II- Simula ng . . .

5.8K 259 16
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


" Ayos na ang kalalagayan nya. Kailangan lang nya magpahinga "

Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ko ang sakit nito. Marahan ko ring minulat ang mata ko upang alamin kung ano na ang nangyari sa kanya. At higit sa lahat ay gusto kong sitahin si Master Alifer sa ginawa nya sa akin lalo na ang mga sinabi nya bago ako nawalan ng malay.

Pagdilat ko ng mata ay kapansin-pansin na iba na ang kisame na aking nakikita. Napatingin ako sa gilid ko ng may makita akong papalabas na may mahabang buhok. Hindi ko masyadong maaninagan kung sino sya dahil nanlalabo pa ang aking mata kaya muli akong pumikit. Pagdilat ko ay wala na sya sa may pintuan.

Umupo naman ako sa kama at muling napahawak sa ulo. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako ngunit hindi ako pamilyar sa silid na ito. Iba na ang mga kagamitan na nakalagay at mas malaki ito kumpara sa tinutuluyan ko noon kay Master Alifer.

Nasaan kaya ako?

Bumaba ako sa kama upang tingnan sa bintana kung anong lugar na ito. Pagsilip ko ay namangha ako sa aking nakita, isang maze na gawa sa halaman na sa gitna ay isang fountain. Maganda rin ang kulay lila na mga bulaklak sa paligid at higit sa lahat ay ang bayan na kitang-kita dito sa kinatatayuan ko.

Posible kayang nandito na ako sa palasyo?

" Master Alifer " napalingon ako sa babaeng nagsalita na isa palang katulong.

Yumuko ito sa akin bilang paggalang. Nandito na nga ako! Ngunit paano akong napunta dito? Ang huling pagkakatanda ko ay nagsasagawa ng itim mahika ang matandang taga-Rim sa isang silid.

" Master Aliferous, kailangan nyo muna pong humiga ng kama at magpahinga tulad po ng sabi ng doktor " saad nya sa akin.

Bumalik ako sa kama ngunit umupo lamang ako. Nakatingin ako sa mga paa ko na puro galos sa hindi ko alam na dahilan kung bakit ako nagkaroon ng ganito. Wala na rin ang nararamdaman kong sakit sa puso.

Totoo kaya ang huli nyang sinabi bago ako mawalan ng malay?

" Ayos lang po ba kayo? Gusto nyo po bang ipatawag kong muli ang doktor? " tanong ng katulong kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita ko naman ang agad nyang pag-iwas ng tingin sa akin at pagkabalisa sa hindi ko alam na dahilan. Nakita ko rin ang tatlo pang katulong na kasama nya na nanatiling nakayuko.

" Sino kayo? " tanong ko dahil wala akong alam kung sino sila ngunit huli na ng maunawaan ko ang itinanong ko.

Baka mahalata nila na may nag-iba sa akin. Kung totoo man ang sinabi ni Master Alifer, maaari kong ikamatay iyon.

" Sila po ang bagong katulong dahil sinesante po namin 'yung nakaraan nang hindi po sinasadyang lagyan ng paminta ang inyong pagkain " paliwanag ng babae na sa tingin ko ay ang mayordoma nila.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon