Kinaumagahan ay hindi ko na nakita si Har Kvasir sa aking tabi. Lumabas ako ng aming kwarto na saktong nakasalubong ko si Aylin.
" Nasaan si Har Kvasir? " tanong ko.
" Hindi ko po alam " sagot nya at nagpatuloy sa paglalakad. " Pero narinig ko po na tutungo sya sa pamilyang Asthor para imbistigahan ang nangyari sa inyo kahapon " sabi ni Aylin bago tuluyang umalis.
Hindi naman nya kailangan mag-imbistiga pa sa nangyari sa akin. Wala na akong sugat dahil napagaling ng dugo nya ang lahat na natamo ko tapos ang gaan pa ng pakiramdam ko ngayon.
Pero kung tutuusin ay hindi ito ang unang pagkakataon na may magtangka sa buhay ko. Ang una ay sa may ilog tapos naman ngayon. Bakit nila ako gustong saktan? Saka sino naman ang gustong manakit sa akin?
Dahil ako ba ang vaiti kaya gusto nilang mawala ako at magdalamhati ang Har pero napakababaw naman na dahilan iyon para kitilin nila ang buhay ko.
Hindi na lang ako nag-isip pa dahil ayaw kong masira ang aking araw. Dumiretso ako sa kusina upang kumain na. Tinanghali na rin ako ng gising kaya wala akong makakasabay sa pagkain. Ano kaya ang magandang gawin para sa araw na ito?
⏭️
" Hindi ka ba nangangawit na nakatayo lang kayo dito? " tanong ko sa mga kawal na nagbabantay sa labas ng palasyo.
" Buong gabi ba kayo dito nagbabantay o may pumapalit sa inyo? " muli kong tanong sa kanila pero hindi naman sila sumasagot.
Napabuntong hininga ako dahil wala akong magawa sa araw na ito. Nilayasan ko na ang mga kawal at naglakad-lakad sa paligid kung saan napadpad ako sa may lawa. Humiga ako sa damuhan at tumingin sa kalangitan na mapayapa. Nakakaantok ang simoy ng hangin at mapayapang kapaligiran.
⏮️
" Huwag kang malikot Kuya. Baka makita tayo nila Mama't Papa na nagtago dito sa loob ng aparador "
" Hindi nga ako naglilikot. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? "
" Hindi ko alam. Hala, bakit umiiyak si Mama? "
" Halika puntahan natin sila " hinawakan ni Kuya ang kamay ko upang lumabas sa loob ng aparador ngunit bago namin mabuksan ang pintuan ay may malakas na kalabog kaming narinig kaya umayos muli kami.
Sumilip kami sa maliit na butas upang makita ang nangyayari sa labas. Nakita ko ang pagsakal ng isang lalaki sa leeg ng aking ina samantalang ang aking ama ay hawak ng dalawang kalalakihan.
" Mahmmm " tinakpan ni Kuya ang bibig ko.
" Huwag kang maingay. Makikita nila tayo " utos ni Kuya sa akin.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasySi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...