Chapter Twenty-Seven

1.4K 22 0
                                    


Blood Related
Dedicated to: mwahmishkah

Paglabas ko ng elevator, ay agad akong naglakad papunta sa unit ni Cliff, binaliwala ko ang malakas na tibok ng puso ko at nag isip ng pweding i-prepare na dinner. Pagtapat ko sa pintuan ay kumatok ako ng tatalong beses pero walang sumagot. Malamang, nasa trabaho pa rin si Cliff kaya kinuha ko ana ang duplicate key na binigay saakin. I'm sure nasa trabaho pa rin dahil sinabi saakin ni Cliff ang planong pagpapatayong company ng pamilya nila dito sa Pilipinas kaya busy siya nitong mga nakaraang araw.

Pagbukas ko ng pinto ay agad ko iyong isinara. Handa na akong pumunta ng kusina para sa paghahanda ng dinner ni Clifton nang magulat ako sa lalaking nakatayong patalikod sa akin. Basa ang buhok nito at nakatapi ng tuwalya.

Napasinghap ako sa gulat kaya napaharap ang lalaki ng marinig ako. Parang nag-slowmotion ang lahat ng tuluyan ng makaharap ang lalaki sa akin.

I can't believe what I am seeing right in front of me. Randy in big flesh. Napatulala ako, ang matagal ko ng kinalimutan. Ang lalaking isinumpa ko simula ng makilala ko, is right in front of me. Maging siya man ay napatulala ng makita ako. Nang mahimasmasan ay agad akong tumalikod at naglakad paalis. Narinig ko siyang tinatawag ang pangalan ko. Pabukas na ako ng pinto ng mahawakan niya ang braso ko. Awtomatikong gumalaw ang kamay ko, sunod na naramdaman ko ay namanhid na ang palad ko sa lakas ng sampal na pinakawalan ko sa mukha niya, napabitaw ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Muli kong pinihit ang door knob at binuksan ang pinto, agad akong lumabas at ibinagsak iyon pasara. Hindi ko mapigilan ang tumutulong luha sa mga mata ko. Like what the fuck is this? Alam kong magkapareho sila ng family name but it never occurred to me that they were related. And Clifton never mentioned him. Pagbukas ko ng elevator ay nagulat pa ako sa taong palabas ng elevator. The divil himself is standing inside the elevator, agad siyang lumabas ng makita ako.

Isang malakas na kanang sampal ang binitawan ko sakanya at agad akong pumasok sa elevator. Dahil nagulat sa ginawa ko ay hindi siya agad nakagalaw hanggang sa sumara ang elevator, and just like that, my heart and mind are ready for the battle of hatred and betrayal. Naging sarado ito sa paliwanag at katwiran.

Pagdating ko sa ground floor ay agad akong umalis sa lugar na iyon, promising to myself never to go back and look back to that fucking place who ruins me for the second time. Narinig ko ang gwardiyang tinatawag ako pero hindi ako lumingon, sumakay ako agad sa dumaang taxi.

"Saan po tayo Ma'am?" Nag aalangang tanong ng driver sa akin.

"Visayas Ave. Bottoms Up"

Matapos sabihin iyon ay hindi na ako kumibo. Sumulip ako sa bintana habang tumatakbo ang taxi.

Bumalik sa alaala ko lahat ng mga pinagsamahan namin ni Clifton. Parang kailan lang pinagtataguan ko siya, yung pangliligaw niya at lahat ng oinakita niyang effort at ka-sweet-an. Ang kunting panahon na masayang pinagsamahan namin ay mauuwi na naman sa wala. Maybe because I was never really meant to be happy. I am meant to be alone in life.

Bumalik lahat ng nangyari, ang pagkawala ng mga kumukop at kinilala kong magulang, pinagtabuyan ng mga kamag-anak and worse, ang malaman akong ampon ako.

What could be more painful than ipamigay ka ng sarili mong magulang at ipaampon ka na parang aso. Pagdating ng Bottoms Up ay agad akong nagbayad at bumaba. Hindi ko na kinuha ang sukli at naglakad na papasok sa bar. Narinig ko pang nag "thank you" at nag "Merry Christmas" si manong bago umalis.

Pagpasok ko sa loob ay marami ng tao. Kahit maaga pa, tulad ko marami ng gustong magpakalunod at magpakalasing sa alcohol para sandaling malimutan ang malupit na mundo. Ganoon naman talaga diba? Pag nagkaroon ng sugat, alcohol ang nagiging tagahugas ng mga duming dumikit sa nagdurugong sugat.

Dumiritso ako sa counter at umorder ng isang bote ng whiskey. I want to get drunk, to be wasted and forget all the good things happen to me for the last 27 years of my life. I wanted to get wasted until my mind went blank, until my feelings feels good and my body give up.

Nakakatatlong bote na ako ng may lalaking ko lumapit sa akin. Hindi ko iyon pinansin, wala ako sa mood makipaglandian at makipaglaro ngayon. Pang limang bote ko na ng whiskey ng muling may lumapit na lalaki sa akin. Nahihilo na ako at nanlalabo na rin ang paningin ko.

"Hi Miss. I've been watching you the whole time, you seems alone, do you mind if I join you?" Pilit ko siyang nginitian. Gwapo ang lalaki, matipuno ang tindig at may balbas. He looks familiar.

"You look familiar, I think I saw you somewhere."

"I've already heard that line, gasgas na yan. And by the way, that's supposedly my line." Ngumiti ang lalaki after niyang sabihin iyon. Ang gwapo niya talaga. Meron siyang kamukha.

"No kidding, you really look familiar." Napaisip din ako ng makita ko siyang nag iisip. Napabuwal ako sa pagkakaupo ko kaya nahulog ang katabi kong bag.

"Aha! Now I remembered. You were that girl from Trinity Mall, the one who dropped her bag." Napahalakhak ito kaya napatawa na rin ako. Sa nanlalabo kong isip ay naalala ko nga ang insidenting iyon.

"Oh! I remembered now. Sorry for being so rude back there, I was just..."

"No, it's okey. We met again. Let me formally introduce myself. I'm Timothy Austin." Iniabot niya ang kamay niya saakin for a shake hands. Tinanggap ko naman iyon and returned the shake.

"Gweneath Lyn Badillo, 27 and soon to be single, Philippines!" Napahalakhak naman si Timothy sa sinabi ko. Pero napalitan iyon ng kunot-noo.

"What? May dumi ba sa mukha ko? Bakit ganyan ka makatingin?"

"Why 'soon to be single'"?

"Oh that! Because I'm planning to ditch my douchebag boyfriend." Humalakhak pa ako pagkatapos. Mas lalo ata siyang na curious sa sinabi ko o iniisip niyang may sayad ako.

"Imagine, the bitch Gweneath is slowly changing and even ready to change for that good-for-nothing douchebag, but only to find out that he's been lying to me for the whole time. For the whole fucking time." At kung ano-ano na ang pinagsasabi ko sa kaharap ko. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya dahil ang gaan niyang kausap o dahil nasasaktan lang ako at naghahanap ako ng masasandalan at fahil siya yung nandito kaya ganito ang pakiramdam ko. Nagyon ko narealized ang kahalagahan ng tunay na kaibigan. Hindi ko na namalayan na nag-pass out na pala ako sa kalasingan....

(Author's Note: Hi mga ka Playmate. Thank you sa mga nag abalang basahin ang ka-cheapan ko sa buhay at sa mga nag-vote. For a newbie like me, it's a big achievement to be this far, and I really, really appreciate it. Enjoy reading!)

Playmate (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon