Chapter Twenty Six

1.4K 19 0
                                    

Intuition

Magaan ang pakiramdam ko habang papasok sa trabaho. Binati ko ang guard sa labas ng building bago ako pumasok. Masarap sa pakiramdam na alam mong may taong nagmamahal sayo.

Pag-upo ko sa cubicle ko ay nakangiti kong inilagay sa katabi ng picture frame namin ni mama, ang picture namin ni Cliff na magkasama. Saglit ko pa iyong pinagmasdan bago magsimula sa trabaho. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Nagulat na lang ako ng tumunog ang alarm hudyat na uwian na.

I turned my computer off and grab my bag. Magre-retouch muna ako before going home. My emergency daw si Cliff kaya hindi niya ako masusundo. I was thinking to get drunk in my favorite bar, ang Bottoms Up since wala naman si Cliff kaya lang nag aalangan ako sa magiging reaksyon niya pagnalaman niya.

Paglabas ng building ay agad akong pumara ng taxi. Dadaan muna ako ng Trinity Mall para bumili ng DVD's at magtake out ng paborito kong doughnuts. Pagbaba ko ng taxi ay tatawid na sana ako ng may biglang dumaan na kotse. I was taken a back. Muntik na akong masagasaan. Nilingon ko ang sasakyang muntik ng makasagasa saakin, it was a shiny gray car. I can feel my heart beats so fast, habang tinatanaw ang kotse papalayo, na hindi man lang huminto. I composed myself and continue walking.

Pagpasok ko sa loob ng mall ay agad akong bumaba sa ground floor to buy a dozen of doughnuts. Habang naghihintay ng order ay umorder ulit ako ng kape. Habang nakaupo sa isang sulok na mesa, napansin ko ang mga tao sa paligid ko. Karamihan doon ay mga couple na nag p-PDA. Bigla kong naalala si Cliff tuwing kumakain kami sa labas. Para akong baliw na ngumingiting mag isa. Tumayo na ako ng tawagin ng babae sa counter ang number ko. Pagkatapos magbayad ay lumabas na ako ng stall. Dahil nakayuko habang naglalakad ay hindi ko napansin ang kasalubong ko kaya nasagi nito ang balikat kong may hawak na bag kaya nahulog iyon.

Napatingala ako para tingnan ang taong bumangga sa balikat ko at ready na siyang sermunan pero ni hindi man lang lumingon. Antipatikong kumag!

Napatitig ako sa lalaking nakatalikod habang naglalakad palayo. Bigla na namang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko namalayang may naglalandas na luha sa aking mga pisngi habang nakatitig sa likod ng lalaki. Randy! Bigla kong nasambit, hindi ko alam kong saan galing ang katagang iyon. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Nagulat ako ng my biglang humawak sa balikat ko.

"Miss, your bag. I think you drop it." Sabi ng isang palaki habang nakangiti. "Are you okay? You looked flustered."

"Thank you! I'm okay. Sige! Salamat ulit." Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na.

Habang nakasakay ako sa jeep pauwi sa apartment ay hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kanina. It feels like him. Hindi ako mapakali kaya malayo pa man sa apartment ay bumaba na ako. Nagpaload ako sa malapit na tindahan. I logged in his account. Para ano pa at naging expert ako sa software kong hindi ko lang din maha-hack ang account niya. Matagal ko ng ginawa iyon. Hindi niya lang mahalata dahil wala akong ginagalaw. I need to check it to make sure kong nandito na nga siya sa Pilipinas. Matagal ko ng hinack ang FB account niya, I'm stalking him noong mga panahon na halos mabaliw ako sa sakit ng panloloko at pang iiwan niya sa akin. Hindi pa rin pala siya nagpapalit ng password at account. Wala din naman siyang napapansin dahil ang tinitingnan ko lang ay ang mga profile niya.

Alam kong mali dahil nangingialam ako pero isa ito sa paraan ko upang malampasan ang sakit. Pumasok na ako sa loob ng apartment. Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa kaka-stalk ko sa kanya. Wala namang indication na nandito siya sa Pilipinas. Active naman ang account niya dahil na rin sa mga status na pinopost niya. Napanatag ang isip ko.

Nang makapasok ay nilantakan ko ang dala kong doughnuts. Habang kumakain ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Wait, what's wrong with me? Bakit lumalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing may nakikita akong kamukha niya?

Bakit ganito ang reaksyon ko pagdating sa kanya? I'm over him, right?...

What the fuck!! I tried to think of something but my mind keep on thinking of him. I dont like the feeling of this! Parang may mangyayaring hindi maganda.

Hanggang sa pagtulog ay iyon parin ang laman ng  isip ko. Kinabukasan ay nawalan na rin sa isip ko ang nangyari. Nagluluto ako ng almusal ng tumunog ang phone ko.

"Hello Cliff! I miss you." Hindi ko mapigilang maexcite ng makita ko ang name niya sa screen ng phone ko.

"Hello. How are you? I miss you, too." Narinig kong bumuntong hininga siya sa kabilang linya.

"Are you okay? Kamusta ang lakad mo?"

"Okay lang ako. I'll fetch you later after your work. Dinner tayo together." I sense the tiredness in his  voice.

"Okay! I'll text you. I love you. See you later!" I said, beaming with excitement.

"See you." Binaba niya na ang tawag. Bigla akong kinabahan. Nag isip ako ng mga posibleng dahilan para magalit siya sa akin. Pero wala akong maisip na ginawa kong mali.

I shrugged the thought and continue to sip my coffee. After my morning rituals, ay umalis na ako. I don't want to get stuck sa traffic.

   Pagdating sa trabaho ay nakalimutan ko na nag mga iniisip ko at. Nagsimula akong magtrabaho at hindi ko na namalayan ang oras. Tapik na lang ng katrabaho ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Pinatay ko ang computer at tumayo na para magretouch. I checked my phone before leaving my cubicle only to be disappointed dahil wala manlang  kahit isang text galing kay Clifton. Muling bumalik ang mga agam-agam ko kagabi. Kaya nagpasya akong puntahan na lang ang condo niya, doon ko na lang siya kakausapin at ipagluluto ko na lang siya ng dinner to surprise him.

   Pagdating ko ng building, dumaan muna ako sa gwardiya para iwan ang I.D ko. Mahigpit kasi itong building, for security purposes.

Bawat hakbang ko papasok sa elevator ay lumalakas ang tibok ng puso ko. Tila nakikipagaligsahan sa dagungdong ng elevator. Tumigil ang elevator sa 9th floor. Bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas ako, habang papalapit ng papalapit sa unit ni Cliff ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan.

Pagdating ko sa tapat, I knocked twice and nobody answers. Syempre, nasa trabaho pa rin si Cliff kaya walang sasagot. I scan for the duplicate key and unlock the door. Pagbukas ko ng pinto, I saw a man standing near the stereo, wearing only a towel.....

WHO IS THIS GUY??...

Author's Note: sa mga naghintay ng matagal na update, sorry po. Ayaw ko po kasi ng MEMA lang. Gusto ko po yung maganda at pinag iisipan. Sorry po ulit. And thank you sa walang sawang paghihintay. Enjoy reading.

Np: Panaginip by Mikee Quintos

Playmate (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon