AN: AYOKO PO KAYONG BITININ SA CHAPTER SIX SO ETO NA PO! HAHAHAHAHAAHAH HUEHUEHUE
MICHAEL’S POV.
Gusto ko ng sabihin kay Hayley ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Hayley, may sasabihin sana ako sayo.” Bulong ko sa kanya pagkatapos ay binitawan ko sya.
“Ha? Ano ayun?” Tanong nya sakin.
“Uhm, makinig ka muna, okay?”
“Okay.”
“Bawal violent reaction ha?”
“Sige.”
“Huwag kang magagalit, okay?”
“Oo nga. Ano ba yan?”
At huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ang mga kamay nya at tiningnan ko sya sa kanyang mga mata.
[wow romantic]
Hoy author! Huwag mo kong pakialaman. Moment ko to.
[di naman kita pinapakialaman eh. sumusuporta nga ako eh]
Ssssshhhh… Eto na!
“Uhm, Hayley…” Huminga ulit ako ng malalim. “Uhm, gusto kita.”
Biglang nanlaki masyado ang mga mata nya.
“Ha?” Ay paulit-ulit naman eh. Mahirap rin kayang mag confess.
Napakamot ako ng ulo. “Hayley, naman eh. Sabi ko, gusto kita.”
“Ah, eh, bakit?” Oh kailangan ko namang mag-explain ngayon?
“Ewan ko rin nga kung bakit eh.” Sagot ko sa kanya. “I mean kasi bespren kita. Kahit papaano, napamahal ka na rin sakin. Di ko lang lubos akalain na mas mamahalin kita ng higit pa sa pagiging bespren. Uhm, basta ganun.” Medyo naiilang pa ako.
“Eh bakit ako nga?” Mapilit ang peg. Geh! Ilalabas ko na ang ka-cornyhan at ka-cheesyhan skills ko.
“Eh kasi mabait ka. Minsan.” Tumawa ako ng konti. “Alam mo yung tipong kahit palagi kitang inaasar, andyan ka pa rin. Isa pa, masarap kang kasama kahit minsan inaasar mo rin ako. Tsaka, pareho tayo ng hilig. We also hate the same things.” Wow English. Medyo natawa rin sya ng konti. Tapos tumango lang sya. “Di man tayo magkasundo minsan, tayo pa rin magkasama. Hayley, masaya ako pag kasama kita. Kahit sa simpleng bagay lang na ginagawa mo, napapasaya mo na ko. Especially pag nakikita kong asar na asar ka sakin, mas lalo akong natutuwa.” At kahit nagiging corny na ako, mabuti pa rin at di nya tinanggal ang mga kamay nya sa kakahawak ko.
“Gago.” Napasagot sya at ngumiti. “Oh pagkatapos?”
“Pagkatapos yun! Simple ka. Well, minsan ulit. Minsan, maarte ka rin pagdating sakin pero okay na rin yun. I mean, simple ka sa ibang bagay like sa pananamit o sa pagkain o sa kung ano pa diyan.” Ayoko ng i-elaborate. ELABORATE WOW.
“Meron ka pa bang sasabihin?” Sabi nya at tumango ako.
“Isa pang rason kung bakit gusto kita ay yung palaban ka, yung matapang ka at maangas. Gusto ko yan! Ayoko kasing nagiging mahina ka.”
“Di naman sa lahat ng oras, matapang ako eh.”
“Alam ko. Takot ka nga sa dilim eh.” Takot nga talaga sya sa dilim. Medyo may traumatic history kasi sya about diyan. Ayoko ng i-explain yan. “Ah basta na-explain ko na. Uhm, medyo. So, yun. Enough na siguro yun.” Ngumiti na lang ako sa kanya.
Bigla syang napayuko. “Michael, may sasabihin rin sana ako sayo eh.”
“Na ano? Gusto mo rin ako? Sus! Okay lang! Hahahahaha de jks lang! Ano ba yun?” BASAGAN NG TRIP KA TALAGA MICHAEL WOOOHHH! \m/

BINABASA MO ANG
gitarista ng banda || m.c. filipino fanfic
Fanficang makasaysayan na love story ni michael clifford at hayley mendez i thank you bow michael ( /◕ ヮ ◕)/*:・゚**:・゚**:・゚*\(◕ ヮ ◕ \ ) hayley ((warning: may ka-cheesy-han na pwede pampalaman)) - p.s. this is a fanfic in flipino language so if ure not from...