XIV- Ang Mabilis . . .

3.7K 181 28
                                    

Nakatitig lamang ako sa violus na nasa aking harap na ibinigay ko noon sa kaarawan ni Thorne pero nakita ko na lamang na itatapon ito ng isang katiwala kaya kinuha ko ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatitig lamang ako sa violus na nasa aking harap na ibinigay ko noon sa kaarawan ni Thorne pero nakita ko na lamang na itatapon ito ng isang katiwala kaya kinuha ko ito. Kaya eto ngayon, nakalapag sya sa may harap ng aking bintana habang pinagmamasdan ko.

Nakabalik na rin ako dito sa dating kwarto ko. Ako na ang nagdesisyon at hindi na hinintay pa kung gusto nya ba akong paalisin sa kwarto nya kasi ramdam ko naman ang galit at sama ng loob nya sa akin. Hindi ko na hihintayin pa na sya mismo ang magpaalis sa akin kaya nagkusa na ako.

Ramdam ko na tama lang ang ginawa ko kasi eto ang makakabuti sa lahat. Masasanay rin ako sa ganito tulad nang una naming pakikitungo sa isa't-isa.

" Kuya Alifer " rinig ko ang boses ni Stone sa aking likuran kaya mabilis kong pinunasan ang mga pisngi ko na nababahidan ng luha bago tumingin sa kanya.

" Bakit Stone? " ngumiti akong tumingin sa kanya. Lumapit sya sa akin at bigla akong niyakap. " May problema ba? " tanong ko sa kanya.

" Ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa ng Kuya ko " sabi nya na ipinagtataka ko.

" Anong ginawa ng Kuya mo? " tanong ko sa kanya kaya tumingin sya sa akin. Nakita ko ang pagluha ng mga mata nya kaya inaya ko syang umupo.

Nakahawak sa mga tuhod nya ang kanyang kamay habang nakayuko sya. " Kasi narinig ko na gagawin nyang vaiti si Ate Matilde. Dapat ikaw lang 'yon e. Dapat wala na syang ibang vaiti. Hindi rin pala sya naiiba sa mga nababasa kong kasaysayan ng mga Har na ginagamit lamang ang kanilang asawa sa pansariling kapakanan. Akala ko iba si Kuya Thorne pero hindi naman pala " saad nya.

" Huwag kang magsalita ng ganyan sa Kuya Thorne mo " sabi ko na ikinatingin nya sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya. " Ako mismo ang nagsabi sa Kuya Thorne mo na kailangan nyang magkaroon ng panibagong vaiti. Huwag kang magalit sa kanya kasi pakiramdam ko ay galit ka rin sa akin kasi desisyon ko 'yon " paliwanag ko sa kanya.

Kita ko sa reaksyon nya na hindi sya makapaniwala sa narinig nya. Pinunasan ko ang kanyang pisngi. " Balang araw maiintindihan mo rin ang nangyayari. Sa ngayon ay hindi ka dapat magalit sa Kuya mo at kahit kay Matilde. Wala namang magbabago dahil vaiti pa rin ako ng Kuya mo " ngiti ko sa kanya.

" Hindi mo kami iiwan? " tanong nya na ikinailing ko. " Pangako mo na hindi mo kami iiwan kahit kailan. Na dito ka lang sa tabi ko. Kasi ayaw kong mawala ka dahil ikaw ang pinakagusto kong Azula sa buong bayan " sa wakas ay ngumiti na sya.

Pinisil ko naman ang kanyang pisngi na madalas kong ginagawa. Sana ay huwag lumayo ang loob nya sa akin.

" Kuya Alifer, gusto mong sumama sa akin lumabas ng palasyo? Gusto ko kasing magtungo sa lawa upang magpinta " aya nito sa akin.

" Pasensya na Stone pero hindi ko ngayon gustong lumabas ng palasyo kaya baka sa susunod na araw na lang " sabi ko sa kanya na ikinalungkot nya. " Kung gusto mo ay igagawa na lang kita ng tinapay na lasang presa. Gusto mo ba 'yon? " bigla na syang ngumiti at galak na hinila ako palabas. Hilig talaga nya sa presa.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon