Chapter Twenty Two

1.5K 32 0
                                    


Let It Go

Hinayaan niya akong magpakalasing sa pangakong iyon na ang huli. Hindi bukal sa loob ko ang pangakong iyon at wala akong planong tuparin.

Nawala na ang pagmamaktol niya. Sinamahan niya ako sa paglalasing pero hindi raw siya iinom ng marami. Hinayaan ko na lang. Nagsayaw kami doon na tila magugunaw na ang mundo. Walang pakialam sa mga taong nababangga, nasisiko, natatapakan at nababalya namin.

Nang maubos niya ang ika-anim na beer ay nag aya na siyang umuwi. Gusto ko pa sanang mag stay pero nahihilo na rin ako sa dami ng nainum ko at sa kakasayaw. Halos buhatin niya na ako ng palabas kami ng bar.

Sa daan ay kung anu ano ang pinag usapan namin.

"Ilang babae na ba ang sinabihan mo para sumama sayo sa kama?" Tanong ko matapos tumawa sa linya niyang galing pa ata sa baul ng lolo niya.

"Teka... Marami-rami na rin. Hindi ko na matandaan." Kumindat pa ang mukong pagkatapos.

"Ulol. Mas matanda pa ata sa lolo ko yang mga hirit mo." Sinipa ko ang maliit na bato, tumalsik iyon sa tubig dagat. Pinagmasdan ko ang payapang dagat. Kusang lumapit ang mga paa ko sa tubig at dinama ang lamig niyon. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

"Buti pa ang dagat 'no. Parang walang problema." Nilingon ko siya at hinila sa tabi. Umupo kami malapit sa tubig. Kumuha ako ng bato at hinagis iyon sa tubig. Pinagmasdan ko ang tubig na tumalsik galing doon.

Muli akong humagis ng bato, mas malakas iyon. Saka sumigaw "LIFE IS SO UNFAIR!!!" Napalingon ako ng hawakan ni Clifton ang braso ko. Parang gusto kong maiyak sa nakita kong pang uunawa sa kanyang mga mata. Tila hinahaplos niyon ang puso ko. Kinabig niya ako at pinasandal sa kanyang dibdib. Sabay naming pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

Napabuntong hininga ako. "Sana, pweding takasan ang lahat." Wala sa loob na sambit ko.

"Nasaan ang parents mo?" Narinig kong tanong niya. Humigpit ang yakap niya sa akin ng hindi ako sumagot.

"They're dead because of me. I disappointed them."

"I'm sorry to hear that. If you don't mind me asking, what happened?"

Napaisip ako sa tanong niya. 'Ano nga ba ang nangyari?'

"Okey lang kung ayaw mong magkwento." Sabi niya ng hindi ako kumibo.

Muli akong pumulot ng bato at hinagis iyon sa tubig. Napatingala ako sa mga bituin na kumikislap. Kailan ko nga ba matatanggap ang lahat? Kailan ko titigilang sisihin ang sarili ko salahat ng nangyari? Kailan nga ba ako magiging okey? Hindi ko namalayang may pumapatak ng luha mula sa mga mata ko. Marahas ko iyong pinunasan. Lalo namang humigpit ang yakap niya.

"Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko dahil nagmahal ako ng maling tao."

Saglit kong kinalma ang sarili ko pagkatapos kong sambitin ang mga katagang iyon.

"It's okey, you don't have to answer it if it's still hurting you." Tiningala ko siya para lang muling mapayuko.

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya gusto kong ikwento sa kanya. O dahil gusto kong gumaan ang pakiramdam ko. Simula ng mangyari ang lahat ng iyon ay nawala na ang lahat sa akin kahit ang mga kaibigan ko.

"I gave everything to him, pero niloko niya lang ako. He was my first. He was my first boyfriend and my first in everything. Ang masakit pa doon kinunan niya ng video ang mga pagtatalik namin. Okey lang sa kanya dahil sinigurado niyang hindi makikita ang mukha niya sa video. Ako ang dehado dahil bukod sa ako ang babae, ay nakabalandra ang mukha ko."

Napapikit ako at tumaas baba ang dibdib ko ng manariwa lahat ng emosyon sa akin. Heartbreak, hatred, betrayal. The unbearable pain that almost took my life.

Hindi siya kumibo, marahan niyang hinahaplos ang likod ko at mas lalo akong inilapit sa dibdib niya.

"Ipinagkalat niya iyon sa school. Pinagpyestahan ng buong studyante ang video namin. Pati mga kaibigan ko ay napanood iyon. Nakarating din iyon sa mga magulang ko."

"Shhhss! You don't have to continue kung hindi mo kaya. Hush now!" Pang aalo niya sa akin. Pero ipinagpatuloy ko parin ang pagkukwento.

"Sa school noon, panghuhusga at pangmamaliit ang natanggap ko. Pag uwi ko sa bahay, nagulat ako ng salubungin ako ni Papa ng sampal. Si Mama naman ay umiiyak sa likod ni Papa. Pinakita ni Papa ang hawak niyang cellphone, naroon ang video namin."

Pilit kong pinupunasan ang aking mga luha pero patuloy ang pagpatak niyon, kasabay ng pagdaloy ng masasakit na alaala ng nakaraan.

"Ni minsan hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni Mama. Siya ang kakampi ko sa tuwing pinapagalitan ako ni Papa, siya rin ang taga bili ko ng mga CDs at DVD's ng mga paborito kong anime. Siya ang taga tali ng buhok ko, pero iba ng araw na iyon. Unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Sinampal ako ni Mama, 'ni ayaw niya akong lumapit sa kanya.

Nang araw ding iyon ko nalaman na kasinungalingan lang ang lahat ng tungkol sa akin. Nang araw na iyon nalaman ko ang lahat. Pinamukha ni Papa ang pagkakamali ko at ang pagsisisi niyang kinupkop niya ako. Noong araw na yun, gumuho ang mundo ko.

Pilit akong pinapakalma ni Mama, pinapaliwanag ang lahat sa akin. Pilit pinapadama ang pagmamahal na higit pa sa kayang ibigay ng tunay na ina sa anak pero naging sarado ang isip at puso ko. Mas nanaig ang sakit at galit.

Tumakbo ako palabas ng bahay, hindi alam kong saan pupunta. Tumakbo lang ako ng tumakbo, hindu ko alam na sinundan ako ni mama. Pagtawid ko sa kabilang kalye ay may paparating na sasakyan. Mabilis at pagiwang giwang ang takbo niyon dahil nawalan ng preno. Pero imbes na ako ang mabangga ay itinulak ako ni mama. Dead on arrival si Mama ng isugod siya sa hospital. Hindi kinaya ni Papa ang lahat, inatake siya sa puso atnamatay rin mismo ng araw na iyon.

Graduating ako sa high school ng mangyari ang lahat ng iyon, hindi ako nakaakyat ng stage dahil sa sabay na pagkawala ng mga magulang ko at sa nangyari. Sa akin isinisi ng mga kapatid at kamag anak ng mga kinilala kong magulang ang lahat. Pagkatapos ng libing ay pinagtabuyan ako ng mga pinsan ko kaya napilitan akong magtrabaho sa isang grocery store para tustusan ang pangangailangan ko at para sa pag aaral ko."

Nang matapos akong magkwento, sa hindi mapaliwanag na dahilan ay gumaan ang matagal ko ng dinadala sa dibdib ko sa loob ng ilang taon. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi siya kumibo pagkatapos kong ilabas ang lahat. Mas lalo niya lang akong ikinulong sa bisig niya.

Sapat na ang init na nagmumula sa kanyang katawan upang kalmahin ang nararamdaman ko.

Playmate (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon