Haidee's POV
Nakaupo lang ako dito sa sala at nakapangalumbaba.
Wala akong magawa dito at bored na bored na ako. Ito kasing pesting Klyzer ay di ako pinasama dun sa lakad niya.
Nakakainis talaga siya!
"Ahhhh" sigaw ko sabay tapon ng throw pillow..
Kaya ko nga tinapon kasi throw nga.
.
.
.
.
.Okay tawa na kayo!
Padabog akong tumayo atsaka kinuha Ang susi ng kotse ko.
Pupuntahan ko na nga lang si Kyl--- este Shan.. ay bahala na nga kung ano tawag sakanya
Mag gagala nalang kami ng babaeng yun para malibang din yun
Nagdrive ako papunta sakanila pero pagkakadating ko dun ay walang tao tas nakakandado Ang Gate?
Seriously??
Naalala ko . Di na pala siya jan nakatira!
Naman...
Nagdrive na ako atsaka siya tinawagan
"Shan" agad kong tawag sakanya,pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag
"Oh?"tanong niya.
Ramdam ko sa boses niya yung pagod. Ano naman kaya Ang ginawa ng babaeng to
"Asan ka? Gala tayo? Susundoin nalang kita" sunod sunod kong sabi
"Ahh sorry may shoot kasi ako" sabi niya at agad naman akong napabreak ng sasakyan dahil sa sinabi niya?
"San ka?pupunta nalang ako jan" ako na May lungkot pa sa boses.
Bakit busy Ang lahat ng tao ngayon?
Tas heto pa model pal tong babaeng toh. Di ko man lang alam.
"Dito sa may beach resort sa Batangas" sagot niya.
"What??" Naisigaw ko nalang.
"Haidee.. wag ka ngang sumigaw. DI AKO BINGI" Sigaw niyang balik.
Natawa naman ako sa pag sigaw niya
"Haha sorry naman.. ilang araw ka ba jan?" Tanong ko
"2 days and 2 nights" sagot naman
"Sige. Pupunta ako jan.. sasama ko Si King your loves mo" ako na May mapang asar pang sabi sakanya
"HAIDEEEEEE" sigaw niya kaya tawa naman ako ng tawa
"Hahaha sige na Queen.. yayayain ko lang yung Asawa mo" sabi ko at agad na binaba Ang tawag.
Puputak na naman kasi Ang bunganga nun. Hahaha..
Masaya maging kaibigan Ang babaeng yun. Di plastic di tulad ng iba. Gagamitin ka lang
Agad akong nagdrive papunta sa bahay nila Zyren at ilang minuto lang ay nakarating ako.
Agad naman akong pinapasok total Kilala na din naman ako dito.
"Haidee hija" salubong sakin ni Tita
"Good morning Tita.. si Zyren po?" Agad kong tanong.
Napangiti naman siya
"Nasa kwarto niya" sagot ni Tita at may malaking ngiti pa.
Iba ata iniisip ni Tita
"Sige akyat lang po ako" tumango naman si Tita at umakyat na ako.
BINABASA MO ANG
She's The Queen, And She's Mine
Novela JuvenilPaglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kailangan pang iwan mo ako?-Kylie Wala na ba? Wala na ba ang ikaw at ako? Talaga bang sumuko ka na? Pag...