Chapter Eleven

2.9K 26 0
                                    

Reminiscing

It's been two months simula ang nangyari saamin ni Jake. At finally, sumuko na rin siya sa kakasunod sunod sa akin. Dalawang buwan na rin akong naiinip dahil hindi ako makapag gimik sa gabi. Feeling ko ay pwedi na akong maging madre sa loob ng dalawang buwan na trabaho at bahay lang ako.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Day off ko naman ngayon kaya mamamasyal ako. Magpapalit na kami ng mukha at ng t.v.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nilock ko na ang pinto at umalis na. Saan kaya ako pupunta ngayon. Nakakasawa na ang Makati.

Sumakay ako ng bus na papuntang Alabang, sa seaside ako ngayon at doon na rin ako magpapagabi.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at umupo sa pinaka dulo. Mahaba haba rin ang byahe lalo na at traffic.

Kinuha ko ang phone ko, nilagay ang head phone at naghanap ng kanta.

Maya maya pa ay nasa sistema ko na ang pinakikinggan ko. Ilang music na rin ang natapos ko ng maramdaman kong biglang huminto ang bus at may sumakay na pasahero. Wala na sana akong pakialam ng may umupong couple sa harap ko.

Nagulat ako sa lalaki at nanlaki ang mga mata ko. Pinagmasdan ko siyang mabuti saka ko lang napagtanto na kamukha lang ng lalaki iyun.

Dahil nasa harapan ko lang ang dalawa ay amoy na amoy ko ang pabango ng lalaki. Nanunuot ito sa aking ilong. May kumudlit na alaala sa isip ko pero binaliwala ko iyon.

Dahil malayo pa ang distinasyon ko ay naisipan kong umidlip muna sandali. Kinuha ko ang shades ko at isinuot iyon. Ilang minuto lang ay nakatulog na ako.

"Pangga, try this one. Tell me kung okey ba ang amoy." Kinuha niya ang isang bottle na sample sa saleslady. Inamoy ko iyon ng itinapat niya sa ilong ko.

"Okey naman ang amoy. Pero mas gusto ko yung nauna. Yung F1, mas bagay sayo yun."

"Sige. Miss yung F1 na lang. I trust the taste of my girlfriend. Mabango nga iyon." Binigay ng saleslady ang pabango at binayaran niya iyon.

"Saan tayo ngayon pangga? Parang gusto ko kasing manood ng Fung Shui. Yung movie ni Kriss Aquino."

"Sure ka? Diba nakakatakot yun? Mamaya di pa natin tapos yung movie lumabas ka na sa takot." Humagalpak siya ng tawa.

"Mukha mo! Ikaw ang matatakutin sa atin. Ikaw nga itong nagsasabog ng popcorn noong nanuod tayo ng Shake Rattle and Roll 10."

"Oo na. Manunuod na tayo. Kung hindi lang kita mahal." Tiningala ko siya ng sinabi niya iyon. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "I love you Gweany!"

"I love you too, Randy!" ......

Nagising ako ng may biglang tumapik sa balikat ko. Napahimbing pala ang tulog ko.

"Miss, nasa alabang na ho tayo."

Kinuha ko ang bag ko at inayos ang sarili ko at nagpasalamat kaya manong. Bumaba ako ng bus at nasa Alabang terminal na nga ako. Pumasok ako sa mall at naghanap ng makakainan. Mamaya na lang ako pupunta ng seaside, dito na lang ako magpapalipas ng maghapon.

Pumasok ako sa Mang Inasal para doon kumain. Umorder ako ng hita ng manok with unli rice at isang medium na halo-halo. I'll pig myself today.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko, nang maalala ko ang panaginip ko kanina. Saan galing iyun. Isinara at kinalimutan ko na ang nakaraan na iyon ng buhay ko.

Maybe because of that guy's scent, not to mention, kamukha niya pa ang lalaking kinalimutan ko matagal na.

Nag ikot ikot ako sa loob ng mall, pumasok sa Toy Kingdom, sa Quantom at sa kung ano anong mga stall. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Lumabas ako sa mall at pumara ng masasakyan papuntang seaside.

Pagdating ko doon ay marami ng Food Street na bukas. Mga ihaw ihaw at king ano ano pang pweding kainin na pinagmumulan ng ibat ibang sakit, name it, they all have it.

Pumunta ako sa pinaka dulo. May isang tent doon na nagseserve ng Gin. Isa itomg tent na nag ooffer sa mga taong gustong magsunog ng baga at magpakalasing.

Pumasok ako sa loob at iginala ang paningin. Naghahanap ng bakanteng mesa na pweding mapwestuhan. Nakita ko ang isang pinakasulok na may transparent na cover. Kita mo ang mga sasakyang dumadaan sa kabilang kalsada.

Dito, dito sa upuang ito ang unang beses akong uminom ng alak. Unang tagay, unang pulutan na tinikman ko. Unang halik, unang tawa at unang beses na bumuo ng pangarap kasama ka. Ang unang beses na nakita kitang may kahalikan at unang beses na umiyak ako sa harap mo.

Tinawag ko ang lalaking nagseserve ng alak. Ngayong gabi, ito ang huling beses na iinum ako dahil sayo, huling beses na aalalahanin ko ang lahat ng masasayang araw na naging kasama kita, ang huling beses na magpapakalasing ako dahil sa sakit ma dulot mo.

Galing akong San Pablo Laguna dahil sa recollection namin, sa wakas malapit na rin akong grumaduate. After four years, college na rin ako sa wakas. Magiging legal na rin kami ng taong mahal ko. Hindi na ako masasabihan ng "bata ka pa para sa love love na yan".

Naalala ko nga palang hindi pa ako tumatawag kay Randy. Kukunin ko na sana ang phone ko ng maisip kong surprisahin siya.

Pumara ako pagdating ng alabang. Bibili ako ng paborito niyang alak, ang Gin.

Pagbaba ko ng bus ay sumakay naman ako jeep papuntang seaside. Dito lang nakakabili ng Gin. Dumiritso ako sa pinakadulo at pumasok sa tent.

Pumasok ako sa loob at lumapit kay manang para bumili ng Gin ng may marinig akong naghahalakhakan.

Napalingon ako sa paborito naming pwesto. Sa sulok kung saan merong transparent na cover. Kitang kita ang mga sasakyang dumadaan lalo na sa gabi.

Doon, nakaupo si Randy, ang taong minahal ko sa loob ng isa't kalahating taon, ang taong mahal ko. Nakaupo kasama ang isang babae habang nanunuod ng kung ano sa cellphone niya, nagtatawanan.

Unti unti akong lumapit, nanginginig ang aking mga tuhod.

"Hi Pangga. Kararating ko lang galing Laguna. Nandito ka pala."

"Ikaw pala Gweneath." Saka siya ngumiti saakin. Kinabahan ako sa ngiti niyang iyon. Ngayon ko lang yun nakita sa loob ng panahon na kami.

"Siya pala si Gweneath! Ipakilala mo naman ako sa kanya Hon .." napatingin ako sa babae sa tinawag niya kay Randy.

"Ahh. Hon si Gweneath Lyn nga pala. Gwen, si Kirara GIRLFRIEND KO!"

Nabingi ako sa huli kong narinig. Tama ba yung narinig ko.

"Girlfriend mo?"

"Oo. Dalawang taon na kami. And we're planning to get married next year. Invite her hon." Sabi ng babae at yumakap sa braso ni Randy.

"Kasal? Dalawang taon na kayo?" Humarap ako kay Randy. "Anong sinasabi ng babaeng to? Diba ako ang girlfriend mo? Saakin ka magpapakasal diba, pagkatapos ko sa college."

Pinipigilan kong wag umiyak ngunit tila may sariling mga isip ang aking mga mata, walang patid ang agos ng mga luha....

Playmate (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon