Napakasungit naman pala ng batang iyon! Manang-mana sya sa kapatid nyang si Har Kvasir.Sinubukan ko syang batiin tuwing umaga at kanina ring umaga dahil wala namang pasok sya ngayon. Nalaman ko iyon kay Aylin dahil sya pala ang tagapangalaga nito.
" Magandang umaga Stone "
" Walang maganda sa umaga kung ikaw ang makikita ko "
Hindi lang iyan ang pagmamasungit na ginawa nya sa akin.
" Gusto mo bang kumaing kasabay ko? "
" Mawawalan ako ng gana kung ikaw ang kasabay ko "
Nakakamangha ang pag-uugali nya. Syempre hindi pa rin ako sumuko pagdating ng kinahapunan.
" Gusto mo bang tulungan kita sa mga takdang aralin mo? "
" Huwag na. Maliin mo pa ako "
Suko na ako!
Akala ko mapapadali ang panunuyo ko sa kanya dahil limang taon pa lang naman sya pero hindi naman pala. Ang sungit nyang bata. Parang sya si Alifer kung umasta. Kaya pala hindi sila nagpapansinan dahil pareho lang ang ugali nilang dalawa. Panlalait lang ang magagawa nila kung mag-uusap sila.
Ilang araw na ba akong nananatili dito? Hindi ko na mabiling dahil hindi sa dami, kung hindi dahil sa pakiramdam ko sa sobrang bagot ko dito ay sobrang haba na akong nakatira sa palasyong ito. Hindi pa nga ako nakakalabas ng palasyo dahil sa tuwing tatapak pa lamang ako sa may harap ng pinto ay may nakaharang na agad na bakal na sa dulo ay may talim na gamit ng mga kawal.
Bakit ba ayaw nya akong palabasin dito?
Hindi naman ako makapagreklamo dahil natatakot akong magtanong o magsalita man lang sa harap ni Har Kvasir. Hindi ko pa nga nasusubukang magsama kaming kumain sa hapagkainan. Kapag nagkakasalubong kami dito sa palapag na ito, iniiwasan ko kaagad sya. Isang kwarto lang naman ang pagitan namin kaso natatakot talaga ako. Bakit kasi hindi ibinigay ni Alifer ang lakas ng loob nya?
Huminga muli ako ng malalim at nagtungo sa may bintana upang silipin ang kalangitan. Kulay kahel na hudyat na maggagabi na. Nakakapanghinayang dahil wala akong ginawa para sa araw na ito at hindi ko man lang nagamit na may kabuluhan. Mas gugustuhin ko pang maglinis ng buong palasyo kaysa magkulong dito sa kwarto.
Naibaba ko ang tingin ko ng may marinig akong pagbusina ng kotse. May nakita akong itim na kotse na kung hindi ako magkakamali ay sasakyan ni Har Kvasir. Tama nga dahil lumabas sya sa kotse na agad sinalubong ni Stone habang nakangiti.
Habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko namalayan na nakatingin na sa kinaroroonan ko si Har Kvasir kaya kaagad akong nagtago sa likod ng aking kurtina. Napahawak ako sa aking puso dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso sa bigla ng makita ko syang nakatingin ang matatalim nyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasySi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...