Ikasumpung Kabanata
Irish's
Pinaluputan ni Raxer Alifer ang mga pulsuhan ni Arxel saka idinikit sa pader. Kita ko sa mga mata niya na labag ang kaniyang ginagawa ngunit sa pagkakataong ito, wala ng ibang paraan kung hindi kuhanin niya ang bagay na sa kaniya talaga.
Sobra-sobra na ang ginagawa niya para sa kapatid niya. Puro na lang Arxel ang nasa isip niya kaya pati ang sarili niyang buhay ay napapabayaan na. Ilang beses ko na ba siyang pinagsabihan na hindi lang si Arxel ang buhay niya? Napakarami na ngunit ayaw niya akong pakinggan.
" Hindi ba delikado ang ginagawa niya? " tanong ng isa sa magkapatid na Hincer. Kung hindi ako nagkakamali ay Matilde ang kaniyang pangalan.
Nandito sila upang tulungan ako kung ano man ang mangyayari matapos makuha ni Raxer Alifer ang julpo niya. Tunay na malakas ang kapangyarihan ng ama niyang si Yuve kaya makakasigurado akong ganon rin siya.
" Delikado ngunit wala ng ibang paraan. Kung hindi niya gagawin ang paraan na ito ay maaari siyang mamatay " sagot ko sa tanong niya.
" Hindi ko kaya, Arxel "
Sa muling pagkakataon, umiyak na naman siya dahil sa kapatid niya. Napapanghinaan na siya ng loob.
" Kuya Alifer, lahat 'di ba ng gusto ko ay gagawin mo? " nagsalita si Arxel habang nakangiti. " Gawin mo na " utos niya sa sarili niyang kapatid.
Bakit kaya nangyayari ito sa magkapatid? Ang lupit ng tadhana sa kanila.
Umayos muli si Raxer Alifer. Lumapit na siya kay Arxel. Ipinikit niya na ang kaniyang mata hudyat na magsisimula na siya. Mula sa ibaba ng kinatatayuan nila ay nagliwanag ang sahig. Itinapat na niya ang kamay sa dibdib ni Arxel kung saan nakalagay ang julpo niya.
" Patawarin mo ako " saad ni Raxer Alifer.
" Ako dapat Kuya ang humingi ng tawad sa'yo " ngumiti si Arxel sa kapatid.
Bumaon na ang kamay niya sa dibdib ng kapatid. Kita namin ang pagsuka ng dugo ni Arxel. Ilang sandali lang ay inalis na ni Alifer ang kanyang kamay na hawak na ang bagay na nawala sa kaniya.
Nabitawan ni Raxer Alifer ang hawak niya at napaluhod sa sahig. Ang mga ugat niya ay nagkukulay itim na kaya ang ibig sabihin malapit na sa puso ang lason. Nawalan naman ng malay si Arxel.
" Huwag mong hahawakan 'yan! " sigaw ko ng mapansin ko si Kais na pupulutin ang julpo na gumulong sa kaniyang paa.
Nilapitan ko si Raxer Alifer. " Ibalik na natin kay Arxel ang julpo " iyak niya habang nakahawak sa balikat ko.
" Hindi na siya humihinga " napatingin kami kay Matilde. " Wala na rin siyang pulso " dagdag pa niya.
" Nakikiusap ako. Ibalik na natin sa kaniya " saad ni Raxer at gumapang patungo sa kaniyang julpo at pinulot ito.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasySi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...