four

250 8 2
                                    

HAYLEY’S POV.

Hinatid ni Michael sina Calum, Luke, at Ashton at umuwi na kaming dalawa pagkatapos. Pagdating namin sa bahay, andun si mama sa labas ng bahay, alalang-alala.

“Anak! Michael! Oh bakit ngayon lang kayo? Kamusta yung gig nyo?” MABUTI PO MA! MABUTI! TANGINA! -_____-

“Ma, kasi…”

“Tita, si Hayley po kasi…Panu ko ba sasabihin to. Uhm, si Hayley po kasi munik ng…ma-rape.” Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nung sinabi ni Michael ang nangyari. “Ma-rape” – NAKAKA TRAUMA HUHUHU PARANG AYAW KO NG LUMABAS NG BAHAY

“HA?! Anong sabi mo?! Rape?!” SIgaw ni mama. MA! PAULIT-ULIT?! ANG SAMA PAKINGGAN NG PAULIT-ULIT EH!

“Opo tita.” Mahinang sinabi ni Michael.

“Sino?! Sinong punyetang lalakeng yan?!” PUNYETA DAW OH! BAD WORD YAN MAMA HA?

“Yung isang classmate po namin. Si Jack.” Si Michael na lahat yung nagkukuwento. Di ko pa kasi kaya. Ewan.

“Kaklase?! Aba gago yun ah?! Humanda sya sakin!” GO MAMA GO! “Pero paano nangyari yun?” MA! WAG MO NG ITANONG!

“Eh kasi…” Pinutol ko si Michael.

“Pwede ba wag na nating pag-usapan yan? Ayokong maalala yan. Gusto ko na yang kalimutan.” Sabi ko sa kanilang dalawa. Ayoko kasing pabalik-balik lang eh. Baka mabaliw na ako kaalala niyan. Baliw na nga ako. Idagdag mo pa yung mga baliw kong tropa. Pagkatapos yan pa. Hindi ko yata kakayanin yan. “Please lang po. Gusto ko lang maka recover diyan.” WOW RECOVER! “Di naman ako masyadong na-trauma dun sa nangyari pero pag paulit-ulit na yung ibabanggit, hindi na ko lalabas ng bahay.”

“Oh sige anak. Kung yan ang gusto mo. Basta kakausapin ko yang mga magulang ng Jack na yan.” HA?! REALLY?! WHAT?!

“Ma, eh Australyano tatay nun eh. Keri mo ba ang English?” ETO BACK TO KASHUNGAHAN.

“Ha? Edi nanay nya na lang yung kakausapin ko.” EH PALUSOT KA MAMA HA?

“Eh ganun pa rin yun. Dalawang magulang nya pa rin ang makakausap mo.”

“Ah basta! Bahala na! Basta kakausapin ko parents ng manyakis na yan!” GOD BLESS YOU MA! GOOD LUCK WITH YOUR NOSE!

“Sige Hayley. Magpahinga ka na.” Sabi ni Michael sakin.

“Onga naman anak. Magpahinga ka na. Pasok na tayo. Salamat Michael ha? Utang na loob ko sayo yung pagligtas mo sa anak ko.” Sabi naman ni mama. Aba ma! Panu mo naisip na si Michael pala nagligtas sakin? Grabe na talaga mga tao ngayon! Manghuhula na kayong lahat! SIGE!

“Ah ma? Pwede bang dito na muna matulog si Michael satin?” Si Michael lang kasi gusto kong makausap ngayon eh. Sa sitwasyon ko ngayon, sya lang yung makakausap ko ng deretso.

“Ha?” Gulat naman na sagot ni Michael.

“Oh bakit dito pa? Eh katabi lang ng bahay natin yung bahay nila eh.” EH GUSTO KO EH!

“Sige na ma. Please.” Okay lang naman actually kay mama na matutulog ako kasama si Michael eh. Nagsi-sleepover kami kayang dalawa since nung bata pa kami.

“Eh sige na nga. Michael, mabuti pa magpaalam ka muna kay mama mo.” Sabi ni mama.

“Ah sige po. Hayley, samahan mo ko.” ABA! MAGPAPASAMA PA! SOBRA PA TO SAKIN AH!

*Nakapagpaalam na si Michael at pinayagan naman sya! Ahsyempre! Dabest kaya parents namin! HAHAHAHAHA! Okay. So sa kwarto…

Humiga si Michael sa kama ko. ABA! Feel at home ba naman?! GEH! OKAY LANG! Pumunta ako ng banyo at nagbihis. DUH? Alangan naman magbibihis ako sa harap ni Michael?! GAGA BA? Okay so nakabihis na ko. Naka pajama po ako. EH MASAYA KAYA PAG NAKA PAJAMA!

“Bespren!” Tinawag ko si Michael. Ahende? Baka yung kama. GEH! JOKE LANG NG JOKE HAYLEY KAHIT MUNTIK KA NG MAGAHASA! JOKE PA!

“Hmmm?” Yan lang sagot ni Mike sakin. Wow! May gana!

“Sabihin mo na sakin.”

“Ang alin?”

“Yung tungkol dun sa ugali ni Jack manyak choo choo.”

“Ah. Uhm, ganito kasi yun.” Medyo naging seryoso si Michael. “Yung ex kong si Maggie, naalala mo?” Tumango lang ako. “Diba niloko ako ng bruhang yun? Gagang yun! Two-timer! Di marunong makontento! Katol talaga!” Tumawa ako sa ‘katol’. Hay naku Michael. “Eh si Jack pala kasi yung lalaking pinang-two time sakin.” Nagulat ako bigla sa sinabi nya. Ba’t di nya sinabi?

“Ha?! Bakit di mo nabanggit sakin yan?” Tinanong ko sya.

“Eh ewan. Wala na rin kasi akong pakialam.Pagkatapos nalaman kong may nangyari sa kanilang dalawa. Sa pagkakaalam ko, drinoga yun ni Jack si Maggie pagkatapos hinalay rin. Buti nga yung sayo at nilasing ka lang at dumating kami. Yung kay Maggie, ayun! Di na nakapag-aral kasi nabuntis.” BOOM BUNTIS! “Di rin pinagutan ni Jack. Gago talaga! Tapos uulitin nya yung kasalanan nya sayo?! Mapatay nga!”

“Aba punyeta talaga ang gagong yun ah?! Eh nasaan na si Maggie?”

“Lumuwas na raw sila ng pamilya nya papuntang Canada. Di ko na alam pagkatapos kung ano na ba sya ngayon, kung anong buhay nya ngayon.”

“Mukhang interested ka ah?”

“Uy. Hindi ah.” DENY MO PA MICHAEL!

“Huweh?” NAKAKAINIS RIN TALAGA AKONG BESPREN.

“Hindi nga sabi eh. Wala na rin akong pakialam sa kanya.” Ngumiti sya sakin. Ayan naman eh! Huwag kang ngingiti –ngiti dyan Michael! Ano ba to? Bakit ang cute nya talaga? Hay naku talaga! “Matulog ka na.” Sabi nya sakin sabay tayo.

“Eh saan ka pupunta?”

“Dito sa sofa.”

“Diyan ka matutulog?”

“Oo. Kaya magpahinga ka na. Babatukan kita pag di ka pa natulog!” ABA PARANG TATAY NA TONG SI MICHAEL AH!

“Dito ka na lang sa bed ko please. Malaki naman to eh. Kasya tayo dito. Sige naaaa.”

“Ha? Huwag na!”

“Asus! Nahihiya ka pa! Besprens naman tayo eh! Sige na pleeeeaaase?”

“Sige na nga.” Sagot ni Michael at bumalik sya sa kama. “Ba’t gusto mo kong katabing matulog ngayon? Anong nakain mo at ang bait-bait mo ngayon? Naglalambing ka pa! Baliw ka na yata.” MASAMA BANG MAGING MABAIT? NAGREREKLAMO PA TO AH!

“Masama ba? Edi wag na lang! Tsupe! Alis!”

“Okay.”

“Uy! Huwag! Joke lang! Samahan mo na ko dito please.” Baliw nga talaga ako.

MICHAEL’S POV.

Ano bang nangyayari sa babaeng to? Bakit gusto nya kong katabi matulog? Makahiga na lang nga. Pagod na ko.

“Good night bespreeen.” Sabi ni Hayley. Humiga sya sa balikat ko. Medyo normal na rin to samin pero iba talaga tong nararamdaman ko. Ano ba to?

“Uh, good night din bespren.” Sabi ko sabay lagay ng kumot sa katawan nya.

“Thank you bespren. Labyu.” Sabi nya sabay pikit ng kanyang mga mata at yakap sa braso ko. Ano ba to? Umiinit pisngi ko!

“Mahal kita Hayley.” Teka ano bang sinabi ko? Buti na lang nakatulog na sya. Baka narinig nya pa yung sinabi ko. Hay. Panu ba to? I’m inlab with my bespren na. Sana okay lang to sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko. Gusto ko na talagang magpahinga.

AN: PASENSYA NA PO SHORT UPDATE LANG HEHE SA UULITIN! AY DJK DI BALE BABAWI PO AKO SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS [INSERT MICHAEL'S VOICE] PRAMIIISSSS

gitarista ng banda || m.c. filipino fanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon