Kylie's Pov
Sumapit ang alas dose at nagcelebrate kaming sama sama..Ang saya saya pa namin at andami ng plano namin para bukas since 4 days na pala namin dito.
Nag iinoman sila pero Light drinks lang at 2 bote lang.
Habang nagkakatuwaan sila.Napansin ko naman si Ace na nasa Veranda at ang lalim ng iniisip.Naiisipan kong lapitan siya para kausapin.
"Ace" tawag ko sakanya at agad naman itong lumingon at ngumiti.
"Queen"agad na sabi niya ng makita ako
"ang lalim ng iniisip natin ah?" tanong ko at tinap pa ang balikat niya
"wala to Queen..Nag iisip isip lang ng kung ano ano"malungkot niyang sagot
"kung ano-ano ba talaga o Si Klea?" diretsahan kong tanong at ininom ang wine na nasa basong dala ko
"Queen naman" nahihiya niyang sabi
"You know what?? alam ko naman na natamaan ka kay Klea at nasasaktan ka dahil sinagot na niya si Drake"sabi ko at tinungga ang ang laman ng baso ko.
Kinuha ko yung boteng nasa kanya at nilagyan ang baso ko.
"Queen..Anong meron kay Drake na wala ako?" bigla niyang tanong na ikinatingin ko sakanya.
"Hindi yun ang tanong. Anong meron sayo na hindi makita ni Klea?" sabi ko
"oo mga..Ano nga ba?" taka niyang tanong at nakatitig lang sakin na parang hinihintay ang sagot ko
"ang lihim mong pagkagusto" sagot ko
"Queen" medyo pasigaw pa niyang sabi kaya natawa ako.
"just kidding..Hindi kasi lahat ng pagmamahal Ace ay nasusuklian.Mas naunang nanligaw si Drake pero ikaw ba nanligaw?"tanong ko.
Nahihiya siyang umiling
"Ace sa pagmamahal hindi mo lahat nakukuha.Mahal ni Klea si Drake.Kaya nga niya sinagot diba? pero one thing na kailangan mong matututunan ay ang handang magmahal at masaktan,ang sumugal.Ace sa pag ibig hindi lahat kailangan may kapalit. Kung mahal mo siya ay dapat handa ka bumitaw at maging masaya para sakanya" NApaisip naman siya sa sinabi ko
"pero ito Queen..Kung sakaling humarap kayo sa isang napakahirap na sitwasyon.Ano magagawa mo para ipaglaban si King?" sa tanong niya napaisip ako.
Simula ng sinagot ko si Zyren puro kasiyahan lang ang gusto naming mangyari.Pano nga ba kung magkaharap kami sa isag sitwasyon.
"Gagawin ko lahat kahit na maghirap Ace maipaglaban ko lang siya. Siya ang dahilan kung bakit masaya ako.Siya ang kasiyahan ko" sagot ko
"pero kung papipiliin ka Queen. Kasiyahan niya o ang makitang naghihirap siya?" sa sobrang lalim ng tanong ni Ace minsan di ko alam ang sagot
"sa ganito Ace..Mas pipiliin ko ang kasiyahan at kalayaan niya Ace kahit na ako pa ang maghirap. Mas magiging panatag lang ako na makitang maayos siya at hindi miserable.Handa akong magparaya at magsakrisyo Ace dahip yun ang tunay na pagmamahal" mahabang paliwanag ko
"ang swerte ni King at mahal mo siya" sabi nalang ni Ace.
I tap his shoulder and decided to go inside
"makikita mo rin kung sino ang para sayo" sabi ko baho tuloyan siyang iwan.
Sa tanong ni Ace kanina ay gumugulo ito sa isipan ko.
Ano ba ang kaya kong gawin para kay Zyren?ZYREN'S POV
It's morning at kakagising ko lang dahil sa sakit ng ulo.
Hang over. Bumangon ako at nagdesisyong magtimpla ng kape.Habang umiinom ay naabotan ako ni Ken na kakagising lang din ata.
"Zyren" sabi niya na kinusot kusot pa ang mga mata at gulo gulo ang buhok
"oh?" tanong ko habang humihigop mg kape
"good morning" wala sa sariling bati niya
"same" tipid kong bati pabalik.
"Captain napapansin ko lang.May problema ka ba?" bigla niyang tanong na halos maibuga ko ang kapeng iniinom ko
"w-wala naman" pagsisinungaling ko.
Tumango lang siya tas lumabas ng kusina.Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"HEYOOOOOO GUYS..WAKEY WAKEY WAKEY" biglang bulabog ni Klea.
Ang ingay niya grabe.Ilang minuto pa ay nasilabasan na sila at ang sama ng tingin kay Klea.Ikaw ba naman magising sa sigaw niya
"KLEA" inis na sigaw ni Juliet.
Tawa naman siya ng tawa sabay takbo sa kwarto niya.Lakas din ng topak ng babaeng yun ehh.
Naubos ko na ang iniinom kong kape kaya naisipan kong puntahan si Kylie sa kwarto niya.
"Queen" gising ko sakanya.
Di nagising sa ingay ni Klea. Tulog mantika talaga
"hey sleepy head wake up" sabi ko at hinalikan ang tongki ilong niya
"hmmn..It's still early my King" mahinang sabi niya at nakapikit pa din ang mga mata
"Queen my Lakad pa tayo diba? last day na natin dito bukas" sabi ko pero kinuha niya lang yung unan at tinabon sa mukha niya.
"Queen..Dali na kasi" pangungulit ko sakanya
"oo na po" siya sabay bangon.
"good" sabi ko at hinalikan siya sa noo tsaka lumabas na sa kwarto niya
KLYZER'S Pov
im trying to call Zyren. F*ck.
'Zyren answer the call now' nasabi ko nalang at ilang ulit pang dinial ang number ni Zyren
"Klyzer..Where's your twin now?" medyo pagalit na tanong Ni Dad
Kasi naman inip na inip na si Dad.Kanina ko pa talaga tinatawagan si Zyren pero walang sumasagot
"ah ehh Dad di pa sumasagot" medyo kinakabahan kong Sagot
"pauwiin mo kung ayaw mong madamay" pagalit na utos ni Dad tsaka na pumasok sa loob ng bahay.Kinakabahan ako sa mangyayari kaya kahit na inis na inis na ako sa hindi pagsagot ni Zyren ay pinagpatuloy ko lang ang pagtawag
.
.
Kylie'S PoV"EVERLAND" sigaw ng mga kasama kong babae tsaka nagsitakbohan sa loob.Kaya napailing nalang na sumunod ang boys
"babe tara na" aya ni Zyren at hinila ako.
Mgkahawak kamay lang kaming naglalakad papasok ni Zyren at nalibot libot lang kami.Di ko na rin makita ang iba.
"Zy baka mawala tayo" nag aalala kong tanong.
Pero hinigpitan niya lang ang paghawak sa kamay ko sabay sabing
''babe andito ako,wag kang mag alala' sabi niya sabay ngiti
"halika Queen laro tayo dun" sabi niya at tinuro kong saan may isang parang bahay kubo at puno ng mga teddy bears
"ahm 3 game" sabi ni Zyren dun sa bantay.
Binigyan naman siya ng arrow and bow.Sa isang game may tatlong arrow at kelangan lang na maglaro tulad ng sa archery.Kelangan mong pakawalan ang arrow tas lulusot sa blades na nagsisitaasan at sa isang circle na may apoy at apple na nasa bulls eye.
Sa unang game hindi nakakaabot sa target.Sa pangalawa naman naka isa kami.Sa pangatlo naka isa na naman kami.
"kamsahamnida..You had a nice game,and here is your price" sabi nung bantay sabay abot ng couple bears na blue ang color.
Ang cute cute
"akin tong babae.CasLie ang itatawag ko dito..CAssandra KyLIE" masayang sabi ni Zyren at kinuha ang bear na babae
"and i will call my Baby as Mr.Kim..My future husband" sabi ko at niyakap ang bear
"awee kaya mahal kita ehh" sabi niya
" asus" at yun nalang ang nasabi ko
BINABASA MO ANG
She's The Queen, And She's Mine
Teen FictionPaglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kailangan pang iwan mo ako?-Kylie Wala na ba? Wala na ba ang ikaw at ako? Talaga bang sumuko ka na? Pag...