Unang Kabanata
" Arxel, yari tayo kay Raxer Alifer kapag nalaman niyang nagtungo tayo sa lugar na ito "
" Huwag kang mag-aalala, Misi. Hindi naman niya malalaman kung walang magsasabi sa ating tatlo na nagtutungo tayo dito "
" Arxel, nahanap ko na ang pinapahanap mo "
" Ang galing mo talaga, Drej. Halika na, bayaran na natin "
" Salamat. Bumalik uli kayo suki "
Ngiti kaming nagpaalam sa matandang tindera ng mga tsaa bago kami lumabas sa kaniyang tindahan. Napainat ako ng aking kamay ng makita ko ang dami ng taong hindi magkamayaw sa dami ng mga bilihin.
" Umuwi na tayo, Arxel" pangungulit ni Misi sa akin.
" Mamaya na. May kailangan pa akong bilhin sa tindahan na 'yon. Pangako, huli na 'to " saad ko.
Wala na siyang nagawa kung hindi sumang-ayon sa gusto ko. Inayos ko ang telang tumatakip sa aking mukha. Hindi naman ako pinagtitinginan dahil natural na sa kanila na may mga Azulang nagtatakip ng mukha. Madalas inaaakala nilang mahaharlika ang mga nagtatakip ng mukha.
"Ano naman ang gagawin natin dito sa bilihan ng mga bulaklak? " tanong ni Drej.
" Baka bibili ng pagkain " pamimilosopo kong sagot na ikinasimangot niya. " Natural bibili ng bulaklak. Idadagdag ko sa aking mga tanim " nakangiti kong sagot.
" Tuloy po kayo " pinagbuksan kami ng tagabantay ng tindahana kaya pumasok na kami.
Nagkanya-kanya kami ng hanap. Si Misi ay nagtungo sa kaliwang bahagi ng tindahan, si Drej naman ay sa labas ng tindahan at ako naman ay dito sa may gitna. Nakikita ko ang iba't ibang uri ng kulay ng mga rosas. May asul, pula, puti ngunit tumawag ng aking pansin ang kulay kahel ng rosas.
" Nandito na si Har Kasius upang bumili ng bulaklak para sa pagtatapos ng kaniyang kapatid "
" Ang ganda naman " mangha kong sabi habang nakatingala sa rosas na iyon.
Hindi ko abot dahil mataas ang pinaglalagyan. May nakita naman akong tungtungan kaya kinuha ko ito at dito tumingkayad ngunit hindi ko pa rin abot. Nahahawakan lamang ng daliri ko ang paso ngunit hindi sapat para mahawakan ko ng maigi ang paso.
" Kailangan kitang... " tinodo ko na ang pagtingkayad ko. " makuhaaahhh! " dumulas ang kamay ko sa hinahawakan kong bakal at sumabit sa isang nakausling alambre ang tela na bumabalot sa aking mukha.
" Hala, ayos ka lang ba? " narinig ko ang boses ng tindera.
Napahawak ako sa paa ko dahil ramdam ko ang pananakit nito. Napansin ko rin ang ilang pasong nabasag dahil sa pagkaalog ng lalagyanan nila.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasySi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...