KYLIE'S POV
Naglibot libot lang kami ni Zyren dito sa everland ng kami lang dalawa.Hapon na at medyo nakakapagod rin.
Sumakay kami ng mga rides at napag isipan namin ni Zyren na pumunta dito sa may Parang Garden dahil sobrang daming bulaklak.Kung gano kaganda dun sa Fuji sa japan pangalawa naman itong sa everland.
"babe"tawag ni Zyren at may inilagay na bulaklak sa tenga ko
"ayan"nakangiti niyang sabi kaya napangiti na rin ako.
"ang ganda mo pag nakangiti" sabi niya habang nakatitig pa sa mga mata ko
"kaw may dahilan nito ehh" nakangiti ko ring sabi
"alam mo Milady? mas gugustohin kong hindi matapos ang araw na to" sabi niya na para bang may iniisip
"Babalik tayo dito pero mas gusto kong unahin ang Japan.tas bibisitahin natin sila Eya doon" ako.Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya
"babe..Ayoko ng maglihim sayo.Ayaw kong sirain ang araw nato pero di ko na kayang magsekreto" sabi niya at hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.Hindi ko alam kong anong magiging reaksiyon ko sa sasabihin niya.Nanatili lang akong tahimik kaya pinagpatuloy na niya ang pagsasalita
"babe..Im engage" nakayuko niyang sabi.Di niya atang kayang sabihin sakin ng nakatingin sa mga mata ko
"E-engage?" nababadya ang mga luha ko sa mga mata ko.
Engage? kanino? ano mangyayari samin?
"y-yes babe. Remember the night before the Christmas Ball night? that day umuwi si Dad para ipakilala siya sakin" nakayuko pa rin niyang sabi
"kelan mo pa alam? kelan mo pa nililihim sakin toh?" nagdududa kong tanong dahil alam kong hindi lang sa araw na yun ay hindi pa niya alam
"babe nung araw na pupunta sana tayo ng New York" sagot niya.
Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko.Di ko alam kong ano ang gagawin ko.
"babe im so sorry..Di ko kasi alam kong papano sasabihin sayo.Hindi alam ni Dad na tayo dahil baka kung ano gawin niya sayo" at sa pagkakataong iyon ay inangat niya ang ulo niya kaya kitang kita ko ang mga mata niya.
Matang halo halo ang emosyon."Babe sino?" yun nalang ang tangi kong natanong at iniwas ang mukha ko.
Ayokong umiyak sa harap niya.Ayokong ipakita na nagagalit ako sa paglilihim niya.Pwede naman niyang Sabihin ah? pwede naman niyang aminin at ipakilala sakin kung sino yung Fiancee niya para kahit papano ay alam ko kung may laban ba ako.Pwede din naman na sabay kaming lumaban? pwede din naman ipakilala niya ako sa Dad niya para naman kahit ano pag gawin ng Dad niya kaya kong lumaban kahit papano.
"Si Haidee" sabi niya na ikinatingin ko sakanya.
Di ko na maiwasang Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Haidee?Haidee Veinise?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang pangalan na yun pero bigla nalang lumabas sa bibig ko yun.
Sino ba siya?Napakafamiliar ng pangalan ng niya pero wala na akong pakialam.NAsasaktan ako lalo na yung pagtango niya.Mas lalong akong napaiyak. Bat ganon? Pano na kami?
'pano na kami?'
Yun lang ang nasa isipan ko kaya napahilamos nalang ako sa mga kamay ko at iyak ng iyak."B-babe bat k-kelangan mong i-itago? wala k-kabang tiwala?" natanong ko nalang habang iyak ng iyak.
Niyakap niya ako
BINABASA MO ANG
She's The Queen, And She's Mine
Novela JuvenilPaglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kailangan pang iwan mo ako?-Kylie Wala na ba? Wala na ba ang ikaw at ako? Talaga bang sumuko ka na? Pag...