Ikalawang Kabanata
Masaya ang mga azulang nasa paligid. May nagsasayawan sa gitna, may nag-iinuman at mga kumakain. Ngayon ang kaarawan ni Kuya Alifer kaya naman pinaghandaan ng mga kalahi namin ang araw na ito.
" Sa araw na ito, may gusto akong ipaalam sa inyo na isang mahalagang anunsyo. Sa tingin ko ito na ang tamang panahon. "
Umayos ako ng upo at humarap kay Kuya na ngayon ay nagsasalita sa gitna. Lahat nakatuon ang pansin sa bawat salitang binibitawan niya.
" Susugod tayo bukas ng gabi sa kaarawan ng nakababatang kapatid ni Kvasir. Sa tulong ng mga om, sila na ang bahala sa mga kawal ng palasyo samantalang tayong mga ceta ay bahala sa ibang Azula. Patayin niyo ang lahat ng puwedeng paslangin "
Ayaw ko ng marinig pa ang lahat kaya tumayo na ako at pumasok sa mansyon. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig dahil pakiramdam ko nanuyot ang lalamunan ko sa narinig ko.
" Gusto mo bang tumuloy bukas? " napatingin ako sa nagsalita.
" Alam mo ba ang lahat ng gagawin ni Kuya? " tanong ko kay Ms. Irish.
" Oo " tipid niyang sagot.
" Ngunit bakit ka sumang-ayon sa mga gagawin niya?! Pigilan mo siya, Ms. Irish. Hindi tama ang gagawin niya " pakikiusap ko sa kaniya.
" Hindi ko kaya Arxel. Buo na ang desisyon ng kuya mo kaya wala ng makapipigil sa kaniya. " nababanaagan ang lungkot sa kaniyang boses.
" Ngunit sa gagawin niya ay maraming mapapahamak. Ang akala ko sapat na sumama ako sa kaniya at magkasama kami ngunit sa sinabi niya, may mas ninanais pa siya kaysa sa akin. Ms. Irish, ano ba ang nangyayari kay Kuya? " lumapit na ako kay Ms. Irish, hawak ko ang mga kamay niya.
" Tahimik na naman tayo. Payapa na ang ating lahi bakit kailangan pa niyang sugudin ang palasyo upang pumaslang. Akala ko hindi na siya kikitil ng buhay " saad ko habang patuloy na bumabagsak ang luha sa aking mata.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Ms. Irish. Masaya na kami sa lugar na 'to. Ano pa ba ang kulang sa kaniya? Akala ko tapos na ang paghihiganti niya.
" Kung alam mo lang, Arxel. Kung alam mo lang "
⏭️
Hindi ko kayang makita si Kuya Arxel. Mabuti na lamang ay aalis siya sa araw na ito upang paghandaan ang pagsugod nila sa kaarawan ni Stone mamayang gabi.
" Pupunta ka na naman ng bayan? Hindi ka ba natatakot na mahuli kang muli ni Raxer Alifer " nag-aalalang sabi ni Drej ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad sa kagubatan.
" Oo nga! Ano pa bang gagawin mo doon? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Raxer Alifer kagabi na kailangan nating bantayan ang ating lugar habang wala sila " saad ni Misi kaya napahinto ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasySi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...