Truth To His Word"Ano to Gwen!? Ano tong kumakalat na video mo?"
"Pa! Pa please, calm down." Pagmamakaawa ko sa kanya. May Hypertension si papa, laging mataas ang alta presyon niya.
"You expect me to calm down after watching this trash? Saan kami nagkulang ng mama mo? Saan kami nagkulang sa pagpapalaki sayo?"
Humagulhul ako sa sinabi ni papa. Napatingin ako kay mama na humihikbi sa tabi. Lumapit ako sa kanya at sinubukan ko siyang hawakan. Pero tinulak niya ako at dumapo ang kamay niyang laging nakahanda para punasan ang mga luha ko, but this time,para sa sampal. Napatingin ako sa kanya, wala akong makitang pagsisisi sa mga mata niya nang sampalin niya ako.
"Siguro nga na spoil kita kaya ka lumaking ganyan. Bakit Gwen? Bakit ganito? Hindi mo na ba ako binigyang respeto?" Nagmakaawa akong lumapit sa kanya. Pilit ko siyang niyayakap pero tinutulak niya ako palayo.
"Ma! Please, let me explain! Hindi ko ginusto yan."
Muli akong sinampal, but this time si papa naman. Si papa na never akong pinagbuhatan ng kamay.
"Hindi mo ginusto? Kaya pala umuungol ka pa sa kuha mo jan. Putang ina Gwen, sino ang lalaking yan. Papatayin ko siya!"
Lumapit si mama kay papa para pakalmahin siya. Ngunit nanatiling galit at nagwawala si papa. Walang tigil si mama sa pag iyak, hindi ako makalapit sa kanila dahil sa tuwing gagawin ko iyon ay itutulak ako ni papa palayo.
"Pinagsisisihan ko ang araw na binigay ko sayo ang apilyedo ko." Napatigil ako sa pag iyak at tila nabingi sa narinig kong sinabi ni papa.
"Poel! Don't ever say that." Sabi ni mama kay papa at lumapit sa akin. "Gwen. Don't listen to your dad."
"Ano pa? Ano pong sinabi niyo?" Gusto kong ulitin niya ang sinabi niya at baka nabingi lang ako.
"Please Poel. Don't do this." Sabi ni mama habang pilit akong niyayakap.
"No, Lyn. Kailangan niyang malaman dahil sa kabila ng lahat, ito ang ginawa niya." Hinarap ako ni papa. "Oo Gwen, tama ang narinig mo. Hindi ka namin anak ni Lyn. Hindi ako magkakaanak dahil baog ako."
Natulala ako sa narinig ko. Namanhid ang pakiramdam ko, tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko tunay na magulang ang kinikilala kong magulang. Ampon lang ako. Napatingin ako kay mama na niyayakap ako.
"Gwen I love you like my own flesh." Sabi ni mama habang umiiyak na nakayakap sa akin. Napatingin ako kay papa na bakas ang pagsisisi sa mukha. Pagsisising kinupkop niya ako. Kusang gumalaw ang katawan ko. Tinanggal ko ang mga braso ni mama at tumakbo palabas ng bahay...
Nagising ako na hilam sa luha ang aking mga mata. Tuluyan na akong napahagulhol sa bugso ng alaala sa isip ko. It feels like yesterday, the pain, the agony, the hatred and betrayal.
Tumayo ako at lumapit sa full body mirror.
"Gweneath! Tapos ka ng umiyak diba? You're stronger now. Tears is a sign of weakness diba. So tigilan mo ang pagdadrama, hindi bagay sayo." Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.
At dahil hindi na rin ako makakatulog ay lumabas na lang ako at pumunta sa kusina para magkape. Naalala ko ang nilutong carbonara ni Clifton kagabi.
Nilabas ko yun at ininit sa kalan. Ilang sandali lang ay nangamoy na iyon kaya pinatay ko na ang apoy.
Nagsimula akong lantakan iyon, at tulad ng kagabi ay masarap iyon.
Tahimik ang paligid dahil madaling araw pa lang ay nagawa kong makapag isip isip. Nitong mga nakaraang araw ay bumabalik ang mga alaala ng nakaraan na matagal ko ng kinalimutan.
Nagsimula ito ng makilala ko si Clifton Villanueva. Siguro, dahil magka apilyedo sila kaya naalala ko siya kay Clif.
Narinig kong tumunog ang alarm mula sa loob ng kwarto ko. Tumayo ako at iniligpit ang mga pinagkainan ko at naghanda ng maligo.
Nakabibis na ako at nakahanda ng pumasok sa trabaho. Paglabas ko ng pinto ay sakto namang palabas ng kotse si Clifton. Ngumiti siya sa akin ng makita ako.
"Good morning. Ang aga natin ahh."
"What are you doing here this early?" Tinalikuran ko siya para i-lock ang pinto.
"Sinusundo ka. Nakalimutan mo na? Sinabi ko sayo kahapon na simula ngayon ako na amg driver mo." Kumindat pa siya sa akin.
"Okey. Bahala ka." Pabor din naman sa akin. Makakatipid ako. Lumapit na ako sa kotse niya, nang hahawakan ko na ang pinto ay inunahan niya ako at pinagbuksan ng pinto. Pumasok na lang ako at hindi na kumibo.
Hinatid niya nga ako sa opisina. Nang papalapit na ang uwian ay tinawagan ako ng gwardiya na may naghihintay raw sa alin sa lobby. Nagtaka naman ako dahil wala naman akong inaasahang bisita, naalala ko si Clif. At tama nga ang hinala ko, pagbaba ko ng lobby ay naghihintay na siya sa akin para sunduin ako.
Dahil kasabay kong bumaba ang mga kateam ko, narinig ko ang mga bulung bulungan nila. Bakit, wala na ba akong karapatang magkaroon ng boylet?
Lumapit ako sa kanya at hahalikan sana sa pisnge para ipakita sa mga katrabaho kong babae na akin siya ng kunin niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Narinig kong suminghap ang mga babae sa likod ko.
Nagpasalamat muna siya sa gwardiya bago kami lumabas ng building.
"So, saan tayo ngayon?" Tanong niya pagkapasok namin sa kotse. Hindi pa rin binibitiwan ang kamay kong hawak niya kanina.
"Iwan ko! Bahala ka. Ikaw naman ang magmamaneho." Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. Noong una ay hindi niya muna binitawan, pinandilatan ko siya. Tinawanan lang ako saka binitawan ang kamay ko. Nawala ang init niyon, parang gusto kong kunin ulit ang kamay niya.
Dinala niya ako sa isanag restaurant para magdinner bago hinatid sa bahay. Inaya ko naman siyang magkape sa loob pero hindi na raw siya papasok kaya hinayaan ko na lang. Pag alis niya ay nilock ko ang pinto at natulog na. Pagod at puyat ako kaya agad akong nakatulog.
Sa sumunod na araw ay sinundo niya na naman ako. Naging taga hatid at sundo ko nga siya. Tinutuo niya nga na liligawan niya ako. Tinutuo niya rin na hanggang holding hands lang kami hanggat hindi ko pa siya sinasagot. Kung ano anong pakulo rin ang ginagawa niya, dinadalhan ako ng bulaklak, chocolates, Teddy Bear at kung ano ano pa. Minsan may nadadatnan akong flowers and chocolates sa table ko sa opisina. Gusto kong matawa sa mga pakulo at ginagawa niya. Deep inside, natutuwa ako dahil nararamdaman kong muli na importante ako.
Unconsciously, he's starting to destroy the wall that I made for myself....
BINABASA MO ANG
Playmate (SPG)
RomanceGwen was okey with her life until Clifton came into the picture. He changed her into something worst...