Chapter Thirty-Four

984 22 5
                                    


Making Me Into

After the earth shaking moment ay tumayo na siya at nagbihis. Nanatili naman akong nakahiga at pinagmamasdan siya habang isa-isa niyang isinusuot ang kanyang mga damit. Di ko namalayang nakatulala na pala ako sa kanya.

"What?" Nagulat ako ng pumitik pa siya sa harap ko. "Ganun na ba ako kasarap para matulala ka ng ganyan?" Ngumiti pa siya, displaying his killer smile.

Umiling lang ako at tumayo na para magbihis na rin.

"I should go home now. My pasok pa ako bukas." Lumabas ako ng VIP room ng hindi siya nililingon. Paglabas ko ng Bottoms Up ay agad akong sumakay ng taxi. I feel so down and lonely. Natatakot ako sa nararamdaman ko. All of a sudden parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito.

Pagdating ko ng apartment ay agad akong naghubad para maligo. Feeling ko ang lagkit lagkit ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Natatakot ako.

Pagpasok ko sa loob ng banyo ay agad kong binuksan ang shower. Ang lamig ng tubig ay pumapasok sa loob ng boto ko. Nanatili akong nakatayo at hinahayaang umagos ang malamig na tubig sa aking katawan hanggang sa makaramdam ako ng lamig. Lumabas ako ng banyo, nagbihis at nahiga na.

Pinagmasdan ko ang kwarto ko, ang kisame at mga design na idinikit ko roon. Napatulala na naman ako. Hindi ko namalayang nakatulog na ako.

-------------

"Wake up baby!!" Nagising ako ng may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang mama kong nakatunghay saakin, ngumuti siya ng tuluyan na akong magising.

"Ma? What.. why are you here?" Ngumiti siya uli ng mabakas niya ang pagkalito sa aking mga mata. Hinaplos niya ng banayad ang aking mukha.

"What are you doing to yourself baby? It pains me to see you like this." Tumulo ang mga luha sa kanyang mata. Hindi ko man maintindihan ang mga nangyayari ay tumulo na rin ang mga luha sa aking mga mata. Ang sakit makita na nasasaktan si mama, hindi niya man sabihin, nararamdaman kong ako ang dahilan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humagulhol akong yumakap sa kanya.

"Hushh now. I want you to heal yourself. Stop blaming yourself. Hindi mo kasalanan ang lahat baby." Mas lalong lumakas ang iyak ko. Para akong bata na iiwan ng ina sa school. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang bigat at sakit na nararamdaman ko."Hindi mo kasalanan ang lahat, wala kang kasalan. Remember that okey?" Hinawakan ni mama ang aking mukha. Hinalikan niya ang aking noo. " I love you, no matter what. We love you. Kami ng papa mo." And kiss me again in the forehead. She smiled at me, that smile melted away the pain and hatred.

Napabalikwas ako ng bangon at iginala ko ang aking mga mata sa paligid ng kwarto ko. Hinahanap ng mata ko si Mama. Hinawakan ko ang aking pisnge, basa iyun ng tila tubig. Ramdam ko pa ang mga haplos ni mama at halik sa aking noo. Parang totoo ang lahat. Parang naririnig ko pa ang boses ni mama nang kausapin niya ako.

Umiyak ako ng umiyak, hindi ko alam ang dahilan pero walang tigil ang mga luhang umaagos mula sa aking mga mata. Naalala ko ang mga sinabi ni mama sa panaginip ko.

"Kailangan kong patawarin ang sarili ko para makawala ako sa nakaraan."

Hindi ko man maamin sa sarili ko, pero yun ang totoo. Sa loob ng maraming taon ay namuhay ako sa nakaraan, hindi ko mapatawad ang sarili ko. Pilit ko mang itatwa sa sarili ko pero hindi ko makalimutan ang lahat. Ito ang isa sa mga dahilan kong bakit nagkakaganito ako. Kaya ako nagkakaganito, kaya nangyayari ang lahat ng ito. I've been too hard on myself.

Hindi naman ako ganito, lumaki akong busog sa pagmamahal nila mama at papa. Hindi ako nagkulang sa materyal na bagay. Pinalaki akong matino, may takot sa Diyos at may respeto nila mama. Bakit ba ako nagkakaganito? Muli akong napaiyak ng makita ko ang hitsura ko sa salamin.


Hindi ko na kilala ang sarili ko....

(A/N: holycow na malagkit.. just wanna say thank you to all for the overwhelming support. Yung kahit di na ako nakakapag update pero nanjan pa rin kayo to support me. Daghang salamat!! Now that we are on the last part of the story.. i just wanna say, i will miss you guys so much. Sa walang sawang nag sasabing "UD na pleassssse." Ito na to guys! Todo na natin to.. salamat ulit!! Kitakits sa iba kong story, check out my profile for more stories na on going. Hehew! Labyuh all AMAZERS!!)

Playmate (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon