MGITCQ 51

1.3K 18 0
                                    

"Hi TITAAAAA" nambubulabog na Bati ng barkada.

Seryoso? Si Zyren lang yung ipapakilala ko eh sumama pa sila. Makikikain daw. Mga pesti Diba?

"Ahm hello" bating balik ni Mama

Feeling close tong mga kaibigan ko.

Nakipagbeso pa sila sa mama ko

Talagang??

"Haha Hi Tita.. ako nga pala si Ken.. Ang gwapong Si Ken" pagpapakilala ni Ken

"Heh! Nanay niya Ang nagsabi kaya wag katong maniwala.. hi po Tita.. Juliet nga po pala" Juliet.. pati ba naman dito ay mag aasaran sila

"Haha Asan na Romeo mo?" Tanong ni Mama

Napatawa naman kami at itinuro nila Si Ken

"Hoy.. hoy.. Ken pangalan ko hindi Romeo" sabay irap sa amin

"Don't mind them Tita I'm Jhana.. journalist ng school namin" pagpapakilala naman ni Jhana.

Nakipagshakehands naman siya kay Mama

"Klea nga po pala.. at your service" Klea

"At her Service?? Kleang taga kain ng niluluto niyo Tita. Taga ubos" ace

"Heh!" Sabay irap naman ni Klea.

Natawa naman si Mama sa kakulitan nila

"Ace nga po pala" simpleng pakilala ni Ace

"Chris po Tita" Chris na kanina pa tahimik

"Gwapong bata" puri ni Mama kay Chris

"Thanks po" pagppasalamat ni Chris

"Pasok na kayo" pagkasabing pagkasabi ni Mama nun ay Nagsitakbuhan sila.

Nako talaga.. mga isip bata

Tatlo naman kaming natira. Si Mama, ako at si Zyren

"Ma.. si Zyren nga po pala boyfriend ko.. Zy si Mama" pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa

"Hello po" bati ni Zyren

"Kaw pala Ang boyfriend niya? Hmmn.. okay na din.. wag na wag mong sasaktan yan ah?" Seryosong sabi mo Mama.

Natawa naman si Zyren

"Di ako nagbibiro" seryoso pa ding sabi ni Mama

"Sorry.. opo.. di na" napatango naman si Mama sa Sinabi ni Zyren

"Good. Ng nagkakaintindihan tayo" mama at Nauna pang pumasok

"Ganun ba talaga Mama mo?" Bulong na tanong ni Zyren

Natawa naman ako

"Binibiro ka lang nun" ako sabay hila sa kanya

"San naman tayo?" Tanong niya habang papaakyat kami sa taas

"Sa kwarto" tipid kong sagot.

Napahinto naman ako ng bigla niyang bitawan Ang kamay ko

"Wag po bata pa ako" bigla niyang sigaw.

Asungot talaga. Sinamaan ko siya ng Tingin.

"ZYREEEEENNNNNN" sigaw ko at hinabol siya.

Nakakainis talaga pati barkada ko ay tawa ng tawa habang nakatingin samin at pati na si Mama ay tawa din ng tawa

"Halika dito Zyren" ako habang hinahabol ko pa rin siya.

Nakakainis talaga pinagtatawanan lang din niya ako.

She's The Queen, And She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon