Ang Huling Kabanata

4K 168 27
                                    

Payapa ang paligid dito sa hardin kasama ang aking kapatid na may pinipinta na hindi ko naman alam kung ano ngunit seryoso siya. Ako naman ay abala sa pagbabasa ng mga aklat na may kinalaman sa aking sinasakupan.

Dito ko na lang pinili na manatili habang may inaayos sa aking tanggapan. Nakakapag-isip ako ng maayos dito dahil tahimik at banayag ang ihip ng hangin.

" Thorne! "

Isang sigaw ang nagpa-ingay sa paligid. Lumingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Nakita ko ang pinakamamahal kong nilalang na patungo sa akin. Mabilis itong yumakap sa akin sabay halik.

" Kumusta ang iyong paglalakbay? " tanong ko sa kaniya at iniligpit ang mga binabasa ko.

" Masaya dahil nakita ko ang mga iba naming kamag-anak. Inimbitahan ko rin sila sa ating kasal " ngiti nitong kuwento sa akin.

Hinawakan ko naman ang kaniyang pisngi at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Hindi ko aakalain na makikilala ko siya at mapapasaakin pa. Ano kaya ang mabuti kong ginawa sa una kong buhay upang mangyari sa akin ito?

Araw na lang ang binibilang namin para sa aming kasal. Kinakabahan ako at nananabik na dumating na ang araw na iyon. Kinakabahan dahil hindi ko alam kung may hindi pa magandang mangyayari bago dumating ang aming kasal. Hindi ko masasabi kung ano pa ang maaaring pagsubok ng tadhana para sa amin. Nananabik naman ako dahil maipapakilalala ko na siya sa lahat ng aking nasasakupan na siya ang Azulang pinakamamahal ko at mamahalin ko.

" Hoy, Thorne. Natulala ka naman. May mali ba sa mukha ko? May rumi ba? " tanong niya habang pinupunasan ng kamay niya ang kaniyang ang mukha.

Umiling lang ako. " Masaya lang ako na makita kang masaya, Arxel " sagot ko.

Naniwala naman siya sa sinabi ko. Nagkuwento pa siya tungkol sa mga kamag-anak niya na ngayon pa lang niya nakilala. Nakikinig lang ako sa kuwento at nagtatanong paminsan-minsan.

" Sa susunod ay ipapakilala kita sa kanila pati ikaw Stone " baling niya sa kapatid ko na abala pa rin sa pagpipinta na hindi siya pinansin.

Lumapit naman siya kay Stone at tiningnan ang ginagawa nito. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha kaya lumapit na rin ako. Kaming dalawa ni Arxel ang kaniyang ipinipinta. Nakaupo ako at siya ay nasa gilid ko. Sa likod ay makikita ang lawa pati na rin ang palubog na araw. Wala akong naalala na ipininta niya kami.

" Ito ang ireregalo ko sa inyo " sabi nito at bumaling sa amin na nakangiti. " Ang ganda 'di ba? " tanong niya.

" Oo. Ang galing-galing mo talaga " sagot agad ni Arxel at niyakap siya kaagad.

Muli kaming umupo sa kinauupuan namin kanina nang biglang ipatawag ni Alifer si Arxel. Umalis muli si Arxel kaya kaming dalawa muli ang nandito.

" Bakit Arxel lang ang tawag mo sa kaniya? Hindi ba dapat ay Vaiti ang kailangan mong itawag sa kaniya? " tanong ng kapatid ko na ikinangiti ko lamang.


◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆


Eto na ang araw ang pinakahinihintay ko. Nakikita ko na ang mga mahahalagang Azula sa buhay ni Arxel, ganon rin ako. Kita ko sa kanilang mukha ang pananabik rin na makita ang aking mapapangasawa.

" Huwag kang kabahan, Thorne. Hindi ka niya tatakbuhan " pagbibiro ni Kais ngunit hindi ko siya magantihan.

Hindi mawala sa akin na kabahan dahil sa pananabik. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon na sa wakas, ikakasal na kami.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon