Ikalawang Yugto [ VI ]

3.5K 151 7
                                    

Ika-anim na Kabanata

" Sinusugod ng mga tettares ang bayan ng Arua "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


" Sinusugod ng mga tettares ang bayan ng Arua "

Mahina lang ang boses ng kawal ngunit narinig ko pa rin ito dahil malapit lamang kami kay Kais at Matilde. Nandito pa rin kami sa silid kung saan kami namamalagi.

" Ngunit may isang azulang lumaban sa kanila " manghang dagdag pa ng kawal.

" Tinalo niya ang lahat ng tettares? " tanong ni Matilde.

" Opo. Nakasuot siya ng gintong kalasag at mga kadena ang kaniyang sandata. Isang hampas lang ng kaniyang sandata ay namamatay o di kaya'y nagiging abo ang mga tettares. " kuwento niya sa kaniyang nakita.

Gintong kalasag at kadena? Hindi kaya...

" Si Raxer Alifer ang iyong tinutukoy " napatingin ako sa ama ni Misi.

Hindi ko alam kung paano niya narinig ang usapan ng tatlo dahil nasa dulo siya ng silid. Napatingin tuloy sa kaniya 'yung tatlo. Hindi na nagsalita pa sila at umalis na nga pero may dalawang hincer ang pumalit sa kanila na na pumwesto sa magkabilang gilid ng pintuan.

Napasandal naman ako sa pader at pumikit. Ano bang nangyayari kay Kuya? Alam naman niyang hindi pa siya lubusang gumagaling ngunit lumalaban siya ngayon.

" Magandang gabi, Har Kvasir "

Awtomatikong dumilat ang aking mata at tumingin sa may pinto. Nakatingin siya sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin at yumuko. Hindi ako mapakali dito sa inuupuan ko dahil ramdam ko na papalit siya sa akin.

" Maayos na ba ang pakiramdam mo? " tanong niya na nasa harap ko na.

Ayaw kong tumingin. Baka hindi naman ako ang kinakausap niya. Tama! Kausap niya ang katabi ko. Teka? Wala naman akong katabi.

" Nagugutom ka na ba? " muli niyang tanong.

Huminga naman ako ng malalim saka tumayo. Tumingin naman ako sa mga kasamahan ko na nagtatakang nakatingin sa amin.

" Nagugutom na ba kayo? " tanong ko sa kanila.

Nagtitinginan sila sa isa't-isa kaya nilakihan ko sila ng mata. " Nagugutom na ba kayo? " sabay ngiti ko na tila nagbabanta.

" O-opo? " sagot nila.

" Nagugutom na daw sila " sagot ko sa kaniya.

Nakasanayan ko na nakatingin lang siya sa akin na tila ba na hindi nagustuhan ang ginawa ko. Sanay na ako.

" Sabihin na ipaghanda ng makakain ang ating mga bisita " sabi niya sa hincer na agad naman na lumabas.

" At ikaw, tumulong ka sa paghahanda " sabi niya na ikinanganga ko.

" Ayaw ko nga! " agad kong sagot sa kaniya.

" Har ako ng lahing Azula ngunit ganiyan mo lamang suwayin ang aking utos. Alam mo ba ang katumbas ng pagsuway mo sa utos ng isang har? " seryoso ang kaniyang boses kaya kinakabahan ako kasi iba na ang tono.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon