Ikatlong Kabanata
Pagkapasok namin sa dati kong tinutuluyan na kwarto, dumiretso siya sa lamesa na pinagpapatungan ng mga kagamitan ko noon. Inusog niya ito at may kinapa doon. Isang saglit lang ay nahati ang pader sa dalawa na ikinabigla ko." Dito kami madalas nagpapalipas ng oras ng ama mo noon ng kabataan namin " ngiting pagkukwento niya. " Matalik kong kaibigan ang iyong ama " ikinanuot ng noo ko ang sinabi niya.
Pumasok kami sa loob na kusang nagkaroon ng ilaw. Sobra akong namangha sa aking nakita-- nagtataasang mga silid-aklatan na punong puno ng mga aklat. Hindi ko aakalain na mayroong ganito sa loob ng aking silid noon.
" Dito ang pinakagustong puwesto ng iyong ama habang nagbabasa ng aklat " lapit niya sa isang malambot na upuan na kulay asul.
Umupo ako doon at naramdaman ko kaagad na masarap nga itong upuan. Ang dating Har Kasius naman ay umupo sa kulay pulang upuan na kaharap lang ng akin.
" Matalik kaming magkaibigan ng iyong ama. Lagi kaming magkasama kahit saan man mapunta kasi ang kasabihan namin noon ' walang iwanan! ' Kahit pa naging Har ako noon ay hindi nagbago ang aming pagtuturingan. Hindi lang matalik na kaibigan ang turingan namin kung hindi magkapatid na. " saad niya habang napapangiti pa na tila inaaalala ang panahon na magkasama sila ng aking ama.
" Naalala ko pa nga noon sa tuwing may babaeng ipinapakilala sa akin bilang vaiti ko ay nandoon ang ama mo para siya ang kumilatis. Ilan na ang naging vaiti ko ngunit siya ay wala pang nagiging nobya kaya minsan niloloko ko siya na hindi na siya magkakaroon pa ng anak upang ikalat ang kanyang lahi.
" Ngunit ang ama mo, hindi ko inaasahan na iibig siya sa azulang hindi dapat niyang ibigin. Dati akong pinuno ng hincer at siya rin ay isang hincer. Pagpapaslang ang ginagawa namin pero ang ama mo ay iniligtas ang isang tettares, ang unang babaeng nagpatibok sa kaniyang puso, si Ferlin.
" Inalagaan at minahal niya si Ferlin. Tumutol ako sa ginawa niya pero ano ang magagawa ko, buo na ang desisyon ng iyong ama at iyon ang pinakamahirap baguhin kaya sumang-ayon na ako. Tinulungan ko sila upang makapagtago at ilihim na rin ang lahat. Ngunit lahat ng sikreto ay nabubunyag.
" Nalaman ng cuncilum ang lahat. Tinangkaan nila ang buhay ng pamilya ko kaya wala akong nagawa. Labag man sa loob ko, itinuro ko ang pinagtataguan ng ama mo. Ako mismo ang pumaslang sa kanilang dalawa dahil iyon ang gusto nila ngunit hindi ko kayo hinayaan. Tinulungan kong makalayo kayo sa mga cuncilum. Ang nakatatandang kapatid mo ay ipinadala ko sa pamilyang Talin ngunit noong binisita ko siya ay bigla na lamang siya naglaho at hindi na namin mahanap.
Ikaw naman ay hindi namin alam kung saan napadpad pero nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong buhay ka. Kahit papaano ay nabunutan ako ng isang tinik sa aking dibdib "
Ang ibig sabihin ay walang kinalaman ang mga Kvasir sa tunay na pagkamatay ng aking magulang.
" Hindi ko kaagad ito naikuwento sa iyong kapatid dahil na rin naging iwas siya sa akin at bigla na lamang nawala. " napatingin ako sa dating Har.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasySi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...