Ikalabindalawang Kabanata
Pinagmamasdan ko siya habang natutulog. Ang payapa ng kaniyang mukha at ang himbing ng tulog. Kahit anong gawin ko ay hindi siya nagigising.
Hinalikan kong muli siya sa kaniyang labi. " Mamayang gabi na ang pagdiriwang ng iyong kaarawan. Mula nang matulog ka ay wala pa naman nangyayaring hindi maganda kaya panatag ang loob ko. Marami ring nagbabantay ng mga hincer sa paligid ng palasyo. Abala si Kais kasi mukhang sa kaniya mo pinagkatiwala ang pagkakaroon ng ayos sa palasyo. " kuwento ko sa kaniya.
Mula nang matulog siya, araw-araw ko siyang pinupuntahan dito sa kaniyang silid. Ako na rin ang nag-aasikaso sa kaniya ng mga dapat gawin tulad ng paglilinis o pagpapalit ng damit niya.
" Si Stone ay naghahanda na rin sa iyong kaarawan. Tinatanong niya ang dating Har kung paano bumati sa mga mga Azula dahil sa kaniya mo daw hinabilin ang pagbati ng mga bisita. Tapos sina Kuya Alifer at Ms. Irish ay abala rin sa pagtulong sa mga hincer pati na rin sa paghahanda " hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumakip sa kaniyang mata ng humangin nang malakas.
" Gusto na kitang makitang nakangiti " saad ko sabay halik sa kaniyang noo.
May kumatok naman sa pinto. " Master Arxel, pinapatawag na po kayo ni Raxer Alifer upang kumain at makapaghanda na para mamayang gabi " rinig kong sabi ni Ms. Irish.
" Babalik ako mamaya upang kuwentuhan ka " paalam ko kay Thorne at lumabas na.
Sumunod ako sa paglalakad ni Ms. Irish. Napansin ko na may pagbabago sa kaniya lalo na sa pakikitungo sa akin dahil nagiging iwas siya sa akin at hindi siya makatingin ng direkta.
" Ms. Irish " tawag ko sa kaniyang pangalan. Napansin ko ang pagpitlag ng kaniyang balikat dahil na rin sa gulat ng banggitin ko ang pangalan niya. Pero bakit naman siya magugulat?
" Bakit Master Arxel? " tanong niya sa akin na patuloy sa paglalakad.
" Pakiramdam ko ay may hindi ako magandang ginawa dahil sa pakikitungo mo sa akin. Bakit ka natatakot sa akin? " tanong ko.
Tumawa naman siya na halata namang pilit. " Hindi ako natatakot sa'yo. Siguro ay pagod lang ako nang mga nakaraang araw " sagot niya.
Hindi na ako nagsalita pa kasi ayaw kong sabihin na hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Malakas ang kutob na may itinatago siya sa akin kung kaya nagkakaganito siya.
Tahimik na lang akong sumunod sa kaniya. Kapansin-pansin ang mga palamuti sa aking dinaraanan para sa kaarawan ni Thorne.
" Magandang araw po " bati namin ng makasalubong namin ang dating Har Kvasir.
Ngumiti naman ito sa amin. " Magandang araw rin. Namalagi ka na naman ba sa silid ni Thorne? Baka mapilitang bumangon 'yon ng wala sa oras " pagbibiro ng dating Har.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasiaSi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...