HAYLEY’S POV.
Hi ako po [wow “po” BIG WOOORD] si Hayley. Hayley Williams? HINDI! Mas maganda pa ako dun! HAHAHAHAHA mahangin ba! Guess what kung ano ginagawa ko ngayon? Malamang di mo alam eh nagbabasa ka lang naman eh! May picture ba dito? Diba wala? Geh! Back to topic tayo! Okay eto serious na pramis. Ako si Hayley Drew Mendez. Ang panget ng second name ko. DREW. Ginawa ba naman akong lalake ni mama? Tangina to oh. Magaling daw kaseng mag drawing si papa eh kaya Drew pinangalan sakin. Eh sana ginawa nya nalang DRAW para mas obvious diba diba diba?
“Oi kupal!” Sigaw ng gagong si Michael sabay palo sa ulo ko. Pero gently lang. Wow. GENTLY. English yun ha? K. Bespren ko yang bruhong yan since birth! Oo! Since birth kasi..kasi…kasi SINCE BIRTH EH! Ayoko ng mag-explain! Si Michael, gitarista yan sa banda nilang 5 Seconds of Summer dun sa school namin. Marami rin yang admirers si Mike (nickname nya yan syempre). Kaso lalong nagiging mahangin etong kumag na to dahil dyan eh.
“Oh kupal kong bespren! Mambubuwisit ka na naman?” Sabi ko sa kanya sabay appear. Wow. Medyo mabait ako ngayon sa kanya in fairness. Siguro maganda lang yung mood ko ngayon? Ewan.
“Ba’t nag-iisa ka dito?” Sabi nya sakin with matching confused face. Onga naman! Bakit mag-isa ako dito sa shed ng school namin? Di ko rin alam cheka!
“Gusto ko lang mapag-isa.” Sagot ko. HUWOW!
“Mapag-isa? Nagda-drama ka na naman eh! Wag kang umasa na magiging artista ka pa dahil dyan!” Gago to! Inasar ba naman ako.
“GAGO! Drama agad agad? Pektusan kita dyan eh!”
“Eh anong ginagawa mo dito? Patingin-tingin ka pa nga sa malayo eh! Anong kaartehan yan? Nagmu-music video ka?” AMPOTA! Tigilan mo ko Michael! Sakalin kita dyan eh!
“Gago ka talaga! HOY! Maganda naman ang boses ko noh? Pang music video rin to! Gago ka talaga! Ha! Kering-keri ko yan.” Sabi ko with matching pose pose pa oh. Sadyang may kaartehan po ako kahit medyo tibo ako minsan. Huwag nyo kong pakialaman!
“Nagdi-dreaming ka na naman Drew eh!” TANGINA! Wag mo kong tawaging Drew. Kainis!
“DREW? Ew. Yuck? Ampota.” I snapped my fingers. English yun in case di nyo alam.
“Ang ganda kaya ng Drew?” Aba! Gago talaga! “Drew Drew Drew!” Linalait ako ng bruhong to ah.
“Pinuntahan mo ba ko dito para asarin?!” Sabi ko sabay tayo. Kinuha ko yung bag ko.
“Oi! Saan ka pupunta?” THE HELL OUTTA HERE WITHOUT YOU. Ehem! English ulet.
“Pake mo?!” Suplada mode na ako ngayon. Nasira araw ko ah.
“Sama ako.” ABA! AYAW PANG MAG FUCK OFF? Wow fuck off.
“Sa CR ako pupunta! Sasama ka ba?” Tinaasan ko sya ng kilay.
“Pwede ba?” Aba! Manyakis ang gago to ah! Masapak nga! Yun sinapak ko sya! Malamang! Sabi ko sasapakin ko eh!
BINABASA MO ANG
gitarista ng banda || m.c. filipino fanfic
Fanficang makasaysayan na love story ni michael clifford at hayley mendez i thank you bow michael ( /◕ ヮ ◕)/*:・゚**:・゚**:・゚*\(◕ ヮ ◕ \ ) hayley ((warning: may ka-cheesy-han na pwede pampalaman)) - p.s. this is a fanfic in flipino language so if ure not from...