Hindi ako makatulog dahil sa mga pinagsasabi ni Alifer. Napaupo ako sa aking higaan at tumingin sa orasan. Alas-dies palang?. Akala ko ay hatinggabi na dahil sa tagal ng aking iniisip at sa dami ng tanong ko sa aking sarili.
Tumayo ako at bumaba sa aking kama. Marahan akong naglakad palabas at nagtungo sa may baba upang kumain dahil nakakaramdam na naman ako ng gutom. Madilim na ang paligid na ang tanging liwanag ay ang buwan at iilang maliit na ilawan na may kalayuan pa sa akin.
Papaapak pa lang ako sa huling sa bahagdan ay may biglang humawak sa aking leeg na tila may itinapat pa sa akin na kung anong matulis na bagay.
" Sino ka? " mahinang tanong nya.
" H-heather ang pangalan ko " sagot ko.
Tinanggal nya ang paghawak sa akin. " Patawad po " lumingon ako sa aking likudan at nakita ko ang lalaking nakamaskara na nakayuko sa akin. " Kapangahasan ang ginawa kong paghawak at pagtutok sa inyo ng isang patalim. Dapat lang po na ako'y parusahan " saad nya na para bang ang laking kasalanan ng ginawa nya.
" Ayos lang. Hindi mo naman sinasadya " sagot ko na ikinatingin nya ngunit yumuko muli sya.
" Patawad po " muli nyang sabi.
" Ayos nga lang kasi alam kong may ginagampanan kang tungkulin kaya mo nagawa iyon sa akin. " muli kong sabi sa kanya. " Nga pala, alam mo ba kung nasaan ang kusina? " tanong ko.
Sinamahan nya akong magtungo sa kusina ngunit agad rin syang nagpaalam na kailangan nya ng bumalik sa pagbabantay.
Pinalamanan ko kaagad ang tinapay at agad kinain. Nagsalin rin ako ng tubig sa baso ko ngunit paiinom palang ako ay may narinig akong nag-uusap. Hindi rin ako maaaring magkamali na boses ni Alifer at Ms. Iris ang naririnig ko kaya mabilis akong nagtago sa ilalim ng lamesa. Hindi naman ako nakikita dahil may mga upuang nakaharang saka hindi naman siguro titingin dito sa ilalim.
" Naniwala na ba sya sa'yo? " tanong ni Ms. Iris.
Siguradong ako ang pinag-uusapan nila.
" Hindi pa " sagot ni Alifer. " Ikuha mo ako ng alak " utos rin nya.
Nakita ko ang paanan ni Ms. Iris na tumungo sa isang kabinet at nakita ko pa ang pagtingkayad nya saka bumalik sa amo nya.
" Hanggang kailan pa po kayo maghihintay na tanggapin ka nya bilang kapatid nya? " tanong muli ni Ms. Iris.
" Kapag handa na sya. Hindi ko sya pipilitin na maniwala sa akin " mahinahon ang boses pa rin nya.
Nakatayo lamang sila at nakatalikod sa akin. May batong mahabang lamesa kasi sa harap nila kaya nakatalikod sila sa akin. Sana ay huwag nila akong makita.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasiSi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...