Ikalimang Kabanata
Nakatutok na ang espada ng isang hincer sa dibdib ng tettares na nasa harap niya. Kamangha-mangha ang taglay na kagandahan ng babae kahit ito pa ay nababalutan ng rumi sa katawan.
" Nakikiusap ako sa'yo. Huwag mo kaming paslangin. Hindi ako lalaban basta patakasin mo lang kami " yakap ng tettares ang kaniyang tiyan habang patuloy ang pagluha.
Napailing na lang ang lalaki dahil ang hincer na katulad niya ay walang puso para sa mga tettares. Inihanda niya na ang sarili upang ibaon na sa dibdib ng babae ang espada.
" Paal-- "
" Tabi! " nagulat na lamang ang hincer ng biglang tabigin ang espada niya at patagilid itong sinangga upang iwasan ang isang bagay.
Pagtingin niya sa kinatatayuan niya kanina ay may matatalim na bagay ang nakabaon na sa lupa. Napatingin siya sa babae na nasagutan dahil sa pagliligtas sa kaniya.
" Tumakas ka na. Nandito na sila at ako ang hinahanap nila. Masyado silang marami para kalabanan mo " saad ng babae habang hawak ang balikat nito.
Sa hindi alam na dahilan ng hincer, binuhat niya ang tettares at inilayo ito sa kagubatan sa kung anumang humahabol sa kaniya.
" Nahihibang ka na ba Raxik?! Isa s'yang tettares at maaari ka nyang paslangin sa oras na magising siya " bungad kaagad ni Kasius sa akin ng makita niya ang tettares sa loob ng silid ng kaibigan.
" Sinabi nya sa akin na hindi sya masamang tettares " sagot niya habang nakatuon ang pansin sa babaeng mahimbing na natutulog.
" Naniwala ka naman? Lahat ng tettares iyan ang sinabi! " tutol ni Kasius.
" Ngunit nararamdaman kong totoo ang sinabi nya. Iniligtas pa nga nya ako sa kalahi nya " ngiting sagot naman ni Raxik.
Wala ng nagawa si Kasius sa desisyon ng kaniyang matalik na kaibigan. Umalis na lamang ito upang bumalik sa palasyo dahil may tungkulin pa sa kaniyang naghihintay.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasiSi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...