Trouble MakerIlang linggo na ring ginagawa ni Clifton ang pagsunod sunod sa akin. Minsan natutuwa ako, minsan naiirita ako dahil hindi ako makagala ng walang nakasunod sa akin. Nawala na rin ang routine ko na trabaho, bahay at bar. Madalas ay nasa bahay na lang ako pag uwi ko galing trabaho.
Ngayong hapon ay sinabi kong mag-o-over time ako. Pero ang totoo ay tumawag sa akin si Louie kanina. Inaaya ako sa lakad nila papuntang Subic. Pumayag na ako total ay day off ko naman bukas.
Pagdating ng uwian sa hapon ay hindi agad ako sumabay sa paglabas ng mga kateam mate ko. Tumawag kanina ang gwardiya na naroon na raw ang sundo ko. Tang ina, ano ako? High School?!
Nang ako na lang ang naiwan sa loob ay pumasok ako sa c.r at nagretouch. Excited ako dahil magsu swimming kami bukod sa namimiss ko na ang magparty.
Lumabas ako at dumiritso sa fire exit. Sa likod ako dadaan at sasakay ng bus. Nang makalabas na ako ay tumakbo ako sa kabilang kalye. Sakto namang may dumaang bus kaya nakasakay ako agad.
Umikot ang bus at dumaan sa harap ng building namin. Nakita kong kausap ni Clifton ang isa sa mga kateam mate ko, sa seryusong mukha. Mukhang alam niya, na hindi ako nag OT. Napayuko ako ng mapatingin sila sa bus na sinasakyan ko, sa katabi kasi ako ng bintana nakaupo.
Maaga akong nakarating sa apartment dahil hindi gaanong matraffic ngayon, maaga pa kasi para sa rush hour.
Tinawagan ko si Louie na puntahan na ako sa apartment dahil ready na ako. Nilagay ko sa isang back pack ang lahat ng dadalhin ko. Nag pants at white T-shirt lang ako at rubber shoes, dahil mas madaling bumyahe pag ganito.
Ilang minuto lang ay dumating na si Louie kaya umalis na ako. Kung pumunta man si Clifton ay hindi niya na ako aabutan sa apartment.
As usual, kompleto na naman ang barkada. Huli namaing dinaanan si Riza dahil siya ang pinakamalayo at along the way naman siya. Naging maingay ang kotse dahil pinagkaguluhan ako nila Rhea, Christine at Carrisa.
"So ang balita ko kay Christine ay bumqlik daw si Clifton dito sa Pinas. Nagkita na kayo. The last time kasi na nakita ko kayo, naka tuwalya ka lang at siya naman ay nakasimangot." Nagsitilian naman sila Rhea at Christine.
"That was nothing." Bored kong sagot. Nakahot seat ako dahil kay Christine.
"Oh c'mon! Nothing? Eh halos ipagtabuyan ako ni Clifton ng araw na yon. Parang naistorbo ko kayo."
"That was nothing Carrisa! Quit it." At sinalpak ko ang headphones sa tenga ko. Sa ginawa ko ay mas lalong na curious sila Carrisa. Nakakaduda ang mga ngiti nila. Hinayaan ko na lang.
Nakatulog na rin sila sa wakas, natulog na rin ako. Si Louie at Renz naman ang nagapalitan sa pagmamaneho.
Nakarating kami ng matiwasay sa Subic. Ginising kami ni Louie ng papasok na kami sa resort.
Nagsitakbuhan sila Rhea ng maayos ni Louie ang entrance namin. May ipinakita siyang tila invitation.
Bilib din ako kay Louie dahil sa mga connection niya. Siya ang madalas umaya sa tropa sa mga out of town parties. Hindi ko alam kong paano siya nakakakuha ng mga invitation.
Tinuro saamin kung saan ang cottage para sa mga bisita. Pumasok kami sa isa sa mga bakanteng room, nagsitalunan naman sila Rhea sa kama. Parang mga bata.
Kinuha ko ang back pack ko at pumasok sa loob ng c.r at nagbihis. Mag babar hoping ako ngayon. Maaga pa naman. Paglabas ko ng c.r ay nakabihis na rin sila. Ready na rin, kaya sabay sabay na kaming lumabas.
Nag ikot ikot kami at nakakita kami ng hili-hilerang bar. Pumasok kami sa itinurong bar ni Louie.
Bumungad sa amin ang mga taong nagsasayawan at naghihiyawan. Nilibot ko ang paningin ko sa loob, may mga nakita akong sikat at ang iba ay politicians. So, kilala ang lugar na to.
Lumapit kami sa counter at kanya kanya kaming order. Nakahanap naman agad si Christine ng boy toy niya ngayong gabi. Nagsi kanya kanya na rin sila. Naiwan ako sa counter, umorder ako ng vodka at inisang lagok iyon. Gumuhit ang init ng alak sa aking lalamunan.
It's been a while since I drink this. Nakakamiss din ang gumimik. Lagi kasi akong binabakuran ni Clifton. Come to think of it, kung ayaw ko walang makakapilit sa akin. Kailan pa ako natutong sumunod sa iba? Nagulat ako ng biglang nag vibrate ang phone ko sa baywang ko. Isinuksuk ko kasi iyon sa baywang ng short ko para in case na may tumawag, mararamdaman ko.
Ang speaking of the devil.
"Where the hell are you Gweneath?" Dumagundong ang boses niya sa kabilang linya. Kahit di ko siya nakikita ay alam kong galit siya.
Alam kong dinig na dinig niya ang malakas na music sa background ko.
"I've been waiting for you in front of your apartment pero hating gabi na hindi ka pa rin umuuwi. Saang bar ba yan at pupuntahan kita!!" I can hear the frustration in his voice.
"Aahhh. No need, I'm on my way. Umuwi ka na lang."
"Fuck Gweneath Lyn. Nasaan ka at susunduin kita diyan." Ngayon ko lang siyang narinig magmura at patungkol sa akin.
"Hi Miss! Mind if I join you." Sabi ng isang celebrity na hindi ko namalayang lumapit sa akin. Narinig ko ulit ang pagmumura ni Clifton sa kabilang linya. Kaya wala sa loob na nasabi ko ang lugar kong nasaan ako dahil sa gulat ko.
"Like wherever hell is that, I'll be there." Saka naputol ang linya. Napatitig na lang ako sa phone ko.
Narinig ko ang tawag ni Carrisa sa pangalan ko kaya napalingon ako. Kumakaway sila sa gitna ng dance floor. Tumayo ako at hindi pinansin ang lalaking lumapit kanina sa akin. Lumapit ako sa kanila at nakipagsiksikan sa mga tao. Pagdating ko sa dance floor at sumasayaw ng dirty dance si Rhea. Naghihiyawan naman ang mga lalaki. Sa nakikita ko ay umiipekto na rin ang alak sa kanila.
Nakisabay ako sa kanila, nakalimutan ang usapan kanina. Bawat dumadaang waiters ay kumukuha ako ng inumin kaya nagkahalo halo ang alak na nainum ko. Nagsimula na rin akong magsaya. Hindi ko alam kong ilang oras na akong sumsayaw ng may lumapit sa aking lalaki at nakipagsayaw.
Damang dama ko ang hininga niya malapit sa tenga ko. Hinapit niya naman ang katawan ko palapit sa kanya. Hindi na ako nag abalang tingnan pa ang lalaki. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko, bumababa papuntang baywang pababa sa pang upo ko. Bahagya niya pang pinisil iyon. Mas lalo kong iginiling iyon sa harao niya.
Nagulat na lang ako ng may biglang natumba kaya napatingin ako, ang kasayaw kong lalaki. Bulagta sa dance floor, basag ang ilong. Napatingin ako sa lalaking humawak sa kamay ko, galit na mukha ni Clifton ang sumalubong sa akin...
BINABASA MO ANG
Playmate (SPG)
Roman d'amourGwen was okey with her life until Clifton came into the picture. He changed her into something worst...