five

240 7 0
                                    

HAYLEY’S POV.

*Sunday Morning (wow english)

Nagising ako bigla sa isang panaginip. Napanaginipan kong binaril ni Jack si Michael. Di ko alam kong ano na ang kasunod ng pangyayari kasi nga, bigla akong nagising. Napabangon ako bigla at nagmasid sa paligid ko. Napahinga ako ng maluwag ng nakita ko si Michael na natutulog sa tabi ko.

“Panaginip lang yun Hayley.” Sabi ko sa sarili ko. Tiningnan ko ang best friend ko. “Huwag naman sanang magkatotoo yun. Hindi. Hindi pwede.” Hayley, kalimutan mo na yun! Hay naku. Tiningnan ko ulit si Michael. Tulog pa rin ang kupal kong bespren. Palatulog talaga. Ano nga ba talaga ang nakain ko kagabi at dito ko sya pinatulog? Hay ewan. Pero gusto ko lang naman talaga, si Michael lang muna yung makakasama ko. Hmmm. Ang cute rin naman pala nya talagang matulog. WAIT WHAT?!!! Naku Hayley! Tumigil ka! Masampal nga sarili ko. Boom sampal! Matauhan ka Hayley!

“Mike? Michael!” Ginising ko sya. Tinutusuk-tusok ko yung braso nya. “Michaaaeeel!!!”

“Ano ba? Natutulog pa yung tao eh.” He groaned. WOW! USO KAYA ANG TAGLISH!

“Michael! Bumangon ka na dyan! Mag-almusal na tayo please. Nagugutom na ko.” Inaalog-alog ko yung balikat nya.

“Edi kumain ka.” ABA! Mahulog nga to sa sahig! Kama ko pa rin to eh! At yun! Tinulak ko nga sya! HAHAHAHAHA potcha sarap tumawa! “Hayley!” Napasigaw sya.

“Bumangon ka na kasi eh! Ayokong kumain ng mag-isa. For sure, tapos ng kumain sina mama so wala na akong kasamang kumain. Sige na!” Sabi ko sabay hila sa paa nya.

“Oo na! Tulungan mo kong tumayo.” Makapag-utos talaga kahit kailan!

“Ayoko nga.”

“Edi huwag. Di ako babangon. Mag-isa kang kumain.”

“Ay di joke lang yun! Sige na nga!” MAY CHOICE PA BA AKO?! Haaaiiiissst! Edi tulungan!

“Bakit mo pa kasi ako hinulog? Sumakit tuloy likod ko.” YAN! Kasi di ka babangon eh!

“Suuusss! Kaya mo yan! Tara! Kain na tayo please! Gutom na ko eh! Libre na nga almusal mo dito eh!” Sabi ko sabay hila.

“Isusumbat mo pa sakin ang libreng almusal ha?” Sagot nya ng palabas na kami ng kwarto. “Sige, uuwi na lang ako.”

“Di ka naman ma joke eh! Pektusan kita diyan eh!”

Nang bumaba kami, parang ang tahimik. Bakit walang tao?

“Ma?” Tawag ko sa sala. Walang sumasagot.

“Baka umalis.” Sabi ni Michael.

“Mader!” Sigaw ko pa rin. Wala talagang sumasagot eh. Baka umalis nga.

Tiningnan ko yung orasan. 10:00AM na pala? Napasarap yata tulog namin ah? Panu ba naman? Eh nakainom ako tapos etong si Michael, sadyang palatulog lang talaga. Maaga pa nga yung 10:00AM sa kanya eh. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Nagtext pala si mama. Ngek!

“Hayley magsisimba muna ako. Nakahain na dyan yung almusal nyo ni Michael.” Text ni mama. Aba! Relihiyosa si mama ah? Hahahaha di joks lang! Nagsisimba rin kaya ako.

“Pumunta ng simbahan si mama.” Sabi ko kay Michael.

“Magsisimba sya?” AY MALAMANG?!!!

“Ay hindi! Baka magsho-shopping!” Joke pa Hayley Drew Mendez! Ew! DREW!

“Eh malay natin. Baka mangungumpisal diba?”

“GAGO!”

“GAGA!”

gitarista ng banda || m.c. filipino fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon