Lahat ay abala sa paghahanda ng mga kinakailangang gamitin. Hindi magkaundaugaga ang katiwala sa palasyo sa pag-aayos ng mga kagamitan. Samantalang ako nandito nanonood lang sa kanila kahit gusto kong tumulong. Mahigpit kasing pinagbawal ni Har Kvasir na huwag akong hayaang tumulong o mangialam sa mga gawain nila." Master Alifer, huwag nyo pong mamasamain ang aking sasabihin. Maaari po bang umalis muna po kayo dito dahil baka marumihan po kayo sa mga nililinis na bintana at kisame. " saad ni Aylin.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon at lumabas ng palasyo. Bukas ay kaarawan na ni Har Kvasir. Alam ko na hindi lang ang palasyo ang naghahanda para sa okasyong ito kung hindi lahat ng Azula na makikiisa sa pagdiriwang. Bukas lahat sa mamamayan ang palasyo bukas upang dumalo sa pagsasaya.
Nagtungo ako sa Hardin Glaes. Hindi ko nakita si Alere sa loob kaya dumiretso na akong pumasok at nagtungo sa pinakaborito kong bulaklak ngunit nakakagulat ang aking nakita.
" Alere Romana! " sigaw ko sa nangangasiwa dito sa hardin. " Alere Romana! " muli kong sigaw. Kailangan nyang makita ito.
Napagpasyahan kong lumabas ngunit sakto namang pagpasok ni Alere na may dala-dalang pataba.
" Kailangan nyong makita ang bulaklak ng violus " sabik kong hinila sya patungo sa may halaman.
Nakita namin kaagad ang kagandahan ng bulaklak. Ang kulay asul at itim nitong mga talulot na napakaganda sa paningin at nakakahalimuyak ang tinataglay nitong bango. Para bang ulap ang nasa harap namin.
" Sabi ko sa inyo mamumulaklak 'yan " pagmamalaki kong sabi. Syempre ako ang nagdidilig at naglalagay ng pataba sa kanya araw-araw. Kinakausap ko pa 'yan kapag wala akong makausap.
" Nakakamangha " tanging sabi ni Alere na nakatingin sa akin.
" Nakakamangha po talaga ang ganda ng bulaklak " ngiti ko sa kanya.
" Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nakakamangha dahil napabulaklak mo ang bulaklak na limang taon ng hindi pinapakita ang ganda nito. Sa tingin ko ay nagustuhan ka ng mga bulaklak at naramdaman nila sa'yo ang pag-aalaga tulad ng kay vaiti Laura " sabi ni Alere Romana.
Napangiti ako sa sinabi nya. " Maaari po ba akong kumuha ng halamang ito upang iregalo kay Har Kvasir? Hanggang ngayon po kasi ay wala akong maisip na ibibigay sa kanya " pagpaalam ko.
" Ikaw na ang nagmamay-ari ng bulaklak na 'yan kaya gawin mo ang gusto mo. Isa pa kung iyan ang ireregalo mo ay sinabi mo na ring tapat kang nagmamahal kay Har Kvasir kaya matutuwa sya " ngiti nyang pagsang-ayon kaya mas lalo akong nagalak sa sinabi nya.
Pinagmasdan ko lang ang bulaklak hanggang sa may katiwalang nagsundo sa akin upang isukat ko ang damit na gagamitin ko para bukas. Nandoon rin si Har Kvasir na mukhang hinihintay ang pagdating ko kaya kaagad akong lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasySi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...