Ikalawang Kabanata [IX]

3.7K 162 30
                                    

Ikasiyam na Kabanata


Paano ako makakatulog kung makayakap naman itong katabi ko halos ayaw na akong pahingahin.

" Puwede bang huwag mo akong yakapin ng mahigpit " sabi ko sa kaniya habang pinipilit na tanggalin ang braso niya sa bewang ko.

" Ang ibig bang sabihin puwede kitang yakapin nag hindi mahigpit " sagot niya sa akin.

Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang nakatalikod ako sa kaniya kung hindi nakita niya ang nahihiya kong mukha.

Huminga naman ako ng malalim at itinigil na ang pagpalag. Paano ko makakatakas kung dalawang braso niya ang nakayakap sa akin.

" Magiging ayos lang ba ang Kuya ko? " bigla kong tanong.

Kasi hindi ko alam ang nangyari sa kaniya. Kung ano ba ang ginawa niya kanina at bakit siya nawalan ng malay. Saka alalang-alala si Ms. Irish sa kaniya.

" Malakas ang Kuya mo kaya alam kong makakayanan niya ang pinagdadaanan niya ngayon " sagot niya.

Kapag siya nagsasalita, gumagaan ang pakiramdam ko kasi parang totoo ang sinabi niya lahat.

Naramdaman ko naman bigla ang paghalik niya sa ulunan ko. " Matulog na tayo " inaantok niya sabi at mas lalong hinigpitan pa ang yakap sa akin.

Ipinikit ko na lamang rin ang aking mata upang makatulog na. Matagal na rin ang huling yakap ko sa kaniya habang natutulog kami.


-

Naimulat ko ang aking mata dahil sa liwanag na tumatama sa aking mata. Umupo ako sa kama at ininat ang aking braso nang maalala ko ang nangyari.

Inilibot ko ang aking paningin. Hindi panaginip na magkatabi kami sa pagtulog. At totoo rin ang nangyari sa Kuya ko. Kailangan kong malaman ang kalalagayan niya.

Bumaba ako sa kama saka nagtungo sa pintuan. Binuksan ko ang pinto na agad bumungad ang isang hindi katandaang babae. May pagkasopistikada pa nga ang kaniyang kasuotan.

" Sino po ang hanap niyo? " agad kong tanong. Ngayon ko lang siya nakita.

" Si Har Thorne ang gusto kong makita. Nasaan siya? " tanong niya sabay hawi sa akin at pumasok sa loob ng silid ni Thorne.

Sinundan ko naman siya. " Pasensya na po ngunit hindi po gusto ni Har na may ibang pumapasok sa kaniyang kuwarto " saad ko na ikinaharap niya habang nakataas ang kilay.

" Iba? Hindi ako iba kay Thorne. Isa ako sa mga vaiti ng dating Har Kasius " sagot niya na ikinanlaki ng mata ko.

" Pasensya po " mabilis akong yumuko bilang paggalang.


-

Mahinhin ang paghigop niya sa kaniyang tsaa. Tila kumikintab rin ang balat niya dahil sa pagtama ng liwanag sa kaniyang balat. Napakaganda niya na tila isa siyang buhay na manika.

" Hindi ko aakalain na ikaw ang tipo ni Thorne " ibinaba niya ang tasa habang nakatingin sa akin. " At mukhang nilagyan ka na niya ng marka " tingin niya sa leeg ko kaya napahawak ako dito.

Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kaniya dahil baka hindi niya maintindihan ang nangyayari. Siguradong may dahilan siya kung bakit siya nandito.

" Tawagin mo siya " utos niya kaya tumayo na ako. " Saan ka pupunta? " tanong niya.

" Tatawagin ko po siya " sagot ko. 

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon