Ikalawang Yugto [XIII]

3.5K 155 14
                                    

Ikalabintatlong Kabanata

Ikalabintatlong Kabanata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Niyayakap ko na ang ilang bata mula sa aking lahi. Ramdam na ramdam ko ang takot nila dahil na rin sa ingay na nagmumula sa labas ng palasyo.

" Bakit hindi pa mamatay 'yang mga tettares na 'yan?! Perwisyo at kapahamakan lang ang dala nila sa ating bayan " isang matandang babae ang galit na galit na tumayo.

" Hindi naman lahat ng tettares ay masama " nagsalita na ang ama ni Misi.

" Anong hindi masama? Ang rami na nilang pinatay na ordinaryong Azula. Hindi pa ba sapat iyon para sabihing masama silang nilalang " ang isa naman ang nagsalita.

Hindi na nagsalita pa ang tatay ni Misi. Pinagmasdan ko ang aking mga kalahi na nasaktan sa sinabi ng dalawa pati na rin ang bulungan nila kung gaano kasama ang mga tettares.

" Hindi lahat sila masama " napatingin ako sa isang bata. Kung hindi ako nagkakamali siya ang nagbigay ng tinapay na hugis puso.

" Anak, hindi ka dapat sumabat sa usapan ng mga matatanda " saad ng kaniyang ina.

Sumimangot ang bata. " Totoo naman ang aking sinasabi. Alam ni Itay na isang tettares ang nagligtas sa amin nang gabing 'yon. Bakit ayaw mong maniwala, inay? " naiiyak na tanong ng bata.

Napangiti naman ako kahit isa lang na maniwala sa kanila na mabuti kami ay laking galak na iyon para sa amin.

" Kuya Arxel, si inay at ang aking itay? Magiging ligtas ba sila? " tanong ng isang batang nakayakap sa akin.

Ang ilang ceta ay tumulong rin na makipaglaban sa labas ng palasyo. Wala akong alam sa nangyayari na.

Nginitian ko siya. " Magiging ligtas ang magulang mo hangga't nandiyan si Kuya Alifer " sagot ko sa kaniya.

Hinagod ko ang kaniyang likod upang mapakalma siya ngunit isang sandali lang ay may malakas na tumama sa pader na nagpabutas dito. Nakita namin ang isang om na dinadaganan ang isa pang om. Tumayo kami at lahat ay gumilid.

" Ms. I-Irish? "

Pinaluputan ang katawan niya na tila isang malaking ahas. Kita ko na nasasaktan siya sa ginagawa ng om.

Hindi ko magawang tulungan siya dahil natatakot ako na wala akong magawa o mas maging dahilan pa ng kapahamakan pa niya.

" Bitawan mo siya " naglakad ang ama ni Misi patungo sa labanan.

Ang kaniyang kamay ay tila nagiging matalim na espada.

" I-isa rin siyang tettares " takot na saad ng mga ordinaryong Azula.

" Waaahhhh! " napalingon ako sa sumigaw.

Isang om na may mga galamay ang kumuha sa isang babae. Nakapalupot ang galamay niya sa bewang ng babae na pilit pumapalag.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon