ZYREN'S POV
Nasa biyahe na kami at sobrang ingay ng dalawa.
Magkantahan daw ba naman?
Tsk.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Tinitigan Ang mga lugar na dinadaanan namin.
Matagal pa ata kami.
"Zy" tawag ng kakambal ko sabay lingon sakin
"Oh?" Tanong ko
"Matagal mo pa bang maaayos Ang problema mo? Gusto mo tulongan na kita? Para naman makasama mo na siya!" Bigla niyang sabi.
Di kasi Ang nagpatulong sakanya. Malaki na Ang natulong ni Klyzer sakin kaya di ko na siya hinayaan na tulongan pa ako.
Gusto ko ako na Ang umayos nito.
"Nga naman Zy.. may paraan na ako kung pano" sabat naman ni Haidee.
"Di na.. aayusin ko ito ng mag isa Ayoko ng pati kayo ay maipit na naman " sabi ko atsaka ibinalik ulit Ang tingin sa bintana
"Pero Zy.. what if mapagod si Shan? What if maisipan nalang niyang tumigil sa kakahintay sayo? Zy.. di madali Ang maghintay lalo na't walang kasiguradohan na babalik pa ba" makabulohang sabi ni Haidee
Tinignan ko siya. Seryoso Ang mukha niyang nagdadrive
"Sabi naman niya na maghihintay siya" sabi ko naman at tsaka tinitigan siya.
Tinignan din ako ni Klyzer
"Hindi dahil sa sinabi niya ay makakaya niya. May kahinaan din kami Zy.. pero wag mong hayaan na one day babalik ka na Wala na siya" sabi naman ulit ni Haidee.
Ganun ba yun?
"Yeah! Haidee is right Zy... You should make a move kung ayaw mong paggising mo ay nagsisihan mo lahat" dugtong ni Klyzer
"So kung ganun? Ano ba plano niyo para matulongan ako?" Tanong ko sa kanila
"Simple lang naman" Haidee.
Ano kaya ang iniisip ng babaeng toh.
Haidee's POV
Nakarating kami dito sa beach resort na Itenext ni Shan sakin.
Agad kung pinark Ang kotse at bumaba na.
Pumasok kami sa loob at magtatanong na sana ako ng may tumawag samin.
Nakita ko si Shan na kakalabas lang Coffee shop na andito sa Resort.
"Shan" napatingin naman ako sakanila ni Zyren
Humalik sakanya si Zyren pero sa pisngi lang at nakangiti namang bumaling samin si Shan
"Kayo lang?" Tanong niya
"May nakikita ka bang iba?" Tanong ko.
Natawa naman siya at sinamaan naman ako mg tingin ni Zyren. Binelatan ko lang siya.
"Tara?? Hatid ko na kayo sa rooms niyo. Chineck in ko na kayo" Shan na Nauna pang naglakad
Lumapit naman ako kay Zyren at binulongan siya
"Over Protective BESTFRIEND" pang asar ko sakanya at dinidiinan pa ang word na Bestfriend
Mas sinamaan niya ako ng tingin! Sige lang.. magsisisi ka kung ayaw mong pumayag sa plano ko. Hanggang bestfriend ka nalang.
Eh umayaw sa plano namin... Ayy plano ko pala... Akala ko papayag na eh sa umayaw. Lalo na si Klyzer.
Bahala kayo kung ayaw niyo sa plano ko. Basta wala na akong kasalanan pag nawala sakanya si Shan
BINABASA MO ANG
She's The Queen, And She's Mine
Teen FictionPaglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kailangan pang iwan mo ako?-Kylie Wala na ba? Wala na ba ang ikaw at ako? Talaga bang sumuko ka na? Pag...