Wedding Day
"No." Matigas na tugon ni Louie saakin.
"Please, please. I'll do anything you want. Just be my date." Pagmamakaawa ko sa kanya. I don't care if I look pathetic in front of Timothy.
"Huwag ka ng mapilit. It's a no. Besides, hindi rin naman maniniwala iyong sira ulong yun. Kilala niya ako. Kaming lahat na kasama mo sa mga inuman at kalokohan mo. Hindi maniniwala iyon. Isa pa, kung ayaw mong magmukhang kawawa at katawa-tawa doon. Magpunta kang mag isa, ipakita mo sa kanilang okay ka kahit mag isa. Kung gusto mo, sasamahan ka naming lahat. Kaya lang alam mong hindi pwedi, mga kilalang pamilya ang naroon."
"Let me be your date. I can go with you." Napalingon kami ni Louie kay Timothy ng magsalita. Nakalimutan kong narito pa pala siya.
"What?" Shock ako sa sinabi niya. Gusto kong matawa.
"If Louie's don't want to go with you. I can, hindi ako kilala ng Clifton na yan. And, I want to meet them." Pinagmasdan ko ang pagmumukha ni Timothy. Any girl would die just to have this man's love. Pero wala akong maramdaman na attraction sa kanya.
"Bahala ka. Pag isipan mo iyong sinabi ko. " Sabi ni Louie, ininum ang isang shot at nagpaalam na saamin. Nakatulala pa rin ako ng may humawak sa balikat ko.
"I know you don't like me. But let me help you. Just this one." Napatango na lang ako sa kawalan ng masabi.
........
Kinabukasan pagpasok ko sa opisina, may nakalapag ng small envelope sa cubicle ko. Pangalan ni Clifton at Alina ang nakalagay sa harap ng envelope.
Witness the unison of two hearts that destined to live forever.
You are cordially invited to the wedding of Mr. Villanueva and Ms. Coangco.Gusto kong matawa sa qoute na ginamit sa invitation. Napaka unique naman. Halatang pinag isipan. Tiningnan ko ang loob niyon. Halatang pink ang motifs dahil naghuhumiyaw sa pink ang loob ng invitation. Eww! Ang boring. Inilagay ko sa loob ng bag at umupo na.
Pagdating ng dapit hapon ay nag ayos ako para umuwi na. Magsa-shopping ako ngayon. Pagdating ko ng apartment, naalala ko si Timothy kaya tinawagan ko na para sabay kaming mamili ng isusuot para sa kasal ni Clifton.
Wait! Parang may mali. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala na akong maramdaman na kahit ano.
Ilang minuto pa ay dumating na si Timothy, simple lang ang suot ko ngayon. Short shorts, white T-shirt at rubber shoes. Good thing dala niya ang kotse niya kaya hindi na hasle sa pagcommute.
Unang destination namin ay ang trinoma. Inikot namin ang buong stall pero wala parin akong makitang pweding isuot. Kaya tumawid kaming SM North, pagpasok namin sa loob ay kumain muna kami at nagpahinga saglit. Paakyat na kami ng ikalawang palapag ng may nahagip ang mga mata ko. Si Riza,mag isang kumakain sa sulok. Namamaga ang mata. Gusto ko siyang puntahan kaya lang hindi naman kami close noon at lagi pa kaming nagpapasaringan.
Pagdating namin sa ikalawang palapag ay may nakakuha ng attention ko, isang gown ang naka display, simple yet elegant. Napapalamutian ito ng maliliit na beeds na nagmukhang bituin. Skin tone ang kulay niyon, saktong sakto sa paborito kong kulay. Hinila ko papasok sa loob ng stall si Timothy. Agad kong itinuro iyon sa sales lady at nanghingi ng sukat ko. Pagkaabot ng gown ay agad akong pumasok sa loob ng fitting room at isinukat iyon. Saktong sakto sa katawan ko. Lumabas ako at ipinakita kay Timothy.
BINABASA MO ANG
Playmate (SPG)
RomanceGwen was okey with her life until Clifton came into the picture. He changed her into something worst...