"Sa mapait na katotohanan
Sa kasiyahang kanilang tinutulan
Maibabalik ba Ang dating pagtitinginan
Ang masaklap na nakaraan
Kaya bang ayosin ng mga salitang binitawan?"I started reading the poem that i'd made
"Kakayanin ko bang ika'y kalimutan?
Mahal, Ayoko.. Ayoko pero ano Ang gusto mong mangyari?
Sakit na di napapawi
Sa lakas ng Aking kapit
Siguro nasasakal ka na sa higpit"Nakakuyom lang Ang mga kamay ko habang nakatingin sa mata niya.
"Sabihin mo.. Sabihin mong ayaw mo na
Na sumusuko ka na
Sa bawat araw ay hirap ka na
Hawak hawak pa ba kita?"Nagbabadya na Ang luha sa mga mata ko. Tahimik lang Ang mga kaklase kong nakikinig sa tula ko
"Sa mga katanongan?
Alin ba Ang katotohanan?
Nabubuhay ba ako sa iyong mga kasinungalingan?
Ano ba Ang Aking paniniwalaan?"Ano nga ba Ang sagot sa mga katanongan ko mahal?
"Oras na ba?
Oras na bang kalimutan kita?
Oras na bang harapin ka?
Oras na ba para bitawan na kita?
Oras na ba para maranasan Ang sakit na dulot ng iyong pag iwan?
Sa Panahon na sasabihin ko nalang na kailangan na talaga"Dumadating Ang araw na nahihirapan na ako pero di ako bibitaw
"Buwan? Buwan Ang nagtagal para Sabihin ko sayong di ko pala kaya
Mahal, nais ko lang ay Ikaw
Ikaw na matagal ko ng pinapahalagahan"Naramdaman kong may luhang tumulo sa pisngi ko. Di ko kasi siya kayang bitawan
"Nasa isang tabi lang ako
Bukas palad para tanggapin Ang pagbalik mo!"Palagi yan. Maghihintay talaga ako at sa pagbalik ni ay maiinit na yakap Ang nais ko
'Dito nalang.. dito nalang ako'
Ayoko ng pahabain pa ang tula. Alam naman niya.. pinapaalala ko lang na andito ako naghihintay
"Hanggang sa pagbalik ng mahal ko
Nagmamahal ng tunay higit pa sa sarili mo..'Tama... Ikaw lang.. Ikaw lag mamahalin ko.
Papaupo na sana ako ng nagsalita siya.
Ang kanyang Tula.
"Huwag, huwag kang bumitaw
Alam kong ako'y may pagkukulang
Pero handa na akong ika'y ipaglaban
Kapit lang mahal"Emosyong sabi niya. Nakatulala lang akong nakatingin. Di ko inaasahan Ang pagsagot niya sa tula ko
"Patawad.. patawad sa Aking pag iwan
Patawad dahil di kita naipaglaban
Patawad dahil di kita mabitawan"Naluluha na ako. Si Zyren ba to? Nanaginip ba ako? Pakigising naman ako kung nanaginip nga ako.
"Mahal? Handa ka ba?
Handa ka ba na tanggapin muli ako sa Buhay mo?
Ang masaktan ay di madali
Pero gagawin ko maging akin ka lang muli"Hinawakan niya Ang isang kamay ko at hinalikan
"Ito! Ito ay para sayo!
Mga bulaklak... Iyong paboritong bulaklak"At inilabas sa likod niya lavender flower na gustong gusto ko
"Hindi lang ito tula..
Tula dahil may dead line
Tulang galing sa puso
Napakaikling tulang gawa"Di siya gumagawa ng ganito dahil nandidiri at nakokornihan daw siya.pero heto siya. Sinagot Ang tula ko
"Ako'y nasa iyong harap
Nais hingin muli Ang iyong pagmamahal
Hinihingi Ang pagpatawad"Then lumuhod siya. Di ko na napigilan Ang pagbuhos ng luha ko. I never except that he will do this small but appreciable efforts
"Sana mas higpitan mo pa para di mo ako mabitawan
Di ko sinasadya na paluhain at paghintayin ka
Ito lang nais ko ay maalala mo na Ang pagmamahal ko sa iyo ay higit pa sa binibigay nila"Then hinawakan niya ag dalawa kong kamay at pinisil
"Pagsasakripisyo Ang tawag sa pagkawala ko sa Buhay mo
Di ko naman ginusto
Gagawin ko para lang nasa ligtas ka"Ano Ang ibig niyang Sabihin? Nakatitig lang siya sakin. Mga matang puno ng pagmamahal
"Ikaw Ang kasiyahan at kahinaan ko
Ikaw ang babaeng nais para sa pang habang Buhay ko."And I see a tears fell down from his cheeks. Why is he Crying?
"Mahal, nais mo pa ba ako sa Buhay mo?"
Nagulat ako sa tanong na yun? Parte pa ba ito ng tula niya o katanongan talaga na kailangan kong sagotin?
"Isa lang naman ang tanong ko.
Ang sagot ay Hindi o oo lamang sinisinta ko"
Mas lalo akong kinakabahan
"Maaari bang ligawan kita sa pangalawang pagkakataon?"
Tanong niya.Halos mabingi ako. Sa sigawan ng nga kaklase ko. Totoo ba to?
Ilusyon ko ba ito? Di maabsorb ng utak ko yung tanong niya.
Feeling ko.. kami lang.. siya at ako lang..
May mga luhang tumulo sa mga mata ko. Pagdadalamhati ba to o Kasiyahan?
Napangiti ako at itinayo siya.
Halik.. halik Ang sagot sa katanongan niya.
" You don't need to ask.. because I am always yours"
He smiled and kissed me again
"I love you my Queen" bulong niya sa Gitna ng halik niya
"I love you too My King"
Sagot kong balik.Sobrang saya ko.. sobrang saya ko dahil di ito panaginip dahil siya nga.. siya Ang mahal kong Hari na Ipinaglalaban ako sa lahat
Heto Ang Hari ko na Handang gawin kahit ano para mapasaya ako
"Ohhhhhh Myyyyyyyy Goddddddd they're Back.. "
"The Queen and the King are back together"
"Ohhhhhh myyy.. ohhhhhh myyy... ZyShan.. ZyShan"
"Im happy to see them together"
Napangiti ako. Mas masaya ako dahil sa lahat ng luha at oras na paghihintay ay di nasayang.
Andito siya..andito siya para muling bumalik.
Worth it lahat.. di ko din naman kayang mawala siya
"Aking mahal... Sa pangyayaring ito. Masaya akong bumalik kana Aking Hari" sabi ko habang yakap yakap siya ng mahigpit
"Masaya akong nasa mahigpit mong yakap at matikman Ang halik mong muli Aking Reyna" sagot niya.
Ito na.. ito na Ang pinakawalan Ang araw na nangyari sa lahat ng sakit na naranasan ko. I'm so thankful to meet my Zyren.
"Patawad Shan kung ngayon lang ako bumalik. Sorry dahil pinaiyak kita. Sorry dahil pinaghintay kita at di naipaglaban pero nakagawa na kami ng paraan kaya wag ka ng mag alala, okay? "
Tumango lang ako. Bagong simula mula sa mapait na Nangyari
His mine now.. his mine..
Paglalaban ko pa rin siya kahit Anong mangyari.
"Congrats.. may maganda din palang nangyari sa activity na toh. Masaya akong makita kayo ulit na nagkabalikan" napatingin naman kami sa guro namin.
Napangiti kami
"Thanks Sir" sabay sabi namin ni Zyren
Ngiti lang Ang isinagot niya samin.
Masayang masaya ako na nagbalik ulit kami sa dati.
BINABASA MO ANG
She's The Queen, And She's Mine
Teen FictionPaglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kailangan pang iwan mo ako?-Kylie Wala na ba? Wala na ba ang ikaw at ako? Talaga bang sumuko ka na? Pag...