Shan's POV
Heto ako abala sa kakain ng popcorn.. sarap kaya.. popcorn with strawberry jam at may konting Chili powder.
Sarap na sarap ako. Si Zyren? Ayon naglalaba.
Ayaw pa kasi kumuha ng katulong. Haay nako.
Enjoy na enjoy ako sa pinapanood ko ng makaramdam ako ng sakit.
Arghhhh sobrang sakit ng Tiyan ko.
Naihulog ko pa ang bowl sa Sahig.
"ZYREEEEENNNNNN... ZYREEEEENNNNNN... manganganak na ata ako" sigaw ko.
Narinig ko naman ang mga yabag niyang tumatakbo.
Sa busy ko sa kakain ay pati kabuwanan ko ay nakalimutan kong ngayong buwan pala iyon.
Hoo sobrang sakit.
Naramdaman ko naman ang pagbuhat niya sakin
"Hold On Babe.. sa hospital ka ng manganak. Wag dito. Kawawa naman magiging anak natin" hirit pa niya.
Kung di lang ako namimilipit sa sakit ngayon. Nako.. nasapak ko na siya. Hihirit pa eh.
Agad niya akong isinakay sa kotse at pinaharurot niya ito ng takbo ng makapasok na siya.
Inhale.. exhale.. inhale.. exhale..
Hoo sobrang sakit talaga
"Dalian mo Zyren " sabi ko na halos di na makapagsalita dahil sa sakit.
"Heto na.. dinadalain ko na" siya.
Di ko na talaga kaya. Parang lalabas na sa tiyan ko.
Sobrang sakit talaga.
Nakarating kaagad kami sa hospital at agad akong isinakay sa wheelchair.
Arghhhh masakit talaga.
ZYREN'S POV
Grabeng kaba at excitement ang nararamdaman ko.
Grabe.. tinatakbo na ngayon ng mga nurse si Shan .
Halos di ako mapakali. Daming pumapasok sa utak ko.
I know wala ng mas ikakaexcite na makita sa wakas ang anak mo.
Di na ako pinapasok sa isa sa mga room na pinasokan nila.
Medyo kinakabahan ako baka kung may Anong mangyari sa mag Ina ko.
Sana naman maging maayos ang panganganak niya.
"Mr. Kim.. your wife needs you inside" sabi ng isang nurse.
Agad niyang pinasuot sakin Ang hospital gown at Pumasok sa loob.
Nakikita ko siya na nakahiga at kita Ang ang paghihirap niya.
Naaawa ako sa Asawa ko. agad akong lumapit
"B-Babe" sambit niya.
Nakita ko ang pilit niyang pagngiti.
"I'm here now babe" ako at hinawakan ang kamay niya.
Sobrang higpit ng kapit halos bumaon na Ang mga kuko niya.
"1..2...3.. Ire" sabi ng doctor.
Mas napahigpit naman ang kapit ni Shan sa kamay ko.
Sobrang sakit pero mas masakit Ying nararamdaman niya.
"Ahhhh...." Sigaw niya.
"Malapit na.. " sabi ng doctor.
BINABASA MO ANG
She's The Queen, And She's Mine
Roman pour AdolescentsPaglalaruan mo na nga lang kami tadhana sana hindi umabot na magkakasakitan kami-Zyren Hindi pa ba sapat yung paglaban natin?Kulang pa ba? bat kailangan pang iwan mo ako?-Kylie Wala na ba? Wala na ba ang ikaw at ako? Talaga bang sumuko ka na? Pag...