Chapter Nineteen

1.9K 26 0
                                    


Commotion

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nilingon ko ang katabi ko, mahimbing pa rin siyang natutulog habang nakasubsob ang mukha sa ulo ko.

Napalingon ako sa pinto ng may marinig akong bulungan. Nakikita ko rin sa gap ng pinto ang anino ng mga paang nagpapabalik balik ng lakad sa labas.

Babalik na sana ako sa pagtulog ng biglang may kumatok. Tiningala ko si Clifton, mahimbing pa rin ang tulog.

Dahan dahan akong bumangon at kinuha ang kumot sa gilid, ipinulupot ko sa katawan saka ako naghanap ng maisusuot. Una kong nakita ang undies ko, isinuot ko iyon at kinuha ang polo ni Clifton. Amoy na amoy ko ang pabango niya doon. Isinuot ko iyon saka pinagbuksan ang kumakatok.

Tumambad sa mukha ko ang gulat na gulat na mukha ni Rhea. Ngising aso naman si Carrisa. Sila pala ang maingay sa labas. Agad akong lumabas at isinara ang pinto. Baka magising si Clifton sa ingay ng dalawa.

"What the hell Gwen!!" Tili ni Rhea at pinag aalog ang balikat ko. Feeling ko lumabas ang kaluluwa ko sa katawan sa pagkakaalog niya.

"What are you two doing here?"

"We're sick worried ng hindi ka bumalik sa cottage. We look for you, inisa isa namin bawat cottage dito."

"What!?"

"And viola! Carrisa found your sleeper, we thought kapareho mo lang ng tsinelas but it turns out na sayo nga." Hampas ni Rhea sa balikat ko. Napapangiwi ako sa sakit.

"Ouch. Stop doing that. And why the hell are you looking for me? Concerned ba kayo o naghahanap lang kayo ng mapaglilibangan."

"Well... Both!" Chorus pa ng dalawa.

"So, when will you be back? Ichichicka mo lahat sa amin. Okey?" Kumindat pa si Carrisa sa akin.

"In full details. Now go back inside. Halata namang bitin ka pa. Kung ako nga naman ang makakahanap ng tulad ni Clifton. Isha-shotgun wedding ko pa siya." At tumawa ng malakas si Rhea habang naglalakad paalis.

"See you later Gwen." Pahabol pa ni Carrisa bago umalis at sumabay kay Rhea.

Iniwan ako ng dalawa sa labas ng cottage ni Clifton. Ilang minuto din akong nakatunganga doon sa tapat ng pinto. Papasok na ako sa loob ng magulat ako sa biglang pagbukas niyon.

Tumambad sa akin si Clifton, gulo ang buhok at nagsusuot pa lang ng pants. Napatingin siya sa akin at agad akong niyakap.

"I thought you left."

Napangiti ako ng palihim. May nangyari na saamin pero nandito pa rin siya. Nagtapat na rin siya ng feelings niya pero hindi ko pa rin sinasagot iyon. I don't want to put label on what we have. I'll take my time until my heart is fully healed.

Pumasok kami sa loob. Nagsimula na naman siyang halikan ako. Hindi ko mapigilang hindi tugunan ng katumbas na init ang kanyang mga halik. Ang kamay niyang nakayakap ay naglalakbay na ngayon sa aking katawan.

"I can't get enough of you." Ungol lang ang naging tugon ko. Lunod na lunod na ako sa kanyang mga haplos ng may biglang kumatok sa pinto. We are about to ignore it, pero mapilit ang kumakatok.

Inayos niya ang kanyang sarili bago binuksan ang pinto. It was my friends, kaya lumapit ako sa kanya.

"Good morning Gwen! We are going to island hopping, sasama ka?" Ngisi ni Christine sa akin, tumaas naman ang kilay ni Riza. Pinagmamasdan ang suot kong pulo ni Clifton na nagmukhang mini dress ko na. Bago pa ako makasagot ay nagsalita na si Clifton.

"Sure! We'll go with you. Diba mahal?"

Nagsipag ubo naman ang mga kaibigan ko. Yung tipong parang punong puno ng plema yung mga lalamunan nila in a exaggerating way.

"Yes. Let me take a quick shower and magpapalit lang ako ng damit. Sasama muna ako sa kanila."

The moment na sinabi ko iyon, hindi pa nga nakakapagsalita si Clifton ay nahila na ako ni Rhea palabas. Hindi nila ako binitawan hanggang sa makapasok kami sa loob ng cottage namin.

"Sure! Will go with you. Diba mahal!" Carrisa's mimicking Clifton's voice. Tawa naman ng tawa si Christine.

"Is that for real? I mean, Gweneath Lyn Badillo, staying in a one guy after sleeping with him." May pa action pa si Rhea habang sinasabi iyon. "What happened to Gweneath the player and dumper?"

"Pag ibig na ba ang nakikita ko sa mga mata mo?" Pakanta kanta si Christine sa harap ng salamin.

"It's not what you think guys. It's a one sided feelings. Siya lang ang nag a-assume na kami nga." Defensive kong sagot. Kusa rin iyong lumabas sa bibig ko.

"Well, that's not what we saw!" Sabi ni Riza, na biglang sumulpot galing sa kung saan. Sasabat na sana ako ng biglang magsalita si Carrisa.

"I second the motion"

"Truth!... Mamaya na ang chicahan. Magbihis na kayo. Dahil mag a-adventure tayo."

Nagsipag bihis naman sila habang ako naman ay pumasok sa loob ng banyo para maligo. I turned on the shower at itinapat ang katawan ko sa ilalim niyon.

The water is washing my body, relaxing my mind. Bakit ko ginawa iyon? Hindi ko maamin sa kanila na mahal ko nga talaga si Clifton.

"Because you're afraid!" Ipinilig ko ang ulo ko. Nababaliw na nga siguro ako. Nagulat ako ng biglang kalampagin ang pinto ng banyo.

"Are you gonna come with us? Your so called boyfriend is outside na." Sigaw ni Carrisa. Shit! Nagtapi ako ng tuwalya at lumabas na.

Nagbihis ako ng two piece dahil iyon lang ang meron ako. Pinatungan ko ng maong short shorts at see through na loose shirt, nag apply ng kunting sun block sa mukha, braso at hita. Kunting patong ng make up, lip gloss and viola. Ready to go. Excited na ako sa gagawin namin ngayon.

Lumabas na ako at baka iwan nila ako, nasa labas na silang lahat. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako kasi inaabangan pala nila ako.

"Woah!..." Sabi ni Louie katabi si Renz. Umismid naman si Riza at kumapit sa braso nito.

Lumapit naman si Clifton sa akin at hinawakan ang kamay ko in a possessive way. Napaubo naman si Louie sa ginawa ni Clifton. Babawiin ko sana ang kamay ko, ngunit ayaw niyang bitiwan, kaya ang nangyari holding hands kaming sumulong. Bigla naman akong hinila ni Carrisa at bumulong.

"Nagpaganda ng tudo? One sided pala ha!"....

Playmate (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon