Continuation...
Gulat akong napatingin kay Dan sa ginawa niya. So it means alam niya?
"Bat di namin alam yan?" Tanong ko
That contract had been signed . so it means tinanggap na Ang offer pero bakit di namin alam yun?
"Sorry. Wag muna natin toh pag usapan" pag iwas niya.
Napabuntong hininga nalang ako. Kelangan ko munang iwala sa isipan yun. Si Kuya Dave muna. Sana maging okay siya
Agad kaming napatingin sa mga nurse na dali daling pumasok sa ER
"Nurse.. Nurse what's happening?" Agad kong tanong at nilapitan ang nurse pero di niya ako pinansin.
'My ghad kuya.. Please lumaban ka'
Sabi ko sa isipan ko at bumalik sa.pagkakaupo. sobrang kaba ko. Kabang kaba ako baka iwan kami ni Kuya. Baka iwan niya Ang banda. I can't afford to lose Kuya and the Band.
"Magiging okay din ang lahat" sabi ni Dylan at hinawakan ang kamay kong kanina pa nanginginig.
Di ako sumagot at nanatiling tahimik lang.
Agad kaming napatingin sa lumabas na mga nurse at doctor.
Nagtatanggal na ng gloves Ang doctor at may isang nurse na kausap ito.
"Doc..doc.. how is he?" Agad akong lumapit sa Doctor.
Grabe Ang kaba ko ng medyo natagalan pa sa sagot Ang doctor.
"His Gone. Di niya kinaya" yun na lamang Ang tanging sagot niya at tsaka ako tinalikuran.
Agad akong tumakbo papasok para Sabihin na hindi totoo Ang sinabi ng doctor.
Naabotan ko siya. Naabotang nakapikit Ang mata at maputlang mukha.
Napaluha ako sa nakikita ko.
"No. Kuya....kuya please wake up. Your not dead.. Your not" Sabi ko habang niyuyogyog siya
"Kuya please wake up. Im begging you Kuya"
Triny kong I- CPR siya pero pinigilan lang nila ako.
Nagwawala na ako. His not leaving. His not gone. His not
"His not dead.. Di pa patay si Kuya di pa" pagmamatigas kong sabi pero pinigilan lang nila akong lapitan siya.
"Kylie" agad akong napatingin sa tumawag sakin at tumakbo tsaka niyakap siya.
"Zy.. Di siya patay di ba? Hindi.. Please gisingin niyo siya. Please.. Zy nagmamakaawa ako gisingin mo si Kuya" pagmamakaawa ko kay Zyren pero umiling lang siya
"Ky.. Kuya Dave is gone.. his Gone" sabi niya.
Umiling iling lang ako at tsaka siya tinulak
"No. His not" ako at tsaka nilapitan si Kuya
"Kuya.. gumising ka na please.. gumising ka na.. di na magandang Biro to.. kuya... Please.. di ka pa Patay kaya gumising ka na.. kuya Dave"
Nawalan na ako ng pag asa at nanghihinang napaupo sa sahig habang hawak hawak ang kamay ni Kuya
"Kuya naman eh.. Iiwan mo na talaga kami? Tangna bumalik ka please.. Bumalik ka" iyak lang ako ng iyak.
"Ky uwi na tayo" sabi ni Zyren at tsaka ako inalalayang tumayo pero umiling iling lang ako.
"Di ko iiwan si Kuya dito" sabi ko pa at mas hinigpitan Ang pagkakahawak sa malamig na kamay ni Kuya
"Cass you should go home and have a rest" sabi pa ni Dylan.
Sinamaan ko sila ng tingin.
"Sabing di ko iiwan si Kuya Dave dito" sigaw ko sakanila at nagulat pa sila.
"Excuse me Ma'am.. Kukunin na po namin ang bangkay" sabi pa ng isang nurse.
Tinignan ko siya ng masama at parang natakot pa
"San niyo dadalhin si Kuya? no.. Dito lang siya" sabi ko pa at hinarangan siya
"Ma'am kelangan na po namin siyang dalhin sa morgue " sabi pa nito
"NO.. DI NIYO SIYA MAKUKUHA" Sigaw ko at niyakap lang si kuya para di na nila makuha
"Kylie.. Alis na.. Wala na siya,okay? Di na siya gigising" sabi pa ni Dan.
Inilayo nila ako sa katawan ni Kuya at pinagtutulongan na nila akong Apat pigilan para wag lang makalapit kay Kuya
"No.. Kuya.. Kuya" sigaw ko at pilit makawala sa mga kamay nila pero di ko nagawa hanggang sa mawala na nga ang nurse kasama ang katawan ni Kuya.
Di ko na mapigilang mapahikbi.
Kasalanan niya toh eh.. Kasalan ng babaeng yung.
Sa kakaiyak ko ay di ko napansin na inakay na pala ako ni Zyren papunta sa sasakyan.
"Cass.. Why are you crying?" Agad akong napamulat ng may magsalita sa harap ko.
It was trevor. Staring at me furiously
"Wala..wala.. Uuwi na ako" ako at dali daling umalis ng hospital.
A week from now ay concert na namin. Kaya na kaya ni Jeff?
Napabuntong hininga nalang ako at tsaka pumasok ng bahay.
Zyren's Pov
Isang araw na ata akong hindi nakikita si Kylie. Isang buong araw na hindi nakikita.
Kakatapos lang namin kaya napagdesisyonan ko ng umuwi.
Nakarating ako sa bahay at may napansing isang taong nakatingin sa bahay kaya nag busina lang ako baka napadaan lang.
Pinark ko na ang sasakyan at tsaka pumasok na.
Andito na yung mga gamit na dala ni Kylie kanina kaya agad akong unakyat sa taas.
Binuksan ko ang kwarto niya at tsaka ko nakitang mahimbing pala siyang natutulog.
Di pa ata kumakain ang isang toh dahil di pa nakapangbahay.
Lumapit lang ako sakanya at tsaka siya niyakap
"Pagod na pagod talag tong babe ko" sabi ko pa at tsaka hinalikan ang tongki ng ilong niya.
"Mahal na reyna gising na para kumain" gising ko sakanya.
Wala naman akong response na nakuha kaya hinalikan ko ang tongki ng ilong niya ulit at sunod ay ang labi niya.
"Mahal na reyna.. Bangon na at kakain na tayo" sabi ko pero wala kaya hinalikan ko na naman siya sa labi.
Miss ko tong babaeng toh.
"Hmmn.." Moan niya
"Bangon na at kumain na tayo" sabi ko sa kanya at hinalikan na naman siya pero smack lang.
"Kanina ka pa?" Tanong niya pagkamulat na pagkamulat ng mga mata niya.
"Kakarating lang" sagot ko.
"Ganun ba? Tara kain na tayo"aya niya at naunang bumangon.
Bumangon naman ako at tsaka sabay na kaming bumaba.
BINABASA MO ANG
She's The Queen, And She's Mine
Teen FictionPaglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kailangan pang iwan mo ako?-Kylie Wala na ba? Wala na ba ang ikaw at ako? Talaga bang sumuko ka na? Pag...