XVII - Si Heather sa . . .

4.5K 187 29
                                    

Thorne's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thorne's

" Malayo ba ang pupuntahan mo? Hindi ba pwede talaga akong sumama? Pwede naman akong lumiban sa klase ko para samahan kita " hawak-hawak ni Stone ang laylayan ng damit ng aking vaiti.

Lumuhod naman sya upang mapantayan si Stone. Tulad ng madalas na ginagawa nya, pinisil nya ang pisngi ni Stone habang tumatawa. Kung hindi lang sya aalis ay magagawa kong tumawa rin dahil sa nakasimangot na mukha ni Stone.

" Babalik rin ako " sagot nya saka tumayo.

" Mag-iingat po kayo " salita namin ni Aylin kaya yumakap sya dito.

" Hindi na kita maihahatid pero kailangan mong umuwi sa pamilya mo. Bumili ka ng magandang regalo sa iyong ina pati na rin sa mga kapatid mo. Siguradong mas lalo silang matutuwa " paalala pa nya.

Tumingin naman sya sa akin saka lumapit. " Mag-iingat ka palagi. Huwag mo masyadong papagurin ang sarili mo. Kumain ka sa tamang oras. Iingatan mo ang sarili mo " bilin nya sa akin.

" Oo. Ikaw rin " sagot ko saka hinalikan sya sa labi. Huling halik ko na ito sa kanya kaya susulitin ko na dahil hindi ko na alam kung kailan ko uli sya mahahalikan.

" Ehem! " napatigil kami ng marinig namin ang pagtikhim ni Papa kaya niyakap ko na sya.

" Mag-iingat ka. Hihintayin kita " saad ko sa kanya na ikinatango nya.

Sumakay na sya sa karwaheng naghihintay sa kanya kung nasaan rin si Kais na syang maghahatid sa mga tettares. Hindi ko alam kung paano nya nakausap sila dahil ang importante sa akin ay mapagaling sya.

Pinagmasdan ko ang pag-alis nila hanggang sa hindi ko na makita ang karwahe. Napahinga ako ng malalim.

" Laging tumutupad sa pangako si Kuya Alifer kaya alam ko na babalik sya sa atin. " napayuko ako upang tingnan si Stone. " Hindi ko pa pala tapos ang pinapapinta mo sa akin " mabilis syang pumasok sa loob

" Huwag kang mag-alala anak, alam kong hindi ka nya kakalimutan " tapik ni Papa sa aking balikat saka sumunod kay Stone.

" Tama po 'yon Har Thorne. Lagi nya pong sinasabi kung gaano sya kaswerte sa inyo kaya babalik sya sa atin " saad ni Aylin.

Ngumiti ako sa sinabi nya. Pumasok na rin ako sa loob upang simulan na ang aking trabaho.

⏭️

Heather's

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang bawat punong nadadaanan namin. Ramdam ko ang tingin ni Kais sa akin.

" Bakit mo ito ginagawa? " tanong ko sa kanya na hindi sya pinagkaabalahang tingnan.

" Hindi ko ito ginagawa upang tulungan ka o ang kalahi mo. Kaibigan ko si Thorne kaya kahit labag man sa loob ko ang pagtulong sa isang katulad mo wala akong magagawa " sagot nya.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon