng 5:30AM? Di ka ba magmumukhang gulay nyan? Ang kulit naman kasi nito! Psh. Pinaglalaruan ko lang yung buhok nya. Ang spiky naman nitong buhok nya! Pwede mamatay ibon dito pag nalaglag dito eh loljk di naman masyado uber lang. Boypren ko na ba to? Ewan. Di pa rin nagsi-sink in. Siguro sanay na lang talaga akong magkasama kami palagi. Basta. Parang normal pa rin.

“Oi baka mapanot yang tropa natin ha?” Sino ba yun? Gago. Si Luke pala.

gitarista ng banda || m.c. filipino fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon