Idinilat ko ang aking mata ng may marinig akong ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ni Thorne kung saan ako nagpapahinga. Tumayo ako at lumapit sa may pinto upang alamin kung ano ang nangyayari.
" Hindi po kayo maaaring pumasok sa kwartong ito. Mahigpit pong ipinagbilin ni Har Kvasir na walang makakapasok sa kwarto nya " hindi pamilyar ang boses ng nagsalita.
" Hindi tama ang ginagawa ni Har Kvasir sa pagprotekta sa tettares na 'yan! " boses ni Matilde ang narinig ko.
" Halika na. Sigurado naman na kinakausap na sya ng mga konseho sa ginawa nya " malumanay ang boses ni Kais.
Wala na akong narinig pang ingay kaya umupo ako sa dulong kama at napahinga ng malalim. Narinig ko naman ang pagbukas ng aking pinto kaya nakita ko si Aylin na may dalang pagkain. Nakangiti sya sa akin.
" Magandang umaga Master Alifer " bati nya at inilapag sa may gilid ng kama ang dala nya.
" Hindi ka ba natatakot sa akin? " agad kong tanong sa kanya.
" Bakit naman po? " balik-tanong nya habang nagsasalin ng tsaa sa tasa.
" Dahil isa akong tettares " napayuko sa aking sinabi. " Dahil masama akong nilalang. Hindi ka ba natatakot na baka paslangin kita dahil isa akong halimaw "
Wala man akong dugong tettares ngunit iyon na ang tingin nila sa akin dahil nagpapanggap ako bilang sya. Gusto ko mang sabihin ang totoo ngunit ikamamatay ko naman. Ang buhay ko ngayon ay nasa pagitan ng mabuhay sa kasinungalingan o mamatay sa katotohanan.
" Ngunit kaya nyo po bang gawin ang bagay na 'yon? " napatingin ako sa kanya na inaabot ang tsaa ko. " Kaya nyo po bang pumatay? " kinuha ko ang tasa habang umiiling bilang sagot sa katanungan nya.
Kailanman ay hindi ko naisip na pumatay ng nilalang. Kahit gaano kasama ang isang nilalang, wala akong karapatan na kuhanin ang buhay nila.
" Kung ganon naman po pala ay hindi ko kailangang matakot o umiwas sa inyo. Sa pinakita nyo pong kabaitan sa akin ay naniniwala akong may mababait na tettares na nabubuhay dito sa ating bayan katulad mo " nakangiting sabi ni Aylin sa akin kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil may nagtitiwala sa akin na hindi ko magagawang manakit ng kapwa.
Ininom ko ang tsaang hawak ko. Malaking tulong ang dugong ininom ko kay Thorne dahil mabilis humilom ang aking mga sugat sa katawan.
" Anong mangyayari kay Thorne dahil sa ginagawa nyang ito? " tanong ko.
Naalala ko ang sinabi ni Matilde noon na hindi nangingialam ang Har sa trabaho ng mga hincer. Kaya maaaring mapahamak ang katungkulan nya sa ginagawa nya.
Hinihintay kong sumagot si Aylin. " Hindi ko po alam " sagot nya at mabilis na umiwas ng tingin.
" Aylin " tawag ko sa pangalan nya. " Anong mangyayari sa kanya? " ulit kong muli.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasiaSi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...