Kylie's Pov
"Jeff" tawag ko kay jeff na ngayon ay nakahiga lang habang nakatingin sa ceiling
Tumingin naman siya sakin na may pag aalala
"Ate Cass sorry" sabi niya.
Nilapitan ko naman siya at niyakap. Jeff... Siya yung pinakabata samin. Senior high school pa lang siya
"Shh.. Alam ko naman pinag dadaanan mo eh" ako habang hagod hagod ang likod niya.
Nagising na siya nung isang araw. Tulad ng sabi ng doctor ay mga 2 weeks lang ay nagising nga siya.
"Ate? May pagkukulang ba ako bilang boyfriend niya? Binigay ko naman lahat eh. Pagmamahal,tiwala, loyalty ko, at oras pero bat pinagpalit niya pa rin ako?" Umiiyak niyang sabi.
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Kapal lang ng Alexa na yun. Aish
"Labas mo lahat okay? May mga bagay lang talagang hindi para sayo. At ang pag iwan niya ang patunay na hindi siya karapat dapat sayo. Jeff someone deserve your love more than alexa deserves too" sabi ko sakanya.
Patuloy lang siya sa pag iyak. Pag ibig. Nakakamatay din pala minsan.
Ilang oras din kaming nasa ganung posisyon hanggang sa makatulog siya.
Haay kawawa naman ang batang toh. Hindi pa alam ng magulang know ng anong nangyari.
Inayos ko ang pagkakahiga niya at tsaka napagdesisyon na bibili lang ng kape. Medyo antok na din ako ilang araw na to ng walang masyadong tulog dahil sa pag aalala
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kusa itong bumukas at sumalubong ang isang taong may hiya pa talaga para humarap kay Jeff
"What are doing here?" Cold kong tanong sakanya
"I just wanted to know how is he" sabi niya.
Bruha din ng babaeng toh. May mukha pa talagang ihaharap. Aba pakapalan lang
"Umalis ka na" ako at ako na mismo ang nagsarado ng pinto kahit di pa siya nakakapasok
"Please ate im begging you. Payagan niyo lang po ako kahit 5 minutes" pagmamakaawa niya
Naiinis ako sa inasta niya. Kapal din. Siya ang dahilan tas nag aalala daw. Sinong gago ang pinapaikot niya?
"Umalis ka na kung ayaw mong akon mismo ang magkaladkad mismo sayo palabas." Seryoso kong sabi pero hindi natinag at lumuhod pa siya sa harap ko
"Ate please papasokin mo na ako" sabi niya at pilit inaabot ang kamay ko.
"Alexa" napatingin ako sa mga kasamahan ko na gulat na gulat sa nakikita nila
"Cassandra" bangit ni clark sa pangalan ko habang nakatingin sa mata ko na may pagtataka
"Umalis ka na" cold kong sabi kay alexa na blankong nakatingin lang sakanya
"Alexa tumayo ka jan" sabi ni james at tinulongang tumayo si Alexa.
Hinila naman ako ni Dan at dinala sa isang sulok may kalayuan sakanila.
"Ano bang pinaggagawa mo Cassandra? Nagmakaawa na yung bata" naiinis niyang tanong sakin
"Seriously? Bat parang naaawa ka pa sa batang yun? Siya ang may dahilan kong bakit andidito si Jeff sa hospital na toh" naaasar kong sabi kay Dan
"Pwede bang wag kang makialam sakanila" sabi pa niya.
Tinignan ko siya ng masama. Naiinis na ako may karapatan akong magdesisyon lalo na't minsan ng nalagay sa panganib ang buhay ni Jeff
BINABASA MO ANG
She's The Queen, And She's Mine
Teen FictionPaglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kailangan pang iwan mo ako?-Kylie Wala na ba? Wala na ba ang ikaw at ako? Talaga bang sumuko ka na? Pag...