Chapter Two

5.1K 43 3
                                    


Birthday Party

Dumating ang oras ng uwian at natapos ang trabaho ko ng matiwasay at walang Meniesito at Jessica'ng nanggulo sa akin. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nagretouch na para umalis na ng opisina.

Nagtataka kayo kung bakit walang kumakausap sa akin? Well, dahil wala akong kaibigan.

Iniiwasan kong makipaghalubilo sa mga tao. Ayaw kong magkaroon ng malalim na koneksyon maliban sa pagiging magkatrabaho.

Umalis na ako sa opisina at umuwi sa apartment na tinutuluyan ko.

Pagdating ko sa apartment ay inilapag ko ang bag sa mesa. Nag iisip ako kung saang bar ako ngayon. Nagsasawa na ako sa iilang bar na malapit sa tinutuluyan ko. Ayaw ko namang pumasok sa mga pipitsuging bar. Wala akong makikita kundi ang mga bayarang babae na naglilipana at naghahanap ng magiging customer nila.

Inabot ko ang phone ko upang tawagan ang iilang kaibigan na meron ako pagdating sa inuman.

"Hello Louie? May lakad kayo ngayon?"

"Wala. Bored ka na naman ba? Tinatawagan mo lang ata ako kung wala kang makasama at bored ka eh." Sabi ni Louie sa kabilang linya. Bastos, hindi man lang nag-hello. Well, what do you expect from a fuckboy like him. Fuckboy in the real word.

"Saan tayo?"...

"Shoot. Sabi ko na nga ba eh. Tara ng magpaputok. Susunduin kita sa apartment mo. I'll be there in 15minutes."

Bago ko pinatay ang tawag ay narinig kong tumawa pa siya sa kabilang linya. Napailing na lang ako.

Huwag kayong magtaka kung bakit isa siya sa mga iilang kaibigan ko. Birds with the same feathers, flocks together diba?

Nagbihis na ako bago pa dumating si Louie. At dahil sa si Louie ang tinawagan ko ay hindi lang siya ang magiging kasama ko ngayong gabi. Panigurado akong sasama sila Rhea, Carrisa, Christine at Riza. Hindi ko sila mga kaibigan pero dahil kaibigan sila ni Louie ay napapasama ako minsan sa mga lakad nila at tingin ko'y tinuring na rin nila akong isa sa mga friends nila. Well, I don't mind at all. Buti nga iyon, may makakasama ako sa mga lakad ko.

Wala pang 15 minutes ay dumating na si Louie nasa likod niya si Carrisa. Nagwave siya sa akin ng dadamputin ko na ang bag. Pagkalabas ko ng apartment ay bumeso siya sa akin.

"As usual, you look fabulous as ever." Sabi ni Carrisa sa akin.

"Shit! Did you even wore a bra? And holly damn legs!" Papuri ni Louie sa akin habang natatawa.

Natawa na lang din ako sa mga reaksyon nila. Suot ko ang binili kong damit sa forever 21 kahapon. Isang mini dress na see throu mula baywang hanggang dibdib, sa harap ng dibdib nito'y may design na maliit na heart tama lang matakpan ang yaman sa harap. Ang haba naman ay hanggang kalahati lang ng aking hita. Kunting yuko ko lang ay kita na ang underwear ko.

Suot naman ni Carrisa ay isang mini black dress na sleeveless na umabot lang din sa kalahati ng kanyang hita ang haba.

"Saan ang punta natin ngayon?" tanong ko kay Louie ng pasakay na kami sa kotse niya.

"Relax ka lang. I'm sure mag eenjoy ka sa pupuntahan natin. Nandoon na sila Christine, may party kasi sa kaibigan niya. Doon ang punta natin.

Papasok kami sa isang gate ng subdivision sa Tandang Sora. Pinakita ni Louie ang isang card na tila gate pass sa gwardya ng parahin kami sa mismong tapat ng gate. Ilang segundong pakikipag usap at pinapasok na kami.


Estrikta ang subdivision na pinasukan namin. Sa loob ay hilira ng mga bahay na tila mini mansion. Hmmmm.. marami kayang gwapong mayaman sa lugar na ito? Maganda man ang paligid ay tila napakatahimik naman nito kahit ngayong gabi na. Pero may namumukud tanging bahay na kumikislap ang Disco lights at napakaingay.

"Iyan ba ang bahay ng kaibigan ni Christine? Malaki ha!"

"Yup, and it's that the party had started." Sabi ni Louie habang naghahanap ng mapagpaparkingan ng sasakyan.


Pagkapark ng maayos ay agad kaming lumabas ni Carrisa sa sasakyan. Excited na akong pumasok. Sa labas pa lang ay dinig mo na ang rock music. I think, mag eenjoy ako ngayon dito.

Pumasok ako sa gate at sinalubong akonng maraming tao na nag iinuman sa may fountain. Eligante bagamat daring ang suot ng mga bisita. Well, good thing sinuot ko ang damit na to, I perfectly fit in. Napalingon ako sa unahan ng may tumawag sa pangalan ko.


"Gweneath! Stunning as always! Akala ko ako na ang maganda ngayong gabi, mas may gaganda pa pala sa akin." Halakhak ni Christine sa akin. Bumeso ako sa kanya ng tuluyan siyang nakalapit.

"Is this a birthday party? Or what?" Tanong ko habang iginagala ang paningin sa paligid.

"Birthday ng kaibigan at katrabaho ko. Ipapakilala ko siya sayo. But before I tell you his name, I want you to assess him first kung papasa ba siya sa standard mo."


Humarap siya sa kanan ko at may itinuturo sa dulo. May nakita akong lalaki na nakatalikod at tila nakikipag usap isang babae. Tiningnan ko itong mabuti. Sa malayo, he has broad shoulders, messy in cool way hair, tall and manly ang dating. Talikod pa lang ay parang ang gwapo na. Biglang tumibok ng napakalaks ng puso ko ng makita ko ang side view ng lalaki noong tumawa siya. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na may halong kirot. Sandali akong natulala at bumalik lamang ng hampasin ni Christine ang kaliwa kong balikat.


"Shit girl. You're drooling! Diba ang gwapo niya. I like him too pero hindi niya type ang ganda ko." At humalakhak.

"What's his name?" Bimaliwala ko ang nararamdaman ko. Hindi maaari, nasa U.S na sila ngayon.




"He is Clifton Villanueva. Ang crush ng buong babae sa opisina."



Napatango ako ng marinig ko ang pangalan niya. Hindi siya yun. Magka apilyedo lang sila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bahagyang kumalma ang tibok ng puso ko.....

Playmate (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon