MGITCQ 20

1.3K 28 0
                                    

Kylie's POV

Nagising ako dahil ramdam ko na yung gutom. So i decided na tumayo at kumain na.

Nakatulog pala ako sa kakaiyak.
Napabuntong nalang ako habang binubuksan ang pinto.

Paglabas ko ay napansin ko siya. Nakaupo habang nakasandal sa pader at nakapikit.

Napatitig ako sakanya. Naawa ako sakanya kaya napag desisyon kong gisingin siya at para sa kwarto niya matulog.

"Zyren..Zy..." yugyog ko sa balikat niya

Onti onti naman niyang dinilat ang mga mata niya at agad niya akong niyakap.

"babe..Im so sorry..Sorry di ko sinasadya..Babe sorry" sabi niya at tahimik na umiiyak.

"babe sorry..Sorry..Forgive me" yan yung paulit ulit na sinasabi niya.

Di ako umimik at hinayaan siyang umiyak.Nakayakap lang kami sa isa't isa.

"Babe..Di ka na ba galit?" tanong niya at hinarap ako at pinupunasan ang mga mata na parang kinusot kusot na parang bata.

"opo"ako at pinisil ang mga pisngi niya.

"yey..*Grrrrr*" biglang tunog ng tiyan niya kaya natawa ako.

"tayo na jan"sabi ko sakanya at akmang tatayo ng pinigilan niya ako at nagnakaw ng halik.

"sorry po ulit mahal" sabi niya pagkatapos magnakaw.

Kaya hinampas ko siya

"haay nako..Dali ka na nga..Magluluto lang ako" sabi ko sakanya at tinulongan siyang tumayo.

"ako na magluluto My Queen" sabi niya at nauna pang bumaba.

Sumunod nalang ako sakanya.

Nakatitig lang ako sakanya habang naghihiwa siya ng mga sangkap

"Babe..Kelan pala uwi ng Daddy mo?" seryoso niyang tanong habang focused na paghihiwa

"Bukas daw Babe kaya susundoin natin siya"sagot ko naman.

May naisip ako.Kinuha ko yung phone ko at palihim na kinukuhanan ng picture.

Pang wallpaper.

"babe..Alam ko kung ano ginagawa mo.Pwede namang magpaalam ka" sabi niya at inangat ang ulo at ang laki ng ngiti.

"pinagsasabi mo? nagtetext kaya ako"palusot ko

"asus patingin nga?"siya at lumapit pa.

Dali dali kong hinome at messages agad

"ayan oh"sabi ko sakanya sabay abot ng phone.

"sino pinagloloko mo Babe? last week pa yung last message receive mo." nakangisi niyang sabi niya at siya na mismo nagpakita ng mga pictures niyang kuha ko.

"hahaha wala lang..Pang wallpaper babe" ako sabay peace sign pa.

"kaw talaga" sabi pa niya at ginulo gulo pa ang buhok ko.

"dalian mo na jan Babe.Gutom na ako" sabi ko at napangalumbaba

"wait ka lang..Nagluluto na nga" siya at isa isang inilagay ang mga sangkap para sa niluluto niyang tinula

"tada..Kain na tayo" sabi niya ng matapos na siya.

Hinanda ko naman yung mga plates at kanin at nag umpisa na kaming kumain.

"Babe"tawag niya sakin

"hmmn?"tanong ko

"may gift ako para sayo" sabi niya at tumayo.

She's The Queen, And She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon