KYLIE'S POV
Nakauwi na ako sa bahay mga bandang ala sais at ako lang mag isa dito.
Ano bang Buhay Meron ako? Bat di ko maramdaman Ang pagpapahalaga.
Papasok na sana ako sa kwarto ko pero napatingin ako sa kwartong kaharap lang ng kwarto ko.
Kwarto niya lang naman ito. I decided to go inside and see Nothing change since ng umalis siya.. scratch that.. Simula ng di na siya umuwi dito.
Pumasok ako at umupo sa kama niya. Ganun pa rin Ang amoy.. amoy ko pa rin Ang pabangong gamit niya.
Tinignan ko ang paligid ng room niya. Puno pa rin ito ng frames namin dalawa. Sobrang Dami. Tumayo ako at tinitigan Ang mga ito.
Iniisip ko kung ano bang nangyari para maging ganito lahat?
Sa isang iglap at mulat ng mga mata ko ay bigla ka nalang nawala?May mga luha ng nagsimula na namang kumawala sa mga mata ko.
This is it My King. Ito na Ang Huli... Ayoko ng umiiyak pa ng dahil sayo. Ayoko ng maging mahina.
Lumabas na ako ng kwarto niya at inilock ito. Di ko na bubuksan pa ang kwartong ito at aalis na din ako sa bahay na to.
Sobrang Dami kong aalaala sakanya dito at first move na kailangan kong gawin ay kalimutan at lumayo sa mga bagay na nakapagpapaalala sakanya.
I packed my things. Dun Muna ako sa dati naming bahay. Dun Muna ako.
After kong mag empake ay maghanda na rin ako para sa dinner. Pagkatapos ng dinner ay dun na ako sa bahay namin ni Mommy mag iistay
Agad akong nagbihis at dinala pababa Ang mga gamit ko.
Dad texted me the place where we should have the dinner.
So I started driving going to the place.
Takang taka na talaga ako dito sa ipapakilala ni Dad sakin. 2 months na Simula Nung sinabi ni Dad na ipapakilala niya ito sakin pero ngayon lang talaga matutuloy.
Nakarating ako dun sa meeting place at agad na pumasok sa Restaurant at hinanap si Dad.
Nakita ko siya sa may di kalayuan na nakaharap sa tatlong tao na nakatalikod sakin.
Sino naman kaya sila. Dalawang lalaki at isang babae.
Agad na napatingin si Dad sakin at tinawag ako.
Lumingon sakin Ang babae at kita kong Ang pagkakasabik sa mga mata niya.
Who are they?? Bakit parang kada hakbang ko ay sobrang bigat?
Nakangiti lang si Dad habang Ang dalawang lalaki ay nakatalikod. Bakit parang sobrang familiar Ang nga tindig at presensya ng dalawang lalaking ito? Ang babae naman ay di na napigilang di tumayo at niyakap ako.
"Shan Anak" tawag niya sakin habang mahigpit na nakayakap sakin.
Shan?? Sobrang pagtataka ko at inilayo siya sakin.
Shan?? San ko ba narinig Ang pangalan iyan??
"Sorry po pero Kylie po pangalan ko" and then lumapit ako kay Dad at hinalikan siya sa pisngi
Tinignan ko ang dalawang lalaking nasa harap ko at laking gulat ko ng makita Ang magkapatid na Villa.
"Jake?? Klint?? Ano ginagawa niyo dito??" Gulat kong tanong sakanila.
Umangat Ang tingin nila at kita ko sa mga mata nila Ang tulad ng nasa mata ng babae.
Di sila sumagot instead ngumiti sila
BINABASA MO ANG
She's The Queen, And She's Mine
Roman pour AdolescentsPaglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kailangan pang iwan mo ako?-Kylie Wala na ba? Wala na ba ang ikaw at ako? Talaga bang sumuko ka na? Pag...